SIMULA
Mapang-akit na ngumiti si Azella habang unti-unting lumalapit sa kinatatayuan ni Charlie. Naglakbay ang kaniyang tingin sa maganda nitong katawan. Mula sa basang buhok, mapungay na mga mata, matangos na ilong at ang nakamamatay nitong ngiti. Gusto na niyang mawalan ng malay sa mukha pa lang nito, pero nag-init ang katawan niya nang dumako ang kaniyang tingin sa matipuno nitong dibdib paibaba sa nakakatakam nitong abs sa tiyan.
"C-Charlie," paos niyang sabi nang tuluyang hawakan ang pisngi ng lalaki.
Ramdam niya ang init mula roon patungo sa himaymay ng kaniyang mga ugat.
Mapang-akit na humaplos ang kanyang kamay mula sa balikat nito paibaba sa dibdib. Nawala ang kakarampot nilang distansya nang hapitin nito ang baywang niya. Dumikit ang malusog niyang dibdib sa katawan nito. Tumingin ito roon nang sumungaw ang puno ng kanyang dibdib sa sexy scoop neckline ng suot niyang damit. Mas idinikit niya ang katawan nang makita ang kakaibang pagnanasa sa mga mata nito.
"C-Charlie," bulong niya na may impit na daing nang bahagya nitong paluin ang kaniyang pang-upo.
Napaliyad siya sa ginawa nito, pero sumiklab ang init sa kanyang katawan nang halikan nito ang leeg niya. Pinulupot niya ang dalawang braso sa batok nito. Mas niliyad niya ang katawan para bigyan ito ng magandang access. Bumaba ang halik nito patungo sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang ulo dahil sa iba't-ibang sensasyon na nararamdaman. Hanggang sa—
"Azella, uwian na. Tama na ang imagination mo!"
Nagising ang diwa ni Azella sa sigaw ng kaibigan niyang si Fritzy. Pinaypayan niya ang sarili nang makaramdam ng init sa kabila ng malakas na aircon sa kanilang opisina. Nakaupo pa rin siya sa harapan ng kanyang mesa. Hawak niya ang mouse ng computer habang nakatapat ang cursor sa shut down button. Papatayin na sana niya ang computer, pero hinigop ng tingin ni Charlie ang diwa niya mula sa desktop patungo sa daigdig nilang dalawa. Wallpaper niya ang topless nitong larawan kung saan nakikita ang tattoo ng anghel sa kanan nitong dibdib. Kinuha pa niya iyon sa internet. Marami itong mga larawan doon, pero iyon ang pinaka-nagustuhan niya.
"Bye, my love. Weekends na naman at dalawang araw tayong hindi magkikita, pero palagi mong tatandaan na ikaw palagi ang laman ng puso't isipan ko," madamdamin niyang sabi habang nakatitig sa picture ng hinahangaan niyang artista.
"Hay naku! Nababaliw ka na naman habang nakatitig kay Charlie, Azella. Itigil mo na 'yan at wala ka namang mapapala riyan," muling sabi ni Fritzy.
"Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko, Fritzy. Mahal na mahal ko siya at ang pagmamahal ay sadyang nakakabaliw," nangangarap niyang sabi.
"Umuwi na nga tayo. Dadaan pa tayo sa D&V mall para bumili ng regalo sa birthday ni Mama bukas. Baka magsara na 'yon."
"Sige, sandali lang. Papatayin ko lang ang computer ko."
Tuluyang pinindot ni Azella ang mouse. Nang mamatay ang computer, kinuha naman niya ang cellphone sa ibabaw ng kanyang mesa. Napangiti siya nang makita ang picture ni Charlie sa wallpaper ng cellphone niya. Iyon din ang larawan na nasa desktop niya. Hinalikan pa niya ang screen ng phone bago isilid sa shoulder bag niya.
"Tara na!" Nakangiti niyang sabi kay Fritzy. Hinila pa niya ito patungo sa elevator.
Paglabas nila ng gusali, sakto rin ang paglabas ng kanilang boss na si Cedric Acosta, ang kakambal ng kanyang my love na si Charlie. Nagtatrabaho siya sa Acosta's Group of Companies bilang marketing staff. Apat na buwan pa lang siya sa kumpanya at masasabi niyang worth it ang pagta-trabaho niya roon. Malaki ang sweldo at mabait ang mga ka-trabaho niya.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
Short StoryTunghayan ang mga istoryang maghahatid ng kilig at saya sa inyong mga puso. Mga kwentong puno ng pag-ibig, pagtitiwala, at mga pagsubok. Mga kwentong magpapakita sa inyo na ang pag-ibig ay hindi lamang isang damdamin, kundi isang desisyon na may kaa...
