"Ang salbahi pala ng papa mo" suhestiyon ng isa na sinagot ko agad.
"Hindi naman po ganon si papa. Nagkataon lang po siguro na masama ang timpla nito at napag-initan kami. Mabait naman po talaga si papa. At tsaka po kung hindi ko siguro siya sinuntok ay hindi po ako aabot sa ganong sitwasyon. Kasalanan ko nga po ang lahat e." pagtatanggol ko.
"Alam mo bilib din ako sayo e, nagagawa mo pang ipagtanggol ang papa mo kahit ganun ang ginawa niya sayo. Kung tutuusin nga ay kulang pa iyon." gigil na wika ng babaeng may katabaan. Ngumiti na lang ako ng mapait dahil sa kasalanan ko naman talaga ang lahat. Kung nakontrol ko lang sana ang galit ko ay hindi iyon mangyayari.
"Matapang kang bata. Napakatatag mo. Kahit na masama ang itinuring ng papa mo ay hindi padin nawawala ang pagmamahal mo bilang anak niya. Mabait kang bata." nakangiting turan ng babaeng may katandaan na. Ngumiti naman ako dito pati nadin ang mga kasama namin.
"Yes Nay. He's kind." sang-ayon ng babaeng katabi ko at napatingin saakin. "Mabait ka talagang bata Alex".
Magpapatuloy pa sana kami sa pag-uusap ng may pumasok na lalaki na matalim na nakatingin saakin. Hindi ito kumatok o nagsalita man lang. Pumasok na lang ito ng walang pasabi na ikinagulat bahagya ng matabang babae at ikinairap naman ng may kapayatang babae na kausap namin kanina.
Nag-usap ang dalawa ng masinsinan. Pabulong lamang ito pero nakatingin lang sila saakin na para bang ako ang pinag-uusapan nila.
Hindi mawala ang tingin nila saakin at ganon din ako sakanila lalo na sa lalaki na nakatingin lamang saakin ng matalim. Ilang saglit pa ang lumipas ay nagpaalam ang babae saakin, may pag-uusapan pa daw sila ng anak niya.
'Anak niya pala yon.' saad ko sa aking isip.
Bago tuluyang makaalis ang mag-ina ay nagpakilala muna ito saakin pati nadin ang mga kasama niya. Kailangan ko daw makapagpahinga na at makaligo kaya aalis na sila.
"Agatha, that's my name. Maiwan na kita ha, may pag-uusapan lang kami ng anak ko." pakilala ng babae at nginitian ako. "Nay, Bibi, Tina kayo na ang bahala kay Alex ha." wika pa ng babae.
"Oh sya sige kami na bahala." sagot ng babaeng may katandaan na. Nginitian ito ni Ma'am Agatha. Dumapo ang tingin nito saakin at nginitian din ako na sinuklian ko din ng ngiti. Nawala din ang ngiti ko ng makita ko ang nakakunot at nakakatakot na titig ng anak nito.
"Sige alis na ako ha." paalam pa ni Ma'am Agatha at tuluyan na ngang umalis kasama ang anak nito.
"Ako nga pala si Bibi. Tawagin mo na lang akong Manang Bibi." pakilala ng matabang babae.
"Tawagin mo na lang akong Ate Tina." pakilala ng babae na may kapayatan.
"Nay Melda, yan itawag mo sakin nak." pakilala ng pinakamatanda sakanila. Pare-pareho silang nakangiti habang nagpapakilala.
"Ako naman po si Alex." pakilala ko naman at ngumiti din.
"Alex ha, paulit-ulit ka. Hindi pa naman kami ulyanin, ewan ko na lang dito kay Nanay." biro naman ni Ate Tina na siyang ikinatawa namin. Hindi na nagsalita pa si Nay Melda at nakitawa na lang din.
"Maiba ko nga ang usapan. Yung tatay mo ba e nagdrodroga ganon? Malay mo kaya niya kayo nasasaktan kasi nagdrodroga siya." suhestiyon ni Manang Bibi. Napatingin naman ako dito at ngumiti dito.
BINABASA MO ANG
Badboy's Maid
RomanceAlex Casuga Casapao - taga Maynila na napadpad sa Banaue. Isang binatang laki sa hirap at may mabibigat at masasakit na nakaraan pero nanatiling positibo at pinanatili ang kabaitan. Khairon Fuentes Montero - isang binatang taga Baguio na laki sa may...