15

587 39 6
                                    

MANANG BIBI'S POV.

Mag-iisang oras na pero hindi padin nakakabalik si Alex. Ang sabi lang naman ng batang yon ay magbabasura lamang siya pero bakit sobra naman atang napatagal.

"Natagalan na ata si Alex." sambit ni Tina. Mukhang napansin din nito na napatagal na si Alex.

"Oo nga Tina. Mag-iisang oras na. Baka napano na yung batang yon." pag-aalala ko. "Malamig pa naman sa labas baka giniginaw na yon." wika ko pa at napatingin naman saakin si Tina.

"Manang. Parang masama pakiramdam ko. Hanapin na natin si Alex, Manang" pag-aalala din ni Tina.

Parang kinain naman ako ng takot sa pagkakataong yon at nakaramdam na ng kaba. Agad na akong kumilos at naglakad na palabas ng mansyon.

"Nay, hanapin lang namin si Alex." rinig ko pang paalam ni Tina na tinanguan ni Nanay Melda dahil kausap pa nito sa telepono si Ma'am Agatha.

Tumakbo pa si Tina para maabutan ako at agad na humawak sa kamay ko.

Kinakabahan na talaga ako. Kinuha pa namin ang mga jacket namin bago namin napag-isipang lumabas.

Sobrang ginaw sa labas kaya mas lalo akong nabahala kung nasaan na si Alex at kung ano na ang nangyari sakaniya.

Hinanap namin si Alex sa buong paligid ng mansyon pero wala siya doon. Nagtanong din kami sa security guard ng mansyon na may kuta ngayon na si Mang Felipe pero wala daw itong nakita na lalaki na lumabas ng mansyon.

Lubos na talaga akong kinakabahan. Agad na kaming tumakbo papasok ng mansyon para ipagbigay-alam kay Nanay Melda ang nangyari.

"Nay, si Alex nawawala ata. Kanina pa siya hindi nakakabalik dito, magtatapon lang naman yon ng basura." hindi mapakaling wika ni Tina na nagpagulat kay Nanay at natigil sa pagsagot sa telepono.

"Hanapin na natin si Alex. Baka mapano yung batang iyon" kumando ni Nanay at dali-daling lumabas ng bahay at iniwan na ang telepono.

"Nanay malamig po sa labas. Isuot niyo ito." paalala ko at ibinigay kay Nanay ang jacket nito. May mga jacket kasi kami na nakasabit lang talaga sa may gilid ng sala. Halos lahat naman ng tao dito sa mansyon ay may mga makakapal na jacket doon panangga sa lamig kung sakaling lalabas.

Agad namang kinuha ni Nanay yon at dumiretso sa may guard.

"Felipe may nakita ka bang lalaki na lumabas?" tanong nito.

"Wala Nay eh. Kanina lang rin ay tinanong saakin nila Bibi at Tina yan kaso wala talaga akong nakita na lalaki na lumabas" sagot nito kaya kinabahan naman si Nanay Melda. Halata yon sa mukha niya. "Kung gusto niyo samahan ko na kayo hanapin yung hinahanap niyo. Malamig pa naman ang panahon ngayon." aniya at umalis na sa kinaroroonan nito. Kumuha pa ito ng mga flashlight at ibinigay yon saamin.

Nasaan na ba kasi yung batang yon?

"Alex!"

"Anak! Alex nasaan ka?"

"Alex!"

Hindi kami tumigil sa paghahanap kay Alex. May mga iilang mga tao nadin ang tumulong saamin at lahat yon ay pulis na tinawagan ni Ma'am Agatha para tulungan kami sa paghahanap.

Nasa Manila kasi sila Ma'am Agatha kasama ang mga anak nito maliban kay Khairon dahil mas inuna nito na sumama kay Kiero kaya naiwan ito dito. Mukhang uuwi ata kasi si Steffy kaya sila pumunta sa Manila para sunduin ito.

"Nasaan naba yung batang yon, jusko! Gabing gabi na." nag-aalalang sabi ni Nanay Melda kaya napalapit ako dito at pinagaan ang loob nito sa pamamagitan ng paghaplos sa likod nito.

Badboy's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon