Around 7 o'clock in the morning ng magising ako. I'm a little bit sleepy but I managed to stay awake. Iniwan ko na muna si Alex na natutulog pa, bibili ako ng kape para naman mabuhay ang diwa ko.
Pagkalabas ko ng hospital ay naghanap ako ng coffe shop at umorder doon. Bumalik na ako ng hospital pagkatapos kong makuha ang binili ko. I was about to enter in the entrance of the hospital ng maaninag ko ang isang pamilya na mukha. It was Ico.
Mag katagalan din kanina ang paggawa ng kape, baka nakausap niya si Alex.
Hindi ko na lang siya pinansin dahil ayoko gumawa ng gulo pero siya ang nakapansin saakin. Lumapit saakin bago alanganing ngumiti.
"Sir? Sorry sa nagawa ko sa pamilya ni Alex ha. Kaypona bahala sa pards ko. Aalis na ako ng hacienda niyo at luluwas papuntang Maynila para doon makipagsapalaran. May sulat akong ginawa, sana ibigay niyo kay Alex, hindi nadin naman kami magkikita pa." tumaas ang ulo niya at ngumiti na may bahid ng lungkot. "Wala na akong mukhang maihaharap kay pards. Sinira na ng papa ko ang pamilya niya." pagpapatuloy nito.
Natahimik din kami ng ilang segundo. Wala akong gustong sabihin sakaniya at wala akong balak magsalita. Hindi padin naaalis ang galit ko sakaniya, alam niyang nagawa na iyon ng papa niya sa pamilya ni Alex pero pinili niya padin itong itago. Kung sinabi niya sana kaagad ay baka nailigtas pa sila, kahit iyong kapatid man lang sana ni Alex.
Wala akong tiwala doon sa mga doktor na nag-opera daw sakaniya noong nakaraang araw. Sa mga mukha pa lang nila parang hindi na sila kikilos kapag walang pera. Kaya siguro lumala ang lagay ng kapatid ni Alex dahil hindi nila inayos ang pag-oopera doon.
"Sir. Alis na ako. Huwag niyong pabayaan si pards." paalam niya. Hindi na niya ako hinintay na magsalita pa at naglakad na siya palayo.
Umalis nadin ako sa lugar na iyon at pumasok na ng hospital. Naglakad ulit ako sa may hagdanan hanggang sa makarating ako sa room ni Alex.
Nakatulog padin siya, may bahid ng luha ang gilid ng mga mata. Mukhang pati sa panaginip ay ayaw siyang bigyan ng masayang buhay.
Umupo ako sa may upuang nasa tabi lang niya. Umiinom ng kape habang nakatitig sakaniya. Naalala ko yunh sinabi ni Ico, may sulat siya para kay Alex.
Napalingon ako sa may lamesang nasa gilid ko lamang. May sobre doon.
Kinuha ko ang sobreng iyon at binuksan. Kinuha ang papel na nasa loob non at binasa iyon.
Wala namang masama kung babasahin ko. And besides, it's Ico, malaki ang selos ko don kaya lahat ng sasabihin o gagawin man lang niya kay Alex ay gusto kong malaman.
'Mahal kong kaibigan, Alex
Pards, sorry. Hindi ko alam kung paano ako magsosorry sayo ng harapan. Hindi ko kaya e, wala akong mukhang maihaharap, walang-wala. Pards, sorry kung hindi ko sinabi sa iyo kaagad na ganon ang nangyari sa pamilya mo at si papa pa ang may gawa. Sasabihin ko naman e, kaso nauunahan ako ng takot. Sorry talaga pards, sorry. Kung magalit ka sakin, okay lang pards, tatanggapin ko yun. Alam ko naman na mahal na mahal mo ang pamilya mo e kaya kahit na anong isipin mong masama tungkol saakin, tatanggapin ko.
Doon sa may mansyon, umiiyak ka don, pards sorry kung napaiyak kita, kung napaiyak ka ni papa. Sorry kung nadagdagan namin sakit na dinadala mo. Pards sorry talaga, hindi ko din yun inaasahan e.
ko sa papa kung bakit niya iyon nagawa pero nagalit lang siya at nasuntok ako. Ang sabi ng mga pulis ay nagdrodroga daw si papa kaya niya siguro yun nagawa. Hindi ko sinasabi na patawarin mo si papa pards, alam kong masakit mawalan ng pamilya kaya naiintindihan kita.Pards, maglalakas na ako ng loob na sabihin sayo ito. Pards mahal kita, mahal na mahal. Hindi mo man nahahalata pero noong nakita kita ulit dito sa Haciende de Montero, sobrang saya ko. Kasi long time crush kita e, simula pa bata.
BINABASA MO ANG
Badboy's Maid
RomanceAlex Casuga Casapao - taga Maynila na napadpad sa Banaue. Isang binatang laki sa hirap at may mabibigat at masasakit na nakaraan pero nanatiling positibo at pinanatili ang kabaitan. Khairon Fuentes Montero - isang binatang taga Baguio na laki sa may...