7

645 41 1
                                    

ALEX' POV.

Natapos na nga ang isang araw ko dito sa mansyon ng mga Montero. Mababait sila at masayang kasama.

Si Ma'am Agatha...

Napakabait niya at sobrang maalalahanin. Kung tutuusin ay napakabuti niyang ina para sa mga anak niya.

Si Ma'am Shaila...

Kaparehong-kapareho siya ni Ma'am Agatha. Napakabait din niya at mabuting ate sa mga kapatid nito. May pagkamakwela si Ma'am Shaila dahil minsan ay nagkukunwari itong galit at masungit lalo kapag nagbabangayan sila ni Sir Haze. Siya nga ang naglibot saakin sa buong mansyon at talaga nga namang napakalaki at napaganda ng mansyon nila.

Si Sir Haze...

Kahit na napakapilosopo niya ay kakikitaan mo din siya ng kabaitan. Bagamat lagi siyang nang-aasar ay palagi naman itong ngumingiti. Hindi siya yung tipo ng tao na kung mang-asar ay kakainisan mo talaga. Iba siya, kumbaga kapag inasar ka niya ay matutuwa ka na lang, depende nga lang.

Si Daniel...

Yung batang yon parang kagaya niya si Sir Haze, makwela din yon at pilosopo gaya ng kuya niya, pero kung magsalita naman ay seryoso gaya ni Sir Khairon.

Si Ashley...

Ang cute-cute niyang bata at napakasweet. Nakakagigil siya. Iyakin yong batang 'yon kaya alam kung napakabait niya. Parang siya yung pinakapangunahing dahilan ng masayang pamilya nila. Nakikita ko sakaniya ang kapatid ko noong kabataan niya. Sana makita ko ulit yun sa kapatid ko.

Si Sir Kiero...

Kung pilosopo at palabiro na si Sir Haze at Daniel ay mas grabe pa siya. Wala akong masabi kay Sir kundi napakapilosopo niyang talaga. Mabait siya at alam ko yon. Masayahin siyang tao. Parang siya yung tipo ng tao na palabiro pero kapag seryoso ang usapan ay magseseryoso din siya kaso may halo ding biro.

Si Nanay Melda...

Napakamaalalahanin niya at napakabait. Siya yung laging nagbibigay saakin ng pagkain lalo noong kumain kami ng panggabihan. Naalala ko pa nga busog na ako non kaso bigay lang siya ng bigay ng pagkain gaya ng iba pero si Nanay Melda hindi talaga ako tinantanan hanggang maubos ko ang binibigay nilang mga pagkain.

Si Manang Bibi...

Parang siya na yung naging ate ko. Mabait din siya at masinsera. Parang siya yung tao na laging nandiyan para sayo, para damayan ka.

Si Ate Tina...

Madaldal si Ate pero hindi nawawala ang kabaitan niya. Napakamasayahin niya pero hindi talaga niya mapigilan ang pagsasalita. Naalala ko pa noong napagalitan siya ni Nanay Melda dahil sa pinagsasabi niya kay Sir Khairon.

Si Mang Kanor...

Hindi ko man siya gaanong nakausap pero alam kong mabait siya. Noong nilibot nga ako ni Ma'am Shaila ay siya ang kasama namin. Napakapalabiro niya at napakamasayahin. Lagi siyang nakangiti.

Napakabait ng mga nasa mansyon ng Montero. Napakamasayahin nila at napakadaling pakisamahan. Subalit hindi ko lang alam kung bakit iba si Sir Khairon.

Si Sir Khairon kasi laging tikom ang bibig, tipid kung magsalita, laging seryoso, salubong ang kilay, masungit tumingin, matalim tumitig na parang hindi malalapitan.

Pero sa paraan ng pag-aalaga niya kay Ashley, alam kong mabait siya gaya ng pamilya niya.

Baka nagbago lang talaga siya gaya ng sabi ni Nay Melda. Sana mabalik yong dating siya. Naikwento din kasi saakin ni Ma'am Shaila noong nililibot ako nito, na napalikot, napakakulit at nakasayahin niya daw noong bata siya. Siya pa nga daw lagi ang dahilan kung bakit sila nasesermunan pero ngingiti-ngiti lang daw si Khairon kapag nangyayari yon kaya wala daw nagagawa ang mga magulang nila kundi matuwa na lang sakaniya.

Badboy's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon