A Game before Marriage

811 27 3
                                    

SIMULA

"Harper, I want you to meet, Sakura O'harra. She's your fiancée and your marriage will happen in the next few months," walang gatol na sabi ng daddy ni Harper.

"What did you say, Dad?"

Tila nabingi si Harper sa sinabi ng kaniyang ama. Kagigising lang niya at iyon agad ang balitang sumalubong sa kaniya.

"Sakura is your fiancée, Harper," pag-uulit nito bago bumaling sa babae. "Sakura, this is Harper," pakilala naman nito sa kaniya.

Tumayo ang babae at nakangiting binati si Harper. "Hello, Harper. Ako si Sakura, kaibigan ni Naruto at nakatadhana maging asawa ni Sasuke. Nagmula ako sa bayan ng Konoha. Kinagagalak kitang makilala," masigla nitong sabi.

"Why did you agree to this marriage if someone is destined to be with you? You should stick to the one you love," seryoso niyang sabi kay Sakura.

Tumawa naman si Sakura at hindi niya nagustuhan iyon. Ayaw niya na pinagtatawanan siya. Nakakainsulto iyon para sa isang tulad niya.

"Ang boring siguro ng kabataan mo, Harper. Hindi mo ba kilala ang mga pangalang sinabi ko? Wala ba kayong TV noong bata ka pa?"

Umigting ang panga ni Harper sa inis. Pinagtawanan na siya ni Sakura, tinawag pa siya nitong boring.

"Dad, I won't agree to this marriage. Ako ang masusunod kung sino ang babaeng pakakasalan ko at hindi siya 'yon," mariin niyang pagtanggi at hindi pinagtuunan ng pansin ang sinabi ni Sakura.

"Wala namang humihingi sa pagsang-ayon mo, Harper. Matutuloy pa rin ang kasal kahit ayaw mo," saad ni Sakura.

"Shut up! I'm not talking with you!" sigaw niya kay Sakura bago muling bumaling sa daddy niya. "Dad, akala ko ba bakasyon ang dahilan kaya pinauwi mo ako rito sa probinsiya? Bakit ipapakasal mo ako sa babaeng hindi ko kilala? May girlfriend ako sa Maynila at siya ang gusto kong pakasalan," pagtutol niya sa desisyon nito.

"Then, ask your girlfriend to marry you," balewalang sagot ng daddy niya.

"Magpapakasal din kami ni Vien, pero hindi pa sa ngayon. Marami pa kaming gustong gawin bago magpakasal."

"It's better to break up your girlfriend, Harper, at si Sakura ang pakakasalan mo."

"No! Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari, Dad. Tingnan mo naman ang itsura ng babaeng pinili mong pakasalan ko kumpara sa girlfriend ko. Modelo ang girlfriend ko, pero ang babaeng ito hindi ko alam kung saan nagmula. Mukha siyang namamalimos na bata sa lansangan," komento ni Harper sa itsura ni Sakura. Luma at madumi ang damit nito. Tsinelas lang din ang sapin nito sa paa at nanlalagkit pa ito sa pawis. Sa tingin pa lang ni Harper, amoy maasim na ito. Mas nakalalamang ang girlfriend niya sa lahat ng anggulo kaysa sa babaeng nasa harapan niya.

"Grabe ka naman magsalita, Harper. Wala ka namang narinig sa akin kahit mukhang bangag na adik ang itsura mo, ah." Nakangiting ganti ni Sakura sa kaniya.

Uminit ang ulo ni Harper at muling binalingan si Sakura. "Hindi ako bangag na adik. Napuyat ako sa trabaho kagabi at nasisiguro kong presentable pa rin ang itsura ko kumpara sa 'yo."

"Hindi rin ako namamalimos, Harper. Dinumog ako ng mga alaga kong aso bago umalis kaya ganito ang itsura ko. Mas presentable pa nga akong tingnan kaysa sa 'yo. Nakasuot ako ng T-shirt at pants, samantalang ikaw nakasuot lang ng sando at boxer. Nasaan diyan ang presentable?"

"Whatever you say, I won't marry you."

"Whatever you say, you can't stop the marriage." Nakangisi nitong sagot.

Babawi pa sana si Harper, pero pumagitna sa kanilang dalawa ang daddy ni Harper.

"Harper, ilaan mo ang tatlong araw mong bakasyon para mas makilala si Sakura. Sa tingin ko naman ay magkakasundo kayong dalawa. Sakura, alam kong naabala kita sa pagpunta mo rito. Maraming salamat at pinaunlakan mo ako."

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon