24

477 37 5
                                    

Palabas na ng hospital ang dalawa. Wala silang kibuan. Nauuna si Khairon habang si Alex naman ay nakasunod lamang sakaniya.

Tumigil si Khairon at ganon din si Alex. "Alex..." paunang salita ni Khairon na nakatingin kay Alex.
"I have something to say to you." pagpapatuloy pa ng binata.

Hindi naman nagsalita si Alex. Hinihintay lang nito ang susunod na sasabihin ni Khairon.

Ilang minuto ding tahimik lang ang dalawa. Hindi mapakali si Khairon, hindi nito masabi ang gusto nitong sabihin.

"Sir? May problema po ba?" tanong ni Alex ng mapansin na hindi mapakali ang kasama nito.

Napatigil naman si Khairon at napalingon dito. "Nothing." maikling sagot ng binata bago bumuga ng hangin para makahugot ng lakas ng loob.

Lumapit ito kay Alex at hinawakan ang kamay nito ng walang pasabi. Nagsimula ng maglakad ang binata kaya nagpatianod na lang si Alex para hindi siya matisod.

"Sir ano po ba yon?" tanong ni Alex. Napatigil naman si Khairon dahil doon.

"Alex... I have something to say to you. This is really important and... and I can't take it anymore na hindi pa sabihin sayo."

Nakatitig lang ang dalawa sa isa't-isa. Tila wala ng gustong magsalita.

"Alex, I had a—"

"Uy! Pards!" pasigaw na pagtawag mula sa may kalayuan. Napalingon naman ang dalawa doon.

Tila nainis na naman ang binatang si Khairon sa kaniyang nakita. Nakasalubong na naman ang mga kilay nito at kay dilim makatingin sa lalaking papalapit sakanila..

Tumakbo si Ico papunta sa direksiyon nila Alex. Kinamusta nito ang kaibigan bago sinipat ng tingin si Khairon na nakatitig na sakaniya ng kay sama.

"Kasama mo si Sir?" tanong ni Ico at itinuro pa si Khairon.

"Ah oo. Kalalabas lang namin ng hospital. Ang sabi kasi niya may sasabihin daw siya kaya nandito kami sa labas." sagot ni Alex.

"Ahh..." yon lang ang naisagot ni Ico na naglipat pa ng tingin kay Khairon. "Siya nga pala, bibisitahin ko din si Nanay. Ito oh may dala akong pagkain para kina Manang Bibi at Ate Tina." aniya at itinaas pa nito ang supot na dala nito.

Nagpatuloy lang sa pag-uusap ang dalawa at hindi na nila namalayan na wala na pala sa tabi nila si Khairon.

"Teka, nasan si Sir?" tanong ni Alex ng mapagtanto na sila na lang dalawa ni Ico ang magkasama. Hinanap din ng mga mata ni Ico si Khairon pero wala na talaga ito.

"Baka nasa taas na kila Nanay." sagot ni Ico.

Pumasok na sa hospital ang dalawa at nagtungo nadin sa kwarto ni Nay Melda. Naabutan pa nila ang lahat doon na nagkakatuwaan pero hindi gaanong maingay.

"Oh? Ico, Alex kayo pala." baling ni Bibi sa dalawa ng mapansin na may tao sa nakaawang na pintuan. Ngumiti lang ang dalawa dito bago lumapit sa kanila at ibinagay ang pagkain na dala ni Ico. "Nako, salamat Ico." pasasalamat ni Bibi dito.

"Manang naman, kayo pa po ba? Malakas kayo sakin e." birong aniya ni Ico na nagpangiti sakanila. "Siya po pala Manang, kamusta na po ang lagay ni Nanay?" tanong ng binata.

"Ayon... wala pa ding pinagbago. Hindi padin nagkakamalay." malungkot na sagot ni Bibi. Napatingin na lang si Ico kay Nay Melda na nakahiga lamang kasama ang mga aparatus na nakakabit dito.

"Alex? Si Khairon?" tanong ni Shaila ng mapansin na hindi nila kasama ang kaniyang kapatid.

Napalingon naman si Alex dito. "Di ko po alam Ma'am. Ang akala ko po nandito na po siya." sagot ni Alex na tinanguan lang ni Shaila.

Badboy's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon