SIMULA
Good morning, sir! How may I help you?" Nakangiti at masiglang bati ni Alice sa isang walk-in customer ng Cruise Wheels, isang car company kung saan siya nagtatrabaho bilang car sales person.
"I am looking for a car that suitable for my age, miss. A car which I feel more secured while driving. Our family loves to travel, so, I need that kind of car," sagot ng hindi katandaan na lalaki.
Sa tingin ni Alice ay nasa late fifties ang edad ng lalaking banyaga. Matikas ang pangangatawan nito at halatang alaga sa ehersisyo. Mukhang kararating lang nito sa bansa dahil may hawak pa itong coat na pang-winter.
"Oh, great! This is what you were looking for, sir. Our fresh and good-looking car. Do you want to check this model, sir?" Turo ni Alice sa bagong modelo ng sasakyan na meron ang Cruise Wheels. Iyon ang pinakamahal na sasakyan ng kompanya nila. Kararating lang niyon mula sa supplier ng Cruise Wheels sa Chicago.
"Sure! Please lead the way," maginoong sabi ng matanda.
"No, sir. We'll go together. Side by side." Nakangiting biro ni Alice.
Natawa rin ang matanda. Halata rito na nasisiyahan sa pakikipag-usap kay Alice. Magaan kausap si Alice na parang matagal na nitong kilala ang mga customer niya. Nagustuhan naman ng mga customer ang katangian niyang 'yon dahil komportable ang mga ito sa dalaga.
"Tell me more about this car, miss," muling hiling ng ginoo kay Alice.
"Alright, sir! Aside from the advance technology, this car also has features that we called as driver assistance features. First, a 360-view camera setup that give you a complete view around your car. Second, night vision assists which detects an object in the car's path that may not be visible to your eyes and send you a warning alert on the screen. Then, we have automatic emergency braking, forward collision warning, blind spot warning and monitoring..."
Nagpatuloy si Alice sa pagpapaliwanag ng kagandahan ng sasakyan. Namamangha namang nakikinig ang ginoo kay Alice habang nagsasalita ang dalaga. Hindi maikakaila ang galing ni Alice pagdating sa trabaho. Hindi lang galing sa pagsasalita ang asset ni Alice. Asset din ng dalaga ang magandang katawan at mukha. Humahakab ang makurba niyang katawan sa pencil skirt na uniporme ng opisina. Tube top na napapatungan ng blazer ang kapares ng skirt at isang three inches pumps point shoes ang suot niya sa mga paa.
"... You'll be more secured using this car, sir," muling sabi ni Alice nang matapos ito sa pagpapaliwanag.
"Good. That's what I am looking for. I'll get this car, miss."
"Thank you, sir! Please have a sit first while I am preparing your documents."
Hindi maitago ang saya ni Alice nang makipag-close deal ang customer sa kaniya. Hindi nasayang ang laway niya sa pagpapaliwanag para lang ma-impress ito at bilhin ang sasakyan. Minsan, naranasan niya rin na hindi bumibili ang customer matapos ang mahaba niyang paliwanag. Hindi naman maiiwasan iyon, sapagkat trabaho pa rin niyang i-assist ang mga customer kahit ano pa ang desisyon ng mga ito sa huli.
"How to be you po, Alice? Grabe ikaw na talaga! Tatlong luxury cars ang naibenta mo this month. Hindi na ako magtataka kung ikaw na naman ang magiging employee of the month," saad ni Junia—kaibigan at kapwa car sales person ni Alice.
"Baka alam ni God na malaki ang pangangailangan ko, Junia. Tinutulungan Niya lang ako para gumaan ang mga pasanin ko sa buhay." Nakangiti niyang sabi habang inaayos ang mga dokumento ng bago niyang customer.
"Bakit ayaw mo pa kasing mag-asawa? Para sana may katuwang ka na sa buhay."
"Hindi sagot ang pag-aasawa para gumaan ang buhay ko. Pagsisikap ang kailangan ko para umangat sa buhay. Maiwan na muna kita. Naghihintay ang customer ko," paalam ni Alice sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
Short StoryTunghayan ang mga istoryang maghahatid ng kilig at saya sa inyong mga puso. Mga kwentong puno ng pag-ibig, pagtitiwala, at mga pagsubok. Mga kwentong magpapakita sa inyo na ang pag-ibig ay hindi lamang isang damdamin, kundi isang desisyon na may kaa...
