3

955 49 11
                                    

Ilang minuto pa kaming nanatili sa pag-uusap ng may pumasok na babae. Base sa itsura nito ay isa siya sa mga kapatid pa ni Daniel at Ashley, may hawig kasi ito kay Ma'am Agatha. Magandang dalaga ito na maputi at may hanggang batok na buhok.

Napatakbo naman ito ng makita ako at kinuha ang kumot para ipantaklob saakin. Tumingin ito ng matalim sa tatlong lalaki na nakatingin lang saamin bago nagsalita.

"Kayong tatlo! Get out of here! Perverts!" bulyaw nito sa tatlo. Nagtataka pang napatingin si Sir Haze dito dahil sa sinabi ng babae. Patawa-tawa na lang na lumabas si Sir Kiero hatak-hatak si Sir Haze. Nakasunod lang sa dalawa si Sir Khairon na kung makalad ay parang galit sa mundo. Pakiramdam ko tuloy pati ang paglakad nito ay nakatingin saakin ng matalim.

Naiwan kaming apat sa silid. Ako, si Ashley, Daniel at ang babae kanina.

"Alex right" tanong ng babae na tinanguan ko. "I'm Shaila, the oldest child of the girl who helped you." pakilala nito tsaka ngumiti na sinuklian ko din ng ngiti. "By the way let's change your clothes first." saad nito at may kinuha sa may aparador na kulay puti na pwede kung maisuot. "If you want to change your clothes, may mga damit dito sa closet, huwag mong susuotin yung mga binibigay ng mga ugok kong kapatid sayo kasi for sure they're just making fun of you, specially this two na napakakulit." napangiti na lang ako ng bahagya.

Ansaya ng samahan nila bilang magkakapatid, sana mangyari ulit ‘yon saamin ng kapatid ko, mukhang takot na kasi siya saakin matapos ang nangyari noong huling gabi na kasama ko sila.

Nagtungo na ako sa CR gaya ng sabi niya. Magpalit na daw ako kasi mukhang hindi daw ako komportable sa suot ko at tama naman siya doon. Lalaki ako kaya hindi ko gusto ang ganitong kasuotan at masyado itong masikip.

"Are you done?" tanong nito mula sa labas ng CR. Lumabas na ako na naging sagot sa tanong niya. Napaangat naman ang tingin nito at tumayo.

"I think mas maganda yung suot mo kanina." biro nito na ikinatawa naman niya. "Pataba kana lang ng kunti, babagay na sayo yan. Pogi ka naman e, kulang ka lang sa ayos at kain." nakangiti nitong turan na siya ding ikinangiti ko. Sobrang bait niya at maganda pa.

Sa totoo lang, ganito ang tipo ko sa babae. Yung simple pero maganda, may sense of humor, mabait at malapit sa pamilya. Mukhang titiklop ako dito kay Ma'am Shaila.

"Okay. Baba na tayo Alex ng mailibot kita dito sa bahay at para makalanghap ka din ng sariwang hangin at maigalaw mo din yang katawan mo. Ashley, Daniel sunod kayo samin." utos nito sa dalawang bata at tumango naman ang mga ito. Hinawakan nito ang kamay ko na siyang ikinangiti ko.

Nakita kong nahihirapan bumaba si Ashley kaya naman binuhat ko na ito na ikinangiti naman ni Ma'am Shaila. Napahiwalay ang pagkakahawak niya saakin pero hindi siya humakbang at nakangiting nagmamasid lang sa kilos ko.

May kabigatan si Ashely pero kinaya ko naman dahil sa ako naman ang nagbubuhat ng bigas, tubig panligo, tubig inumin at iba pa sa bahay noong nagbago si papa.

"What a lovable person, so caring. Husband material ha." wika ni Ma'am Shaila ng nakangiti. Hindi ako sumagot at ngumiti lang din. Nahihiya pa nga ako kaya napayuko ako ng bahagya.

Nauna na itong naglakad kasama si Daniel habang kami ni Ashley ay nahuli sa paglalakad dahil nagkukulitan pa. Hindi ko maiwasan na mapatingin kay Ma'am Shaila ang ganda niya kasi kahit nakatalikod pa.

Badboy's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon