My Substitute Groom Unexpected Identity

436 20 0
                                        


SIMULA

"What is the meaning of this, Jersey?!" gimbal na tanong ni Kaylee nang makita ang nobyo sa silid nito kasama ang isang lalaki.

Hindi masikmura ni Kaylee ang karumaldumal na ginagawa ng dalawa. Plano sana niyang sorpresahin ang nobyo dahil ilang buwan na rin silang hindi nagkikita, pero siya ang na-sorpresa. Biglang naglaho ang pananabik niya nang makita ang ginagawa nito.

"K-Kaylee?" gulat nitong sabi bago humiwalay sa kasama. Hinila nito ang kumot bago itakip sa katawan.

Pinigilan ni Kaylee ang pagsiklab ng galit at mahinahon pa rin siyang nagsalita.

"Magbihis ka, Jersey. Mag-usap tayo sa labas," saad niya bago lumabas ng silid ni Jersey.

Nagtungo si Kaylee sa salas at hinintay roon si Jersey. Ilang sandali pa ay sumunod din ito sa kaniya.

"Tungkol sa nakita mo..." panimula ni Jersey pero pinutol na niya ang sasabihin nito.

"Ipaliwanag mo ang nakita kong eksena kanina sa silid mo, Jersey. Kailan mo pa ako niloloko? Bakit hindi mo sinabi na lalaki pala ang gusto mo?!"

"I'm sorry, Kaylee. I was confused with my own feelings. I know that I love you, but I'm also attracted with guys. Ngayon ko lang napatunayan na mas lamang ang pagiging gay sa pagkatao. Sana mapatawad mo ako." Nakayuko nitong paumanhin.

Hindi nakontrol ni Kaylee ang galit. Lumapit siya kay Jersey at hinampas ito ng handbag niya.

"Bakit ngayon pa, Jersey? Naka-schedule na ang kasal natin sa susunod na linggo. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Inalagaan ko ang relasyon natin at itinago sa media, dahil akala ko ikaw na ang makakasama ko habangbuhay. Ayokong magulo ang meron tayo dahil sa trabaho ko, pero ito ang isusukli mo? Bakit naglihim ka sa gender preference mo, ha? Bakit hindi ka naging tapat sa akin? Kung nalaman ko agad ito, hindi ko sana tinuloy ang special person reveal na gusto ng fans ko. Sana hindi ko sinabi sa media na ikakasal ako para hindi nila i-cover ang kasal natin. Sana hindi ako mapapahiya dahil sa kagagawan mo!"

"I'm really sorry, Kaylee," tanging sagot ni Jersey.

Huminga nang malalim si Kaylee bago umupo sa sofa. Hinaplos niya ang mukha para mahimasmasan sa natuklasan niya. Abala siya sa trabaho bilang singer-actress kaya hindi niya napansin na may kakaibang kilos si Jersey. Katunayan ay kagagaling lang niya sa one-night concert sa Dubai at si Jersey agad ang pinuntahan niya pagbalik ng bansa.

"Hindi p'wedeng maudlot ang kasal natin, Jersey. Itutuloy natin iyon kahit lalaki ang gusto mo. Hindi ako papayag na mapahiya sa mga tao. Masisira ang career ko."

"What? No! It's being unfair, Kaylee. Malinaw na sa akin ang gusto ko ngayon at hindi iyon ang pakasalan ka."

"Unfair? Sino sa tingin mo ang unfair sa ating dalawa? Iiwan mo ako sa ere, Jersey. Sisirain mo ang pinaghirapan ko."

"Desiyon mong itago ang relasyon natin sa media, Kaylee. Ikaw rin ang pumayag na i-cover nila ang kasal natin. Kung masisira ang image mo, dahil sa 'yo 'yon at hindi sa akin. Ikaw ang may gusto ng fame at hindi ako. Umalis ka na. Buo na ang desisyon ko. Aalis kami ng bansa ni Bruno at hindi na ako babalik dito."

Hindi makapaniwala si Kaylee nang ipagtabuyan siya ni Jersey. Hindi man lang nito pinahalagahan ang dalawang taon nilang relasyon. Oo at palagi siyang abala sa trabaho, pero tapat siya rito. Ang hindi lang niya matanggap ay tinalikuran nito ang kasal nila na isa sa inaabangan ng mga tao.

Masama ang loob ni Kaylee nang bumalik sa sasakyan.

"You can't ruin my image, Jersey," naiinis niyang sabi habang lulan ng sasakyan.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon