10

699 37 1
                                    

Kasalukuyan na naming tinatahak ang daanan ng hacienda nila Ma'am Agatha. Napagdesisyunan namin na maglakad na lang kaysa sumakay pa sa tricycle dahil umaga pa naman at hindi gaanong tirik ang araw.

Si Ico, nakaalalay ito kay Nay Melda, halatang gentleman ang besfriend ko, walang pinagbago. Nasa gilid lang ako ni Nay Melda, bale nasa kanan si Ico at ako naman sa kaliwa. Nasabi saakin ni Nay Melda na 72 anyos na ang edad nito kaya may katandaan nadin at kailangan na ng suporta pero malakas padin.

Napakalawak ng hacienda. Punong-puno ng mga halaman pero makikita mo din ang mga nasira at napisteng pananim doon.

"Nay sabi ko naman kasi sainyo magtricycle na lang tayo. Kahit ako na po sana nagdrive." wika ni Ico.

"Hay nako. Kayong mga kabataan talaga oo, ayaw na ayaw niyong napapagod kalalakad." sagot naman dito ni Nay Melda kaya napakamot na lang sa ulo si Ico.

"Hindi naman sa ganon Nay kaso baka mapagod kayo tapos marayuma pa kayo dito sa daan." tatawa-tawang turan ni Ico. Napatawa naman ako ng ambaan siya ng suntok ni Nanay. Napa peace sign na lang si Ico at bumalik na muli sa paglalakad habang patawa-tawa pa.

"Alex, ayos ka lang?" tanong ni Nay Melda at napatingin pa sa direksiyon ko.

"Ayos lang po Nay." ngiting sagot ko.

"Baka pagod kana pards, buhatin na kita." pagpipresenta ni Ico pero tinanggihan ko ito. Mapilit ang kaibigan ko kaya naman kinulit-kulit ako nito.

"Lika na. Nahihiya ka pa pards e dati nagbubuhatan naman tayo." wika niya at yumuko pa para makasampa na ako sa likod niya. Napatingin lang ako sakaniya bago nadapo ang tingin kay Nay Melda na tumango lang bilang pagsang-ayon na sumakay na lang ako.

"Hindi. Ayos lang ako." sagot ko naman dito kaya tumuwid ulit ang tayo ni Ico.

"Sa kondisyon mong yan? Ayos ka? Napaso kaya yang mga binti at paa mo." sagot pa nito.

"Hindi. Ayos lang talaga ako, si Nanay na lang buhatin mo baka pagod na si Nanay." suhestiyon ko naman.

"Ikaw talagang bata ka lagi mong hinihindian ang lahat ng bagay." wika naman ni Nay Melda. Hindi na kami nagsalitan pa ng mga sasabihin at naglakad na lang.

Ilang minuto pa ang nilakad namin ay nakarating na kami sa may kabahayan. Mga kahoy na bahay yon pero napakaganda. Punong-puno ng mga halaman, mga bulaklak na kay gaganda-ganda at napapalibutan ng mga puno. Limang bahay yon na may iba't-ibang disenyo at parehong gawa sa kahoy pero sobrang ganda.

"Oh Manang, kayo pala." napatingin ako sa may pintuan ng isang bahay. Si Mang Kanor, mukhang katatapos lang maligo. Nakangiti itong lumapit saamin at iginaya kami paloob ng bahay. "Baka nauuhaw kayo?" tanong nito pagkaupong-pagkaupo namin.

"Saktong sakto! Ako na po kukuha ng maiinom Mang Kanor." pagpepresenta ni Ico na hindi na tinanggihan ni Mang Kanor.

"Oh Alex, mabuti't nakapasyal ka ngayon." tanong nito saakin.

"Ah opo. Sumama po kasi ako sakanila." sagot ko.

"Mabuti naman kung ganon." aniya. "Ah Manang, yung sa mga pananim, alam na ba yon ni Ma'am Agatha?" tanong ni Mang Kanor kay Nay Melda.

"Hindi ko pa nasasabi. Pagkauwi ni Agatha sasabihin ko kaagad." sagot dito ni Nanay Melda. Tumango-tango lang dito si Mang Kanor at napasabi ng 'Ahh'.

"Manong, pwede ko bang hiramin yong si Kidlat? Ililibot ko lang itong si pards dito sa'tin." tanong ni Ico habang may dala-dalang inumin at tinapay na may palaman. Inabot naman ito ni Mang Kanor at inilapag sa lamesang nasa gitna namin.

"Abah oo naman. Magmeryenda muna kayo bago kayo umalis. Tignan-tignan mo itong si Alex at baka mahulog, may paso ka pa naman Alex." sagot dito ni Mang Kanor at bahagya pang napatingin saakin.

Badboy's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon