22

560 43 3
                                    

Nagtungo kaming dalawa sa may kubo-kubo na malapit sa entrance ng garden namin at nagsuot ng karagdagang gamit para sa paglalagay ng fertilizer, like gloves and farming boots.

Kinuha ni Alex yung isang timba doon kaya nagpresenta ako na ako na lang magbubuhat non para nadin makabawi sa lahat ng nagawa ko sakaniya.

"Hindi na po. Okay lang po sakin 'to." tanggi niya habang nakangiti.

Wala naman na akong nagawa kundi hayaan na lang siya dahil baka makulitan ito saakin kapag sinabi ko na ako na ang magbubuhat non. Kumuha na lang din ako ng isang timba na may lamang fertilizer bago sumunod sakaniya.

Nagsimula na kaming maglagay ng mga fertilizers sa mga halaman. Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil napako ang tingin ko kay Alex na masaya at nakangiting naglalagay ng mga pataba sa mga nakahilerang halaman ng sunflower na una nitong tinakbuhan kanina.

Napakasaya niya. Ito yung gusto kong makita sa mukha niya, yung masaya lang siya na parang wala siyang problema.

Napapangiti na lang ako sa kung paano siya umaksyon.

"You like sunflowers?" biglang sambit ko ng may ngiti sa labi. Napalingon naman ito saakin ng nakangiti padin at dahan-dahang tumango.

I picked one stem of sunflower and give it to him.
Nag-aalangan pa siyang tinitigan ako pero kalaunan ay tinanggap niya din ng may ngiti ang bigay ko at inamoy-amoy yon bago binaling ang tingin saakin.

"Salamat po." ngiting pasasalamat nito kaya napayuko ako at lihim na ngumiti.

Pagkatapos ng eksenang yon ay pinagpatuloy ko na lang ang paglalagay ng mga pataba sa bawat halaman na narito. May mga iilang-tao nadin pala na nandito mula sa malayo na naglalagay din ng mga pataba at ang iba ay namimitas ng mga bulaklak. Malapit na ang Panagbenga Festival dito sa lungsod namin kaya ganon na lang kung alagaan nila ang mga bulaklak na nakatanim dito.

Ang saya pala ng ganito na nag-aalaga ka lang ng mga pananim. Kung siguro ganito na lang ang ginawa ko noong nawala si Dad ay baka naging mas maayos ang takbo ng buhay ko ngayon.

Ilang oras din kaming naglalagay ni Alex ng mga pataba. Hindi ko alam kung talaga bang naglalagay din ba ito dahil nasa mga sunflower lang siya nakangiti habang nagsasalita doon. Hinayaan ko na lang siya dahil ngayon ko lang makita na ganon kasaya. Baka yun ang source of happiness niya and I don't want to ruin it.

"Sir! Magpahinga na po kayo. Ako na lang po muna maglalagay ng mga pataba kasama sina Manang Amie!" pasigaw na wika ni Alex. Nasa kalayuan na kasi ako samantalang siya ay nandoon padin sa mga nakahelerang sunflower, malawak din naman yon kaya mahihirapan din talaga siyang makausad.

Nag-angat ang tingin ko at tinigil pansamantala ang ginagawa ko. May kasama siyang tatlong tao doon, isang babae at dalawang lalaki. Mukhang bagong dating lang sila. "Sir Khairon, kami na po dito!" pabulyaw na wika nong isang lalaki na may katangkaran.

Nakatingin lang ako sakanila, lalo na kay Alex. May kumakausap kasi sakaniya na lalaki at mukhang ansaya ng pinag-uusapan nila. Hindi ko na namalayan na nandoon na pala ako sa harap nila at tumititig sakanila ng kay dilim.

Ewan ko ba pero kapag may nakakasama itong si Alex parang nagdidilim paningin ko, may mga times naman na kapag may kasama siya, ay nasasaktan ako. Wala e, that's what love can do.

Hindi sila umiimik at naglilingunan lang sa isa't-isa. "Magtitinginan na lang ba kayo? Akala ko ba kayo na ang gagawa?" may pagkamasungit kong tanong.

Gaya kanina ay walang nagsalita. Ganon naba ako kasungit sa ginagawa ko? Napabuga ako ng hangin at pilit binago ang ekspresyon ko.

Badboy's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon