23

491 33 1
                                    

THIRD PERSON'S POV.

Naghintay ng buong araw ang magkakapatid sa kanilang ina na makauwi pero hindi ito dumating. Matinding pagkadismiya ang naramdamanan ng mga ito ng nabigo sila sa plano nilang paghingi ng tawad sa kanilang ina lalo na si Khairon.

Sumapit na ang umaga at doon lang tumawag ang kanilang ina na labis na ikinasaya ng magkakapatid pero nagbago din yun.

"Sorry mga anak. Hindi makakauwi si Mommy. I really need to finished this works and papers muna. Babawi ako pagkauwi ko." hinging patawad ng kanilang ina na ikinalungkot ng nakababata nilang kapatid na si Ashley.

"Promise po Mom?" malungkot na tanong ng bata na nginitian ng kanilang ina.

"Yes baby, promise." pangako ng kaniyang ina bago kinamusta ang mga ito. "Kamusta kayo? Kumain naba kayo?" tanong ng ginang.

Nagkatinginan naman ang tatlong panganay bago sila sumagot. "Kakain pa lang Mom." sagot ni Shaila.

"Okay, then... I'll end the call muna mga anak. Kumain muna kayo at tatapusin lang ni mommy ang works ko para makauwi na, okay?" paalam ng ginang na sinagot ng mga anak nito ng pagsang-ayon.

Pagkatapos ng tawag na yon ay agarang nagtungo si Shaila sa kusina habang hila si Alex na ikinatayo ng binatang si Khairon at pinigilan ito.

"Saan kayo pupunta?" tanong ng binata na ikinatigil nila.

"Sa kusina, magluluto." sagot ng kaniyang ate at naglakad ng muli hawak si Alex. Nilingon lang ito ng binata hanggang sa makarating na sila sa may kusina. Naupo na lang ito sa may sofa at ipinagpatuloy ang kaniyang panonood sa telebisyon.

Palingon-lingon ang binata sa may kusina na may kalayuan sakanila kahit na hindi naman nito nakikita kung ano ang ginagawa ng dalawa dahil sa may nakaharang na pader dito.

Ilang minuto pa ang lumipas bago sila tinawag ng kanilang ate para kumain. Agad namang napalingon doon ang magkakapatid at nagpunta agad doon maliban kay Khairon na nagpahuli pa.

"Hulaan ko si Alex lahat nagluto nito?" may halong pang-aasar na tanong ni Haze na ikinatawa ng kaniyang ate.

"Fyi, may niluto din ako dito." depensa ni Shaila.

"Yung mga prito?" asar na tanong ni Haze na ikinaturo sakaniya ng kaniyang ate.

"Alam mo ikaw!" turo nito bago natawa. "Kumain kana nga lang." pagsukong aniya na ikinatawa ni Haze at ni Steffy.

"Sige. Tikman ko nga mga luto mong prito." pahabol na pang-aasar ni Haze sa kaniyang ate bago naupo kasama si Steffy.

"Oh Khairon? Kain na. Niluto ni Alex itong paborito mong dinengdeng oh." baling ni Shaila kay Khairon na nakatayo lamang habang nakatitig kay Alex. "Kain na mamaya na yang mga titig na yan." may halong kilig na saad ni Shaila.

Sinamaan lang siya ng tingin ng kaniyang kapatid bago ito umupo na ikinangiti ng dalaga.

"Alex kumain kana din. Doon kana sa tabi ni Khairon." pautos na saad ng dalaga na ikinatingin sakaniya ng dalawang binata.

"Ate!" may kahinaang bulyaw ni Khairon sapat na para madinig ng kaniyang ate. Nagbigay lang ng mapang-asar na ngiti ang kaniyang ate bago muling inutusan si Alex na umupo sa tabi ni Khairon.

Naglakad naman si Alex palapit doon habang nakatitig kay Khairon na kanina pa nakatitig sakaniya. Nang makarating na sa upuan ay tumigil muna si Alex bago nagsalita.

"Pwede po bang makiupo sir?" tanong nito na tinanguan lang ng binata bago nag-iwas ng tingin.

Napangiti pa si Shaila bago ito naupo paharap sa dalawa at nagdasal na bago kumain.

Badboy's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon