Hiding the Lady CEO's Child

528 19 6
                                        


SIMULA

Pasimpleng tumitingin si Ashani kay Minel habang naglalakad sila palabas ng airport. Kararating lang nila galing Dubai para sa expansion ng skin care business niya.

"I've been wondering what happened to your face, Minel. You look like an old maid," hindi niya napigilang puna sa sekretarya pagsakay nila sa kotseng naghihintay sa kanila.

"Friend!" Umiiyak nitong sabi.

Tumaas ang isang kilay ni Ashani kay Minel. Kaibigan niya rin ito at kapag tinawag siya nitong friend, alam niyang may personal itong problema.

"I guess, it's about your boyfriend again. I told you to break up with him. He's a cheater and womanizer," komento niya.

Hindi niya kilala ng personal ang boyfriend ni Minel, pero nakilala niya kung ano'ng klase ito ng lalaki base sa mga kwento ng kaibigan niya. For her, Theron Marcos is not an ideal boyfriend, but a total heartbreaker.

"I love him, but Theron broke up with me. Alam kong niloloko niya ako at okay lang iyon sa akin dahil mahal ko siya, pero nakipaghiwalay pa rin siya sa akin. Saan ako nagkulang? Ginawa ko ang lahat para alagaan ang relasyon namin. Hindi man lang kami umabot ng isang linggo tapos—"

"Oh, please! Stop it, Minel. Ayokong marinig ang kagagahan mo sa lalaking iyon. Kasintahan mo ba talaga 'yon o ilusyunada ka lang?" naiinis niyang putol sa sinasabi nito.

"Ang sakit mo naman magsalita, friend. Boyfriend ko si Theron. Magkatabi kaming natulog noong gabing magkakilala kami. Sayang at walang nangyari sa amin dahil pareho kaming lasing. Sana pala pinikot ko na lang siya."

"It doesn't mean you're in a relationship even if you slept with him. God, Minel. Wake up!"

Inirapan niya ito at tinawagan na lang si David—ang kababata at bestfriend niya. Mas mabuting ituon niya ang atensyon kay David kaysa pakinggan ang daing ni Minel tungkol sa ex-boyfriend nito.

"Hi, Ashani! Nasa Pilipinas ka na ba?" bungad na sagot ni David sa kabilang linya.

"Yeah. Are you free? Let's meet up before going to my office." Nakangiti niyang sabi. Masaya siya na muling makausap ang kababata niya pagkatapos ng pagiging abala sa negosyo niya.

"Sure! Name a place and I'll go there with my surprise for you."

"You're too sweet, David. That's why, I love you."

Tumawa naman si David sa kabilang linya. "I know, Ashani, and I'm grateful to have you in my life. You're my best friend and sister for me."

Hindi nakaiwas sa sakit si Ashani dahil sa sinabi ni David. Alam niyang mahal din siya ni David, pero hindi tulad ng pagmamahal niya. Mahal niya ito bilang lalaki at hindi bilang kaibigan lang, pero hindi nito sineseryoso ang sinasabi niya at iniisip nito na pagmamahal lamang iyon ng isang kapatid. Ngayon ay handa na siyang ipakita kay David na seryoso siya. Desidido na siyang makuha ang pagmamahal nito.

"Alright. Magkita na lang tayo sa Sexiness restaurant," tukoy niya sa paboritong kainan.

"Okay. See you there, Ashani."

Humugot ng malalim na paghinga si Ashani pagkatapos ng pag-uusap nila ni David. Tumingin siya sa labas ng sasakyan. Hinawakan niya ang tapat ng kaniyang puso nang maramdaman ang malakas na tibok no'n. Dati-rati ay excited siya sa tuwing magkikita sila ni David, pero ngayon ay kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan.

***

Pagkarating sa Sexiness restaurant, nalaman ni Ashani ang dahilan ng malakas na tibok ng puso niya at iyon ay dahil sa sorpresa ni David sa kaniya.

SHORT STORIESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon