4

900 40 11
                                    

THIRD PERSON'S POV.

Nakarating na nga sila Alex kasama si Ma'am Agatha at Nanay Melda sa isang ospital. Kasalukuyan ng tinatahak ng tatlo ang silid kung saan gagamutin si Alex. Sinabihan ni Ma'am Agatha na magpa-iwan na lang ang iba sapagkat kaya naman na nila ito at kailangan din na may tao sa nasabing mansion, ang mansion ng mga Montero.

Isa ang pamilya Montero sa kilalang mayamang pamilya sa lungsod ng Baguio, ang 'Summer Capital of the Philippines'. Hindi lang sa Baguio kilala ang pamilya ng mga Montero bagkus ay kilala ito sa iba't-ibang sulok ng mundo lalo na nga dito sa Pilipinas.

Isa ang asawa ni Ma'am Agatha sa nasabing anak ng namatay na abogado ng isang royal family at ang nanay naman nito ay isang kilalang nurse sa nasabing pamilya kaya ganon na lang din na ganoon sila kayaman.

Napagkasunduang ipakasal si Agatha sa anak ng Montero na si Lonelio. Mayaman ang dalawang pamilya, ang Montero at Fuentes. Noong una ay wala pang namumuong pagmamahalan sa dalawa pero kalaunan ay nahulog nadin ito sa isa't-isa dahil sa kadahilanang nagkakilala ito ng husto at nagkamabutihan. Nagkaroon nga sila ng anak, nauna si Shaila, sinundan naman ito ni Haze, Khairon, Daniel at ang bunso sa anak nila na si Ashley.

Masaya ang pamilya nila. Walang lamat at punong puno ng pagmamahal.

Isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang hindi inaasahan. Naaksidente si Lonelio na siya na ding ikinamatay nito. Nang dahil sa pagkamatay ni Lonelio ay tuluyan na ngang nagbago ang anak nito na si Khairon, nagsimula ng maging basag-ulo ang binatang ito at natuto nading uminom. Naging mainitan nadin ang ulo nito na siyang dahilan kaya ito nakakasakit minsan. Wala naman ng magagawa ang pamilya nito dahil sa hindi na nga nila ito kaya pang baguhin. Masyadong malapit ang loob nito sa kaniyang ama kaya ganoon na lang din ang naging resulta noong namatay ang ama nito.

"Dude, may galit ka padin ba kay Alex? Napapansin ko kasi na masama ka pading tumitig sakaniya." tanong ni Kiero sa nasabing binata na si Khairon.

Nasa garden sila ng nasabing mansyon. Humigop muna ng kape si Khairon at ipinatong ito sa maliit na lamesa sa gitna ng maladuyang upuan na kulay puti na inuupuan nito.

"Yes, at hinding hindi yon mawawala. Because of him hindi nakadalo si Mom sa graduation ng klase namin. Minsan lang ako magka-medal and to have rewards. I'm so happy when the teacher gave it to me kaso that skinny boy! Sinira niya yon! I just want to make my mom proud. Kaso lahat nasira beacause of him!" sagot naman ng binata, seryoso ito at nagsisimula na namang patunugin ang mga buto nito sa kamay na senyales na galit na galit ito.

"Bro calm down, alam ko yang iniisip mo." wika ng kaibigan nito. Natatakot ito sa maaring gawin ng kaibigan dahil sa kilala niya ito ng husto. Tumingin naman si Khairon sa gawi ni Kiero na siyang ikinabahala ng isa. "Listen. Hindi naman kasalanan ni Alex na magkasalubong sila ng mama mo, specially na matumba ito sa mismong harap ng sasakyan ni tita. Besides, tita Agatha already apologized to you at pinatawad mo naman, so ano pang pinagpuputok ng butchi mo?" tanong ni Kiero sa kaibigan nito na katatapos lang humigop ng kape.

Nagseryoso naman ang kausap nito, tumingin ito sa kaibigan na puno ng galit ang mata. "I know. Just let me teach that skinny boy a lesson, hindi pa kami tapos. And nakita mo kanina? He even called my mom, mama? The f*ck? What's wrong with him! Gusto niya bang makisali sa pamilya namin or gusto niyang magpabida?! T*ngina, bakit kasi hindi na lang hinayaan ni Mom na mamatay yon sa kalsada." sa boses ni Khairon ay parang malaki nga talaga ang atraso ni Alex dito. Nakasalubong ang kilay nitong kinuha ang kape mula sa lamesa at humigop dito. Masama padin ang timpla nito at nakatingin lamang sa malayo.

Badboy's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon