"Di mo talaga ako maalala o makilala man lang? Itong kaibigan kong 'to kinakalimutan na ako." biro niya at bahagya pang natawa. Hindi naman ako nagpakita ng kahit anong reaksiyon sa sinabi niya. Pilit ko kasing inaalala at kinikilala ang mukha niya. Pamilyar siya saakin pero hindi ko masabi kung paano.
"Oh sya maiwan na namin kayong dalawa dito ha, may gagawin pa ako." paalam ni Manang Bibi at inilapag ang tuwalyang ginamit niya kanina sa gilid.
"Sama na ako sayo Manang." pahabol na wika ni Ate Tina at tumayo na. "Sabihin mo lang kung kinukulit ka ni Ico ha Alex, akong bahala diyan." biro pa ni Ate Tina na ikinatawa naman ni Ico.
"Si Ate talaga oh." bahagyang wika ni Ico at napatawa naman si Ate Tina doon at umalis na kasama si Manang Bibi. Si Mang Kanor at Mang Isko naman ay nagpaalam na aalis nadin kaya kaming dalawa na lang ang naiwan.
Kinuha nito ang tuwalyang nasa sahig at binasa yon gamit ang malamig-lamig na tubig at idinampi sa mga napaso saakin. Tumanggi pa nga ako kaso sabi niya ayos lang daw sakaniya. Noong bata daw kasi kami ako ang gumagamot sa sugat niya at ngayon siya naman daw.
"Hindi mo talaga ako maalala?" tanong nito at nadapo ang tingin saakin. Tumango naman ako bilang sagot kaya napabuntong hininga na lamang ito at muling nagsalita.
"Diba kayo yong bagong lipat dati sa Banaue, tama?" tanong nito na tinanguan ko naman. "Kilala mo naman siguro si Apo Oyab diba? Kalapit bahay niyo lang yon nila Uncle Tom, yung tumulong kay Uncle Arnaldo, ung papa mo." wika pa niya. Hindi ako sumagot dahil lahat ng sinasabi niya ay totoo. Kilala ko si Apo Oyab, siya yung matandang lalaki na kapitbahay namin na sobrang bait at si Uncle Tom, siya yung tumulong kay papa kaya kami napadpad sa Banaue at nanirahan doon. Napatingin ulit si Ico saakin pero hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy na lang ito sa kaniyang sasabihin.
"Siguro kilala mo naman yung bata doon noh? Yung makulit na lagi mong kalaro dati? Yung kasabay mong maligo sa sapa dati tapos kasabay mong kumukuha ng mga repolyo at mga bulaklak." masayang litanya nito. Napapangiti naman ako doon dahil naaala ko yon.
"Ako yong batang yon Alex si Ico Ico Ico. Yung inaasar asar mo dati lalo sa may burol." pagpapatuloy pa nito at bahagya akong natawa. Tama siya, siya nga si Ico, yung besfriend ko dati sa Banaue na ubod ng kulit. Naalala ko na siya at mukhang walang nagbago sakaniya bukod sa pisikal niyang anyo.
"Tanda mo dati? Sinisigaw mo pa pangalan ko sa burol, "Icooooo" sigaw mo tapos mag-e-echo naman. Parang siraulo lang. HAHA kamiss." masayang wika pa nito at napatingin saakin. "Ano? Naalala muna?" tanong nito at tumango naman ako at ngumiti.
"Oo naaalala na kita, Ico Ico Ico" sagot ko at inasar pa siya gaya noong bata kami. Napatawa naman ito tsaka napangiti. Inakbayan pa ako nito na bahagyang ikinagulat ko.
"Dati-rati ikaw lang nakaka-akbay saakin, ngayon ako na. Mas malaki na ako sayo ngayon." wika nito habang natatawa pa na para bang nang-aasar. Paano ba naman kasi sinusukat-sukat pa nito kung sino ang mas matangkad saamin. "Pero ikaw ha, kinakalimutan muna ako. Parang hindi kaibigan ah." biro nito kaya bahagya akong napatingin sakaniya habang nakaakbay siya saakin.
"Eh paano ba naman kasi..." pag-uumpisa ko at kumalas mula sa pagkakaakbay niya. "Tignan mo naman sarili mo oh, yung dugyuting kaibigan ko dati napakapogi na ngayon, macho, maputi na, maskulado tapos ubod pa ng tangkad." papuri ko at para naman itong proud na proud at masayang-masaya dahil sa sinabi ko. "Kaso uto-uto padin gaya ng dati. Walang pinagbago maasim padin." biro ko pa at bahagyang natawa. Nanlaki naman ang mga mata nito at ngumiti bago ako ikinulong sa mga bisig niya.
"Maasim pala ha." saad nito at pilit inilalapit ang kili-kili niya saakin. Napapatawa na lang kami habang nasa ganoong eksena ng may biglang dumating.
"Tsk. What an eyesore." masungit na pagkakasabi ni Sir Khairon na para bang naiirita na ikinagulat naming dalawa at umayos na.
"Oh Ico, magkakilala kayo ni Alex?" tanong ni Nay Melda. Kasama nito si Sir Khairon na mukhang masama pa ang timpla. Napagalitan kaya yon? Anong nangyari?
"Ah opo Nay. Kababata ko po itong si pards, besfriend ko po noong nasa Banaue pa ako." sagot nito at napatingin pa saakin at ngumiti.
"Mabuti naman kung ganon." ngiti-ngiting wika ni Nay Melda at nabaling ang tingin saakin. "Kamusta yang mga pasa mo?" tanong nito.
"Maayos na po Nay" sagot ko.
"Mabuti naman." saad pa ni Nanay Melda bago nabaling ang atensiyon kay Sir Khairon na masama padin ang timpla. "Yung napag-usapan natin nak, gawin mo." wika nito.
"I know nay." tipid na sagot ni Sir Khairon at lumapit saakin. "Sorry." yon lang ang sinabi niya at umakyat na paitaas. Tatawagin pa sana ito ni Nay Melda pero gaya ng inaasahan ay wala nadin naman itong magagawa kundi hayaan si Sir. Naiwan naman akong nakatulala at nadapo ang tingin sakaniya habang papalayo. Nagsosorry ba yon?
"Ganon talaga yon." bulong ni Ico saakin at tumango-tango na lang ako. "Masasanay ka din." aniya.
"Ay sha nga pala. Maiwan ko muna kayong dalawa at pupunta pa ako ng hacienda para tignan yung mga pananim. Ikaw Ico, sasama ka ba?" tanong ni Nay Melda.
"Opo nay." sagot nito at tumingin saakin. "Ikaw Alex? Gusto mong sumama?" tanong nito na parang hinihintay ang sagot ko ganon nadin si Nanay Melda kaya hindi na ako tumanggi. Gusto ko din kasing makita ang hacienda, tanging mansyon lang ang nailibot saakin ni Ma'am Shaila noong nakaraan.
"Mabuti yon para makapaglibot-libot ka din." wika ni Nay Melda at nagpauna na sa paglalakad habang nakasunod kami ni Ico na nagkwekwentuhan pa tungkol sa kabataan namin. Napapalingon naman saamin si Nay Melda at napapangiti dahil nadin siguro sa kwentuhan namin.
"Mukhang close na close talaga kayong dalawa." nakangiting wika nito. Inakbayan naman ako ni Ico at ngumiti pa ng kay lapad.
"Opo Nay, close po talaga kami ni pards, sobrang close." sagot ni Ico. Pards ang tawagin namin noong kabataan kaya napakasaya ko na ngayon ay ganoon padin ang tawag niya saakin at hindi na talaga siya nagbago, siya padin yung pards na nakilala ko noon.
KHAIRON'S POV
That skinny guy! Napakapapansin talaga. He's getting into my nerves. He always acts like siya ang palaging kawawa and always makes his face sad, na parang sobra siyang kawawa, and I hate it!
Kapag may nagagawa ako siya lagi ang kinakampihan. It's not my intention to harm him but it's his fault! Habang patagal ng patagal mas lalo akong naiinis at nagagalit sakaniya.
Una, sinira niya yung graduation ko. Dapat pupunta si Mom but beacause of him! Hindi natuloy dahil naaksidente ang lalaking yon na mas inuna ni Mom kaysa sa importanteng bagay para saakin to make her proud.
Pangalawa, inagaw niya ang atensyon ng lahat saakin. I'm used to it but I just can't accept the fact na mas pinipili nila yong skinny guy na yon over me. Yung mga kapatid ko, lagi nilang bukambibig ang Alex na iyon specially Ashley, and that's what I hate the most, yung maagaw niya pa saakin ang pinakamamahal kong kapatid.
Pangatlo, I always got scolded by my mother because of him. Palibhasa pabida kasi. Kaya siguro iniwan at tinakbuhan ng sariling pamilya kasi walang magawang tama. Tsk, he deserves it!
Pang-apat, now napapagalitan na ako ni Nanay Melda and it's my first time. Hindi nagagalit si nanay saakin pero dahil lang sa lalaking yon nagalit siya saakin. It's not exactly galit pero my Nanay scolded me. And I can't deny na nagseselos ako sakaniya.
Here I am now, clenching my fist like I used to be kaso iba ngayon, sobrang galit na galit at inis na inis ako, at yon ay dahil kay Alex. He ruined everything! Lahat-lahat!
Mukhang balak niya pa atang palitan ako. Balak ata niyang agawin ang pamilya ko saakin at yun! ang ayaw ko.
I will do everything para tuluyan ng makaalis ang skinny guy na yon. Kung kinakailangan pahirapan ko siya, gagawin ko, hanggang sa dumating sa point na siya na mismo ang kusang aalis. Hindi ko matitiis na nandito yon sa bahay, hinding hindi.
BINABASA MO ANG
Badboy's Maid
RomanceAlex Casuga Casapao - taga Maynila na napadpad sa Banaue. Isang binatang laki sa hirap at may mabibigat at masasakit na nakaraan pero nanatiling positibo at pinanatili ang kabaitan. Khairon Fuentes Montero - isang binatang taga Baguio na laki sa may...