11

573 34 0
                                    

"Upo ka muna. Kukuha lang muna ako ng makakain." alok ni Ico saakin na sinunod ko.

Maganda sa loob nitong tree house, moderno ang disenyo nito at may mga gamit na gawa sa kahoy.

May isang mini bed dito na kasya lang sa isang tao at isang mini table.

May lamesa din dito na nakakabit mismo sa gilid at may bangketa doon na may kahabaan. May maliit na pridyeder din dito at kabinet na may iilang mga gamit na pwedeng suutin.

"Maganda ba?" tumango lang ako kay Ico habang nililibot pa ang paningin sa tree house. "Kain muna tayo." aniya at inilapag ang mga cup noodles kasama ang isang petchel ng tubig at kumuha ng dalawang baso.

"Salamat." sinagot lamang niya ako ng ngiti at nagsimula ng kumain.

"Dito dati naglalaro sina Ma'am Shaila kasama si Sir Haze at Sir Khairon. Palagi daw sila dati pumupunta dito." wika niya. Nilunok pa nito ang kaniyang kinakain bago muli nagsalita. "Si Sir Lonelio ang lahat ng may gawa nito para kina Ma'am Shaila. Siguro nasabi na sayo ni Ma'am Agatha tungkol sa asawa niya, tama?" tanong nito na tinanguan ko. Sumubo ulit ito ng pagkain at nagsalita. "Kumain na lang tayo." aniya at nginuya ang kinakain nito habang ako ay nag-umpisa nading kumain.

Pagkatapos kumain agad kaming bumalik sa garden para kunin si Kidlat. Kinuha ko nadin ang mga sunflower na bigay nito saakin kanina at ilalagay ko yon sa bahay namin kapag nahanap ko na sila mama, pero ngayon itatago ko muna yon.

Gaya ng posisyon namin kanina ay ako padin ang nasa unahan at nasa likod niya ako nakaalalay habang hawak ang tali ng kabayo.

"Bilisan na natin. Mukhang maggagabi na." aniya at tumingala pa bago pinatakbo na ang kabayo.

Malayo-layo din ang tinakbo ni Kidlat at mukhang pagod na ito kaya wala kaming nagawa kundi bumaba at maglakad na lang.

"Pasensya na ha, maglalakad na lang tayo. Pagod na si Kidlat e." nahihiya nitong sabi at ngumiti pa bago napakamot sa ulo.

"Hindi. Okay lang." sagot ko pero parang hindi siya kumbinsido at inalok ako na sumampa ulit sa likod niya.

"Okay lang talaga ako. At tsaka maayos naman na itong binti ko." sagot ko.

"Sigurado ka?" paniniguro nito. Tumango naman ako sakaniya at binigyan siya ng ngiti bilang kasagutan na okay lang talaga ako. Napangiti naman ito ng may tunog at ginulo-gulo ang buhok ko bago ako inayang maglakad na.

Patuloy lang kami sa paglalakad. May mga kwentuhan at mga pag-ala-ala sa mga panahon ng kabataan namin.

"Yung si Didoy nasan na yon?" tanong ko dahil nabanggit niya si Didoy. Kalaro ko rin dati yon pero hindi ko masasabi na kaibigan dahil madalang lang kaming maglaro dahil bantay sarado ako ni Ico. Ayaw niya kasing may iba akong kalaro dati gaya ko din sakaniya.

"Ayon, nasa Manila na, nag-aaral." sagot nito. "Matanong ko lang. Ikaw pards, hindi ka naba nag-aaral?" tanong nito na ikinalingon ko.

"Hindi na. Tsaka wala na akong balak na mag-aral pa." walang gana kong sagot.

Kung alam lang sana niya na kaya ako hindi nag-aaral dahil sa pagmamalupit ni papa saakin at pambubully ng mga kaklase ko saakin dahil sa mukha akong babae at payat pa.

"Bakit naman? Ang talino mo kaya. At tsaka kung tutuusin lagi ka ngang first honor saatin dati tapos laging may pablow-out si tito sayo." wika niya. Yumuko na lang ako at hindi nagsalita. Alam kung napansin niya yon dahil tumahimik ito ng ilang segundo.

"Pards bakit? May nangyari ba?" tanong nito na kahihimigan mo ng pag-aalala. Hindi ako sumagot at umupo muna sa may bato na nasa gilid. Napabuga naman ito ng hininga bago itinali ang kabayo sa may puno kung saan may sapa sa gilid nito. Nang matapos ay lumapit ito saakin at umupo sa gilid ko.

Badboy's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon