Bossy Billionaire Babymaker

454 21 0
                                        


SIMULA

"That's unfair, Attorney!" malakas na sabi ni Milton.

Makikita ang pagtutol sa mukha ng binata sa anunsyo ng abogado ng kaniyang ama tungkol sa mana nilang magkapatid.

"It's fair enough for the both of us, Milton," singit ni Milkty– ang nag-iisang kapatid ni Milton. "Ninety and ten. Ninety percent for me and ten percent for you. Ten percent of Dad's wealth is equivalent to ten billion pesos. Malaking halaga na rin 'yon para sa single na katulad mo. Bukod doon, malaki rin ang kinikita mo bilang property and land developer. Kayang-kaya ka buhayin ng negosyo mo kahit wala ang mana mula kay Daddy. Ipaubaya mo na lang sa akin ang mana. Mas kailangan ko ang pera dahil papasok na ang pamangkin mo susunod na pasukan. Malaki ang gastusin sa pre-school ni Mayana," dugtong na sabi ni Milkty.

"I have my rights here, Milkty. Hindi sapat na dahilan na single ako para hindi makuha ang kabuuan ng mana ko. Kukunin ko ang fifty percent ng mana dahil sa akin iyon. Narinig mo naman ang sinabi ni Attorney kanina, 'di ba? Mapupunta sa akin ang mana kung magkakaroon ako ng anak. Kayang-kaya ko iyong gawin sa girlfriend ko."

"Do you think your superstar girlfriend will ruin her career just to give you a child? Kung papayag naman siya, makakaya mo ba siyang buntisin sa loob ng tatlong buwan? Think about it, Milton. Ipaubaya mo na lang sa akin ang mamanahin mo."

"Hindi mapupunta sa 'yo ang mana ko, Milkty. Tandaan mo 'yan," matigas na sagot ni Milton.

Ngumisi naman si Milkty. Tila isang hamon ang sinabi ni Milton para dito.

"Let's see what you got, step-brother. Though, we're not from the same mother, but still I'm the oldest among us. Mas may karapatan ako sa yaman ni Daddy. Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin dahil pumayag ako na bigyan ka ng mana."

Humalukipkip ng upo si Milton at seryosong tumingin sa kapatid. "Yes, you're the oldest, but I'm the legal inheritor. My parents are married and you are the illegitimate child here not me. Kung may dapat magpasalamat ikaw 'yon, Milkty at hindi ako."

Napansin ng abogado na nagsisimula na naman ang pagtatalo ng magkapatid na matagal nang hindi magkasundo. Pumagitna na ito bago pa magkainitan ang dalawa.

"Naihayag ko na ang dapat niyong malaman tungkol sa huling habilin ng Daddy niyo. Kung wala na kayong itatanong, p'wede na tayong maghiwa-hiwalay. Let's talk again after three months to finalize the inheritance," pagtatapos ng abogado sa usapan.

Naunang tumayo si Milkty para magpaalam. "Good luck, step-brother." Nakangisi nitong sabi kay Milton bago umalis sa exclusive restaurant na kinaroroonan nila.

Sunod na umalis si Milton nang hindi nag-abalang magpaalam sa abogado. Masama ang loob niya simula nang malaman ang kundisyon sa last will of testament ng daddy niya. Kailangan niya ang pera para sa bagong proyekto ng kumpanya niya. Bibili siya ng lupa at patatayuan ng mga gusali para gawing exclusive subdivision. Malaking halaga ang kailangan niya roon dahil plano niya gawing mini-city ang subdivision.

"Until now you're still in favor with your illegitimate child, Dad," may hinanakit niyang sabi pagpasok sa kaniyang sasakyan.

Hindi sila magkasundo ng kaniyang ama simula nang malaman niya ang tungkol kay Milkty noong fifteen years old pa lamang siya. Ang mas masakit ay minahal si Milkty ng kaniyang ina bilang tunay nitong anak. Alam daw nito ang tungkol sa unang babae ng daddy niya at hindi iyon problema para dito, pero malaking problema iyon para sa kaniya. Nagselos siya sa kapatid dahil mas pinapaboran ito ng mga magulang niya. Lumaki siyang bad child ng pamilya at good child naman si Milkty.

Magaling sa negosyo si Milkty at mas lalo nitong nakuha ang pabor ng mga magulang nila. Nagsumikap din siya para magkaroon ng sariling negosyo at patunayan sa mga magulang na kaya niya rin ang ginagawa ng kapatid, pero hindi iyon nakikita ng mga ito.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon