9 Years Ago...
"Ate, Ate! I found a wonderful place! Lets play there!" wika ng batang si Khairon. Nagtatango na lang ang ate nito sa sinabi ng kapatid dahil sa hinihila hila ito ni Khairon. Mula sa hagdanan ay patakbo namang nagtungo sa dalawa ang kagigising pa lang na batang si Haze dahil sa ayos ng buhok nito.
"Good morning" bati ni Shaila sa nasabing bata na si Haze. Pakamot-kamot pa ito sa mata niya habang humuhikab pa.
"Good morning too Ate" bati ng batang si Haze pabalik.
"Kuya, sasama ka?" tanong ng batang si Khairon. Napatingin naman si Haze dito at agarang nagtanong.
"Saan?" tanong nito. Alam kasi niya na may nahanap na namang magandang paglaruan ang kapatid nito. Palagala kasi ang bata at tumatakas pa sa mga yaya nila para maglibot sa kanilang hacienda.
Nagbigay naman ng mumunting ngiti ang batang si Khairon at tumakbo na ito agad na sinundan ng mga kapatid nito. Ilang sandali pa ang nakalipas ay napadpad sila sa isang malaking puno ng sinequelas. Sa ibaba nito ay may isang putikan o sabihin na nating pond ng putik. Nagtataka namang tumingin sina Shaila at Haze kay Khairon. Napansin naman ito ng nasabing batang si Khairon. "Watch me" tanging saad nito at umakyat na agad sa nasabing puno. Nang maka-akyat na ito ay agad siyang tumalon sa pond ng putik at doon nga narumihan ang kaniyang mga suot. Naglikha ito ng impact na dahilan na pagkakabasa ng mga kapatid nito. Umahon si Khairon doon at hinabol ang mga kapatid nito para batuhin ng mga putik.
"Khairon no! Stay there!" si Shaila na patakbong umiiwas sa makulit na kapatid nitong si Khairon. Hindi naman nagpatinag si Haze at kumuha nadin ng putik at hinabol ang ate nila.
"I will make sure na mapapagalitan kayo mamaya!" tili pa ni Shaila at mabilisang tumakbo.
Masayang-masaya ang tatlo na naglalaro. Lahat sila ay madudumi na ang suot pero patuloy pa din sila sa paghahagisang ng mga putik na wari mo'y hindi sila anak mayaman, na parang kahit na napakayaman ng pamilya nila ay hindi sila nandidiri dito bagkus ay nagustuhan pa nila.
Nasa mismong pond na sila ng putik at doon naglalaro. Nagsisitalon nga ang mga ito at ginaya ang ginawa kanina ni Khairon. Ginawa pa nilang swimming pool ang nasabing putikan.
Makalipas ang ilang minuto ay napagpasiyahan na nilang umuwi dahil maggagabi nadin. Habang naglalakad pauwi ay nadaanan sila ni Nay Melda na sakay ng isang tricycle. Agad namang bumaba ang matanda sa tricycle. Napahaplos na lang ito sa kaniyang noo dahil sa andudumi ng mga ito, puno ng putik ang kanilang mga katawan na kung titignan ay parang hindi sila anak ng mga mayayaman.
"Dios ko kayong mg bata kayo, anong pinaggagawa niyo at nagkaganyan ang mga itsura ninyo?" tanong ng matanda at isa-isang nilapitan ang mga bata para bawasan ang putik sa mga katawan nito.
"Nay si Khairon po nag-aya saamin na maglaro" sagot ni Shaila na sinang-ayunan naman ni Haze. Ngumiti lang ang nasabing batang si Khairon dahil sa pagsusumbong ng mga kapatid nito. Wala ng nagawa pa si Nay Melda kundi isakay na ang magkakapatid sa tricycle.
Pauwi na ang mga ito ng makasalubong nila ang iba nilang katulong kasama ang Dad nila na naka motor. Hinahanap kasi nito ang mga bata dahil bigla itong nawala sa mansyon. Agad namang bumaba ang Dad nila ng makita ang mga ito ngunit ganon na lang ang gulat niya ng makita ang mga itsura ng kaniyang mga anak.
"Nay, anong nangyari sakanila?" agarang tanong ni Sir Lonelio, ang ama ng mga. Napapailing na lang ito sa mga anak nito na parang masayang-masaya pa sa nagawa nila kanina. Nagkwekwentuhan pa kasi ang mga ito na uulit daw sila sa susunod. Hindi alam ni Sir Lonelio ang mararamdaman dahil medyo natutuwa siya sa mga anak niya dahil sa bonding ng mga ito at may side sakaniya na galit dahil sa hindi sila nagpaalam dito.
BINABASA MO ANG
Badboy's Maid
RomanceAlex Casuga Casapao - taga Maynila na napadpad sa Banaue. Isang binatang laki sa hirap at may mabibigat at masasakit na nakaraan pero nanatiling positibo at pinanatili ang kabaitan. Khairon Fuentes Montero - isang binatang taga Baguio na laki sa may...