18

592 35 3
                                    

Magtatatlong araw nadin noong araw na uminom ako dahil sa nararamdaman ko. Sa mga araw na yon wala akong ibang inisip kundi humanap ng paraan para makausap ng masinsinan si Alex at makahingi ng tawad dito pero palagi niyang kasama si Ico na halatang ayaw akong ipalapit kay Alex.

Naiinis na ako sa lalaking 'yon sa totoo lang.

Si Nanay nandoon padin sa hospital nakaconfine. Kasama niya doon yung dalawang katulong. Paminsan-minsan ay bumibisita din ako sakaniya at sinasabihan na gumising na siya dahil magbabago na ako, na babalik na yung makulit niyang alaga dati.

Pinagsisisihan ko na talaga lahat ng nagawa ko. Dapat hindi ko hinayaan na mapalayo ang loob ko sakanila.

About sa family ko nandoon daw sila sa Manila at uuwi na mamaya. Hindi naman nila sinabi saakin kung bakit sila nandoon basta ang sabi ni Mom ay sasabihin niya daw once na nakauwi na sila. I even tried to know what happened kay Ate Shaila at sa iba pang kapatid ko pero siniseen lang nila ako kaya hinayaan ko na lang dahil hindi naman ako yung tao na parang naghahanap ng atensyon.

Palabas na ako ng bahay ng mahagilap ko ang isang kotse na for sure ay sina Mom. Agad ko silang sinalubong ng makarating na sila sa harap ng bahay.

Isa-isa silang lumabas at lumapit naman ako dito. Niyakap ako ni Ashley na agad ko namang binuhat at hinalikan sa pisnge nito.

"Hmm.. I miss you baby." Hinalik-halikan pa ito na ikinangiti niya.

Nadapo ang tingin ko kay Ate Shaila at Kuya Haze na parang hindi maganda ang umaga kaya nagtanong na ako. "What happened? You two looks like a pouting monkey." birong tanong ko. Napatawa naman sila doon pero nandoon padin ang lungkot sa mga mata nila kaya napabuga na lang ako ng hangin.

I'm trying my best but I can't make them happy. It looks like I'm seeking for an attention now.

Lumabas si Mom sa kotse alalay si Steffy.

And she was pregnant! Malaki-laki na ang tiyan nito. Gulat na gulat talaga ako dahil ang pagkakaakala ko ay nag-aaral padin ito.

Napadapong muli ang tingin ko kina Ate Shaila at Kuya Haze, gulong-gulo ako at hindi maintindihan ang nangyayari.

"Pumasok na kayo sa loob." kumando ni Mom. Sinunod naman ito ng mga kapatid ko. Lumapit pa si Kuya Haze kay Steffy at inalalayan itong makapasok sa loob.

May namamagitan ba sakanila?

Mom looks tired kaya nag-alala ako dito. "Mom, are you okay?" tanong ko.

Mom didn't respond to me pero tinapunan niya ako ng tingin na parang sobrang galit ito at pagod. I'm worried now. What happened? All of them looks tired except Ashley. Maybe I should ask Daniel later.

Sumunod na lang akong pumasok sa loob at doon ay nakaupo na silang lahat habang si Mom ay paikot-ikot at nakahawak sa buhok nito.

"Khairon, come here." Agad naman akong nagtungo palapit kay Mom dahil baka may sasabihin ito.

"What is it Mom?" kalmado at nag-aalalang tanong ko and they were just like shocked. Why? Ngayon lang ba nila akong nakita na naging ganito? Na gentle at marahan kung magsalita? People changed naman so bakit parang jinujudge nila ako at hindi makapaniwala sa nakikita nilang inaakto ko?

Napahawak pa kaniyang noo si Mom before he commanded Ate Shaila na ipunta sa taas sina Daniel at Ashley kasama si Steffy inalalayan pa ito ni Kuya Haze at bumalik din saamin pagkatapos silang maihatid sa taas.

Nang makapasok na sila sa kwarto ni Ate ay napabuga ng hangin si Mom. Parang sobrang bigat ng dinadala niya.

Not to mention this pero nagkukunwari lang ako na masungit but I'm really concern. It's just ayokong mapalapit sa ibang tao kasi baka one day mawala din sila at ayokong maramdaman ulit ang naramdaman ko noong nawala si Dad.

Badboy's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon