Finding Love

32 1 0
                                    

"Finding love"
Written by: Seungwoonie_21
Story #28

Sabi nila hindi mo alam kung kailan ka tatamaan ng pag ibig. Dadating nalang ito ng hindi mo inaasahan at minsan aalis din ng biglaan.

It was summer vacation nung mapagdesisyonan kong magpakalayo layo muna sa magulong mundo para hanapin yung sarili ko.

Pero hindi ko akalain na sa gitna ng paghahanap ko sa sarili ko mahahanap ko yung taong mamahalin ko.

–––––––––––––––––

"Manang ito po ba ang sakayan papuntang San Ildefonso?" tanong ko sa babaeng may ari ng maliit na karinderya.

"Oo" maikling sagot nito.

"Ano pong ulam yung tinda niyo?" tanong ko.

"Adobo, pinakbet at pancit" sabi ng tindera habang isa isang binuksan ang kaldero.

"Isa nga pong order by adobo at isang kanin" sabi ko at naupo sa bakanteng mesa.

"Isa nalang at lalarga na" sigaw nung driver ng Jeep.

"Diba papunta kang San Ildefonso?" tanong ng may ari ng karinderya at timango naman ako.

"Paalis na ang jeep oh" dagdag pa niya habang sineserve Ang mga inorder ko.

"Sa susunod na jeep nalang ako sasakay" sagot ko at sinimulan na sanang kumain.

"Iisang jeep lang yan na bumabiyahe papuntang San Ildefonso at bukas pa ang susunod na biyahe ng jeep" sabi ng may ari ng karinderya.

Kaya dali dali akong tumayo at nagbayad ng inorder kong pagkain at dali daling tumakbo para mahabol ang jeep at makasakay.

–––––––––––

Nakasakay ako ngayon sa isang jeep papunta sa San Ildefonso nakita ko kasi sa internet na maganda yung lugar at malayo sa kabihasnan.

Kaya yun ang lugar na gusto kong pagbakasyonan. Walang alam ang parents ko sa ginawa kong pag alis sa bahay.

Wala akong masyadong dalang gamit maliban sa damit ko at wallet iniwan ko rin ang cellphone ko para hindi ako ma contact ng parents ko.

Ayokong malaman ng parents ko ang pinagdadaanan ko ngayon dahil ayokong madadagan ang problema nila sa kompanya.

Konti nalang kaming pasaherong nakasakay at yung iba ay nakababa na pero ang sabi ng mamang driver ay malayo malayo pa daw ang San Ildefonso.

Dahil sa tagal ng biyahe ay nakatulog ako ng hindi ko namamalayan at nagising nalang ako ng tapikin ako ni manong driver at sinabing nasa San Ildefonso na daw ako.

Bababa na sana ako ng jeep pero wala na yung dala kong bag.

"Manong yung bag ko" tanong ko Kay manong driver

"Ahhh sayo ba yun dinala na ng lalaking sinandalan mo kanina nung tulog ka" sabi ni manong driver

"Hala andun pa naman wallet at mga damit ko" sabi ko

"Ah ganun ba iho? dibale alam ko yung pangalan niya magtanong tanong ka nalang diyan sa mga tao kilala naman nila yung si Jethro" sabi ni manong driver

"Ah okay po salamat" sabi ko at bumababa na ng jeep

Pagkababa ko ay nilibot ko yung mata ko sa lugar maraming punong nakapalibot sa lugar at sariwa yung hangin hindi katulad sa siyudad puro amoy ng tambutso ang masisinghot mo.

Sinundan ko yung daan na tinuro sa ni manong driver papunta sa bukana ng San Ildefonso.

Habang naglalakad ako ay namangha ako sa magaganda at matatayog na puno sa paligid na hindi ko nakikita sa siyudad.

CRIS IVAN'S ONE SHOTS STORYWhere stories live. Discover now