My Enemy Secretly Adores me

526 21 12
                                        


SIMULA

"Mommy, no! Hindi ko pakakasalan si Blake. Hindi ko nakikita ang future kasama siya. I hate his annoying attitude, his face, and everything. I hate him. Tinitiis ko lang na makita siya araw-araw, tapos ipakakasal niyo pa ako sa kaniya? No way!" inis na reklamo ni Maddy habang nakatingin ng masama kay Blake.

Magkakasama silang kumakain ng hapunan sa labas kasama ang buong pamilya ni Blake nang sabihin ng mga ito ang tungkol sa kasal nila.

Matalik na magkaibigan ang mga magulang nila at kapwa sila inampon mula sa orphanage. Friendship goal daw ng mga magulang nila ay ipagkasundo ang magiging anak na babae at lalaki, pero parehong hindi nagkaanak ang mga ito. Nag-ampon ang mga ito para tuparin ang goal na iyon. Maswerte sila sa mga magulang, pero malas naman at sila pa ang gustong ipakasal. Nasa orphanage pa lang sila ni Blake, hindi na sila magkasundo.

"I'm sorry, Mom, Dad. Hindi ko rin po gustong pakasalan ang babaeng tulad ni Maddy. Mauubusan ako ng pasensya sa kaartehan at kaingayan ng bibig niya," hindi nagpapatalong sagot ni Blake.

"Excuse me! Hindi ako maarte. Ikaw kaya itong ubod ng yabang. Akala mo naman gwapo. Yuck! Super feeling-gero!"

"Sabihin mo sa akin 'yan kapag hindi ka na umaasa sa make up para lang gumanda." Nakangising ganti ni Blake.

"I hate you talaga, Blake. Hindi kita pakakasalan. Mom, Dad, itigil niyo na ang kalokohang ito. Hindi para sa amin ang arrange marriage na gusto niyo," reklamo niya bago tumingin sa mga magulang.

Kulang na lang ay malaglag ang panga ni Maddy sa gulat nang makitang may sariling mundo ang mga magulang nila ni Blake. Abala ang mga ito sa sariling usapan tungkol sa kasal at hindi yata narinig ang reklamo nila.

"Mom! Dad!" tawag pansin niya sa mga ito.

"Iha, kumuha ka na lang ng pagkain sa loob kung kulang pa 'yang nakahain sa mesa. Marami kaming iniluto ng tita mo roon," balewalang sabi ng mommy niya.

"Kung gusto niyo naman magsolo ni Blake, p'wede kayong lumabas at mamasyal. Kami na ang bahala sa preparation ng kasal niyo," sabi naman ng daddy niya.

"Tama ang daddy mo, Maddy. Mamasyal muna kayo ni Blake at baka hindi niyo na magawa iyan pagkatapos ng kasal. Mas lalo na kapag nagka-anak kayo. Kilala ko si Blake, magaling 'yan sa trabaho lalo na kung bata ang gagawin," segunda ng daddy ni Blake bago ito tumingin sa anak. "Iho, mag-date muna kayo ni Maddy. Alam namin na-miss niyo ang isa't-isa," dugtong pa nito.

"Hindi ko siya na-m-miss, dad. Nakakasawa ang mukha niyang puno ng make-up. Mukha siyang multo. Araw-araw akong kinikilabutan sa kaniya."

"Asa ka naman na gusto kitang makita araw-araw. Nawawalan ako ng gana kumain kapag nakikita ka. Simula agahan hanggang hapunan, nasa harapan kita. Paano ako matutunawan sa pangit mong itsura? Dapat magkulong ka na lang sa kwarto mo at huwag magpakita sa akin."

Naputol ang pagtatalo nina Maddy at Blake nang magsalita ang mommy ng binata.

"Mga anak, iligpit niyo na itong mga ginamit natin sa hapunan. Mauuna na kaming pumasok sa loob," sabi nito bago umalis.

Walang nagawa ang dalawa nang iwan sila sa labas ng mga magulang nila. Ang lakas kasi ng trip ng mga ito. Parang hindi mga kagalang-galang na personalidad sa mundo ng pag-n-negosyo. Kakain sa labas, pero sa labas lang ng bahay. Ang mga bahay nila ay nasa iisang bakuran lang at isang pader lang ang pagitan. Nasobrahan yata ang friendship goals ng mga ito dahil kahit sa pagkain ay magkakasama sila.

"Ano kaya ang nagawa ko sa nakaraan kong buhay at pinaparusahan ako nang ganito? Sobrang saya ko nang ampunin nina Mommy at Daddy dahil hindi na kita makikita, pero ito at araw-araw akong binuburaot ng mukha mo. Sinusundan yata ako ng malas," reklamo ni Blake bago simulan ang pagliligpit ng mga plato.

SHORT STORIESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon