"THIS TIME: I love you much better"
Written by: Seungwoonie_21
Story #26First day of school at sobrang excited ko dahil finally nag face to face na dahil almost 2 years din hindi ko nabalandra yung gwapo kong mukha.
Sobrang saya ko dahil halos lahat ng kaklase ko ngayon ay naging kaklase ko na dati.
Nagsimula yung first class namin na puro pakilala lang ang ginawa namin. Nasa kalagitnaan ng pagtuturo ang teacher namin nung biglang may pumasok na sobrang hingal na hingal.
"Sorry ma'am late na ba ako?" sabi niya habang hinahabol ang hininga
"Hindi" sagot ng teacher namin at parang nakahinga naman siya ng maluwag
"Dahil late na late kana pero wag kang mag alala dahil early ka naman sa next subject niyo" sabi ng teacher namin kaya napatawa yung iba naming kaklase habang ako ay nabadtrip dahil sa lahat ng pwedeng maging kaklase ay yung timawa ko pa talagang ex
Pagkalabas ng teacher namin sa first subject ay saktong pagdating naman ng teacher namin sa second subject kaya nagsi upoan ulit yung mga kaklase ko.
Nakita kong nakatayo parin Tristan naghahanap siguro ng vacant seats. Nialagay ko yung bag ko sa bakanteng upoan sa tabi dahil nakita kong palapit na siya sa akin
"May nakaupo ba dito?" turo niya dun sa vacant seat na nilagyan ko ng bag ko
"Nakita mong may bag diba edi may nakaupo na diyan" supladong sabi ko
"Hey you" sabi ng teacher habang nakaturo kay Tristan "Tatayo ka nalang ba diyan maupo kana at magsisimula na akong magturo" dagdag pa niya
Kaya wala akong nagawa ng maupo siya sa tabi ko kaya kinuha ko nalang ang bag ko at nakangusong tumingin kay Tristan
"Stop pouting Yohan hindi bagay sayo" sabi niya habang nakangiti sa akin
"Wag kang ngumiti ngiti ka diyan bangasan kita eh" sabi ko at inambahan siya ng batok kaso tumingin sa akin yung teacher kaya napakamot nalang ako sa ulo ko
"Scary!!" sarkastikong sabi niya
Imbes na mapikon ay itinuon ko nalang ang pansin ko sa pagtuturo ng teacher namin at hindi nalang pinansin ang pangungulit ng ex kong timawa
"Hindi ka ba pupuntang canteen?" tanong ni Tristan dahil halos lahat ng kaklase namin ay lumabas for 15 minutes break
"Hindi tinatamad akong lumabas at matutulog nalang ako dahil napuyat ako kagabi kakapanuod ng kdrama" sabi ko
"Geh ikaw bahala" sabi ni Tristan at lumabas na ng room
Natulog muna ako dahil kanina pa talaga ako inaantok. Nakinig nalang ako ng music sa cellphone ko dahil medyo maingay yung mga estudyanteng dumadaan sa harap ng classroom namin.
—————
Nagising ako dahil naramdaman kong may tumapik sa akin at pagtingin ko si Tristan lang pala
"Ano ba natutulog yung tao eh" inis na sabi ko sa kanya at napatayo pa ako
"Eh andiyan na kasi si ma'am" sagot niya
Nung mapatingin ako sa harap nakita kong nakatingin ng masama ang teacher sa akin kaya nginitian ko lang ito at nag peace sign
Nilingon ko si Tristan at tiningnan siya ng masama
"Ano na namang kasalanan ko?" tanong niya
"Madami" medyo napalakas na sabi ko at pinagtingan ako ng mga kaklase ko kaya umupo nalang ako
"Ohh" sabi ni Tristan at may binigay ba sandwich at juice
"Aanhin ko to?" tanong ko
"Try mong tingnan lang baka mabusog ka" pilosopong sagot niya kaya iniismiran ko ito