Rescued by the Billionaire

164 5 0
                                        


SIMULA

Malaking ngiti ang nakapaskil sa labi ni Vilma habang pumapasok sa bahay ng kanyang kapatid na si Vulma. Bitbit niya ang pasalubong na tempura para rito. Dalawang buwan siya sa Japan para sa kanyang training. Isa siyang manlalaro ng Arnis at miyembro ng national team. Kalahok siya sa darating na World Athlete Competition sa susunod na buwan. Gaganapin iyon sa Germany.

Tahimik na paligid ang sumalubong sa kanya pagpasok sa bahay.

"Sabay-sabay bang nag-day off ang mga katulong sa bahay na ito? Bakit ang tahimik?" Tanong niya sa sarili.

Unusual ang katahimikan sa bahay. Kahit sa labas wala rin ang mga guards. Dapat binabantayan ng mga ito ang bahay dahil anak ng Senador si Erick, ang asawa ng kanyang Ate Vulma.

Pumunta si Vilma sa kusina dahil mahilig magluto ang kanyang kapatid pero, wala ito roon. Inilagay niya muna ang pasalubong sa mesa. Paglabas niya sa kusina, narinig niya ang umiiyak na boses ng kanyang kapatid.

"Bitawan mo ako, Erick. Nasasaktan ako!"

"Masasaktan ka talaga sa akin, Vulma! Wala kang karapatan na saktan si Mildred." Galit na sagot ni Erick.

Nagmamadali namang umakyat sa hagdan si Vilma. Na sa third floor ang dalawa pero natatanaw niya ang pananakit ni Erick sa kapatid mula sa ibaba.

"May karapatan ako dahil ako ang asawa mo!"

"Asawa lang kita, Vulma! Hindi mo hawak ang buhay ko!"

"Ahh!" Sigaw ni Vulma.

Nataranta si Vilma ng sumigaw ang kapatid. Tumakbo na siya paakyat sa hagdan.

"Sawang-sawa na ako sa kaseselos mo! Hindi ka pa nakuntento sa perang binibigay ko sa'yo!"

"Hindi pera ang kailangan ko, Erick. Kailangan ko ang aking asawa. Nagbago ka na. Hindi ka na ang Erick na nakilala ko at pinakasalan!"

"Hindi ako nagbago, Vulma. Pinakasalan lang kita dahil sa katawan mo. Ngayo'y napagsawaan na kita, dapat ka ng maglaho sa buhay ko!"

"Demonyo ka, Erick! Demonyo ka!"

"Oo! Demonyo ako! Kaya matitikman mo ang pagka-demonyo ko!"

"Erick, huwag!" Malakas na sigaw ni Vilma ng itulak ni Erick si Vulma. "Ate!!!" Gimbal niyang sigaw ng mahulog ang kapatid mula sa veranda ng third floor.

Mabilis siyang bumalik pababa para puntahan ito.

"Ate!" Umiiyak niyang sigaw ng makitang umaagos ang dugo nito sa sahig. Napahinto ang tangka niyang paghawak sa kapatid ng hinila ni Erick ang buhok niya. "Bitawan mo ako, Erick! Kailangan kong dalhin sa ospital si Ate!"

"Sa palagay mo ba hahayaan kita? Magsama kayo ng kakambal mo!" Sinuntok siya nito sa sikmura. Nakabaluktot siyang natumba sa sahig. Sumigid ang labis na kirot doon kaya nahirapan siyang kumilos.

"H-hayop ka!" Impit niyang sigaw. Dumaing siya ng mahigpit nitong hawakan ang kanyang buhok.

"Huwag kang mag-alala, Vilma. Magsasama pa rin kayo ni Vulma sa kabilang buhay." Nakangisi nitong sabi kasabay ng malakas na pag-untog ng kanyang ulo sa sahig. Naramdaman niya ang pagputok ng kanyang noo at pag-agos ng dugo mula roon. Umikot ang kanyang paningin. Nanghina siya sa ginawa nito.

"Tingnan natin kung mabubuhay ka pa sa gagawin ko."

Walang lakas si Vilma para alamin ang ginawa ni Erick. Naramdaman lang niyang sinilid siya ng lalaki sa sako at hinila. Iyon ang huli niyang natandaan bago nawalan ng malay.

...

Sa kabilang dako, isang mega yacht ang naglalayag sa gitna ng karagatan. Tila isa itong barko sa laki. Maliban sa mga crew, isang tao ang agaw pansin na nakatayo sa upper deck ng yate. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa natatanaw na isla. Ito ay walang iba kundi ang binatang bilyonaryo na si Henry Acostallejo.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon