Prologue

1.5K 63 3
                                    

"Pa tama na po please... m-maawa po kayo saamin. Please po parang awa niyo na!" pakiusap ko kay papa na puno ng emosyon. Garalgal na ang boses ko dahil sa pagod at patuloy na pag-iyak habang nagsusumamo na tumigil na si papa sa pananakit sa amin.

Bugbog sarado na ako pero pilit ko pa ding prinoprotektahan ang kapatid kong babae na pitong taong gulang pa lang at ang mama ko na may kahinaan na mula sa haligi ng tahanan namin na siyang nagpapahirap saamin sa ngayon.

Lagi na lang ganto ang nangyayari sa bahay kada uwi ni papa. Lagi siyang galit at saamin lahat ibinubuhos yon. Hindi naman ganon dati si papa pero noong natuto na itong magsugal at magbisyo doon na nagsimula ang masalimuot naming pamumuhay.

Hindi ko nadin mabilang kung ilang beses na niya kaming muntik na mapatay dahil sa pambubugbog nito. Mga beses na kung saan halos magmukha na kaming mga patay dahil sa mga pasa at namumutla na naming mga katawan na kagagawan ni papa.

Gusto ko silang ipagtanggol. Gusto ko silang protektahan pero isang hamak na lalaki lang ako na maliit ang katawan dahil sa estado namin sa buhay, 'dukha' yan ang tawag sa kalagayan namin at kung saakin? Siguro masasabi kong isa akong lalaki na patpatin at madaling manghina dahil sa hindi nakaka-kain ng tama.

Gusto ko mang tumakas ay hindi ko magawa. Gusto man naming lumaban ay hindi namin kaya. Gusto ko man sumbatan si papa, magpakatapang at magpakalalaki kahit sa isang pagkakataon lang ay hindi ko magawa, hindi ko kaya. Naiinis na ako sa sarili ko dahil sa isiping kahit isang beses lang ay maging lalaki naman ako, isang ganap na lalaki na kung saan makakaya kung ipagtanggol ang mga mahal ko sa buhay, pero wala e, isa lang akong napakawalang kwentang lalaki. Hindi ko sila kayang iligtas mula sa kamay ng papa kong nilamon na ng inis at galit.

Gusto kong ilayo si mama at Abi mula sa kamay ni papa para sana maging ligtas na kami at mamuhay ng masaya at payapa pero hindi ko din magawa, hindi ko magawa dahil naniniwala parin si mama na magbabago padin si papa na pinaniwalaan ko na lang dahil nagbabakasakali ako na kapag pinaramdam namin kung gaano namin kamahal si papa ay babalik siya sa dati, ung papa namin na napakasweet at maalaga.

Iyong papa ko na kapag uuwi ay laging nakangiti dahil may pasalubong na isang supot ng pansit na patakbo naman naming kukunin ng kapatid ko kasabay non ang pagbati sakaniya, paghalik dito, pagmano at pagbibigay ng isang yakap.

Namimiss kong makita si papa na sweet kay mama, yung tipo na para silang bida sa isang telenobela na walang alitang nagaganap, na puno lang ng pagmamahalan.

Namimiss ko si papa, lahat ng dating siya namimiss ko, lalo na ang mga itinuro niya saakin.

Ngunit lahat ng itinuro niya ay parang wala na lang, lahat ng iyon ay nawala dahil nadin sa siya ang naging dahilan ng kawalan ko sa sarili. Nawala ako dahil sa mga pananakit na ginagawa niya, na parang napakamanhid ko na at hinahanap na ng katawan ko ang masaktan at makaramdam ng sakit.

Pero sa kabila non ay hindi ko maikakaila na hinahanap hanap ko padin ang dati kung papa, na nagpakita saakin ng rason para mabuhay ng matatag at puno ng pag-asa.

Namimiss ko na si papa.

Namimiss ko na 'yong dati naming pamilya, 'yong isang masayahin at buong pamilya.

"Pa please po, nakikiusap ako— k-kahit ako na lang po saktan niyo wag na po si mama! Wala po siyang ginagawang masama, wala po kaming ginagawa. Maawa po kayo pa please. Pagod na po kami pa... plss po tama na!..." pakiusap ko sa papa ko habang hawak-hawak ang braso nito na pinipigilan siya upang suntukin ang mama ko na nanghihina na ngayon.

Badboy's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon