Naalimpungatan ako ng masikatan ako ng araw, umaga na pala.
Akmang tatayo na sana ako ng bigla akong matumba. Masakit ang katawan ko lalo na ang ulo ko. Doon ay kinapa ko ito at naramdaman ang isang likido na dumadalot dito. Isa itong dugo.
Hindi ko na iyon inalintana at agad ng hinanap si mama at si Abi. Lahat ng sulok ng bahay namin ay hinalungkat ko kahit na maliit lang ito. Wala akong nakita ni isa.
Pahagalpak akong napaupo sa kinatatayuan ko ng mapagtanto na wala ng tao sa bahay, tanging mga gamit lng nila ang naiwan. Iyak ako ng iyak, sinisisi ang sarili sa nangyari na dapat ako ang promoprotekta kay mama at Abi at hindi yong ganto na nandito ako at walang magawa kundi umiyak lang, laging nagmamakaawa at hindi makagawa ng bagay na tutulong saamin nila mama para makawala sa kamay ng papa ko.
Ng dahil sa nagawa ko kagabi ay humantong pa ito sa gantong eksena na ilalayo saakin ni papa si Abi at si mama. Doon ay sinisisi ko lang ang sarili ko. Sinusuntok ang sarili kung dibdib na para bang kasalanan ko ang lahat. "Arghhhh!" isang sigaw mula saaking paos ng boses ang umalingawngaw sa bahay namin.
Agad akong tumayo ng makabawi ng lakas, pagod na ako sa lahat pero kailangan kung magpakatatag.
Buong lakas akong lumabas ng bahay. Kumuha ako ng benda at inilagay yon sa ulo ko para magsilbing pantigil sa pagdugo nito. Kumuha ako ng kahoy na nagsilbing lakas ng katawan ko. Ginamit ko itong tungkod at nagsimula ng igaya ang paa ko.Hindi ako susuko.
Hahanapin ko sila.
Kailangan ko silang mahanap,
si Mama...
si Abi...
Kailangan ko silang kunin at ilayo kay papa.
...
"Mama!"
"Abi!"
"Pa!"
Sigaw ako ng sigaw ng pangalan nila pero walang sumasagot.
Nasa kalagitnaan na ako ng kalsada pinagtitinganan ng kung sino sinong tao sa kung saang lugar man ito.
Mga tao sa bundok, bakuran, bawat bahay napagtanungan ko na't hinanapan ng presensiya ng ina at kapatid ko pero wala akong napala.
Wala man lang akong magawa.
Wala man lang akong maitulong.
...
Lumipas ang mga araw na ganon lang ang ginagawa ko.
Hanap dito, hanap doon , ganon lagi pero hindi ko padin nahahanap ang hinahanap ko.
Wala akong kain, walang tulog, at walang pahinga, tuloy-tuloy na paghahanap lang ang ginawa ko, ayokong sukuan ang pamilya ko, kukunin ko sila kay papa.
Nangako ako kay mama na ako ang gagawa ng paraan para mailayo sila kay papa at gagawin ko yon, hahanapin ko sila kahit ano pang mangyari.
Alam kong nandon kay papa ang kapatid ko kasama si mama, alam kong nasa panganib sila at kailangan nila ako, kailangan ko silang mahanap.
BINABASA MO ANG
Badboy's Maid
RomanceAlex Casuga Casapao - taga Maynila na napadpad sa Banaue. Isang binatang laki sa hirap at may mabibigat at masasakit na nakaraan pero nanatiling positibo at pinanatili ang kabaitan. Khairon Fuentes Montero - isang binatang taga Baguio na laki sa may...