SIMULA
"Amira, I'm leaving after your lunch meeting with Mr. Samson. May meeting din ako kasama si Mr. Lorenzo mamaya," sabi ni Charlie sa asawa habang sinusundan ito palabas ng opisina.
Siya ang palaging kasama ni Amira kapag may meeting ito sa labas at naiiwan naman sa opisina ang assistant nito.
"Do whatever you want, I won't stop you. Just stay faithful and we're good."
Narinig na naman ni Charlie ang mga salitang iyon mula kay Amira. Iyon din ang sinabi nito sa wedding vow nila anim na buwan na ang nakakalipas.
Ang kakambal niyang si Cedric ang ikakasal sana kay Amira nang araw na iyon, pero kinuha niya ang responsibilidad para makapiling ng kakambal ang babaeng mahal nito. Ngayon ay masaya na si Cedric sa piling ng asawang si Azella, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makuha ang ugali ng babaeng pinakasalan niya.
"Is it really okay to continue my showbiz career? Hindi ba iyon makakaapekto sa kasunduan niyo ni Lolo? Mananatili pa rin ang katapatan ko sa 'yo bilang asawa mo, pero hindi ko maiiwasan ma-link sa ibang celebrity. Showbiz nowadays is not successful without loveteam," muli niyang tanong pagsakay sa elevator.
"Your decision is not mine to decide, Charlie."
"Oo, alam ko. Sinisiguro ko lang na hindi maapektuhan ang kompanya namin sa gagawin ko. Malaking tulong ang nagawa mo sa kompanya, pero mabilis mo rin mapapabagsak iyon sa maling desisyon ko."
"Then, choose your decision wisely," balewala nitong sabi.
Hindi nakasagot si Charlie nang bumukas ang elevator. Lumabas si Amira habang nakasunod siya rito. Mas mukha siyang assistant kaysa asawa nito dahil sa kasusunod niya. Wala naman siyang pagpipilian dahil sa tingin niya ay makakabuti iyon sa kaniya at sa pamilya niya.
"Yeah, I know. Thank you for always reminding me how powerful you are, Amira," sagot na lang niya.
Amira walks like she owns everything. Her presence says how powerful she is. Bawat empleyadong madaanan nito ay yumuyuko bilang paggalang. Halata ang respeto at takot ng mga empleyado kapag nakikita ito. Amira is the Palma Holdings chairwoman. Pag-aari nito ang kumpanyang pumoprotekta sa iba pang kumpanya. Malawak ang nasasakupan ng Palma Holdings. Tinuturing ito na mother company ng iba pang kumpanya at si Amira ay isa sa pinakabatang bilyonarya sa bansa na nirerespesto sa mundo ng pagnenegosyo.
Sinalubong si Amira ng anim na bodyguard paglabas ng gusali. Nakayuko ang mga ito habang ang isa naman ay binuksan ang pintuan ng nakaabang na sasakyan.
"Protect my cat at all cost," utos ni Amira sa mga bodyguard.
"Yes, Ma'am!" alerto at magalang na sagot ng anim.
Nagtaka si Charlie nang marinig na naman ang parehong utos na iyon mula sa asawa niya. Simula nang ikasal sila ay palagi na niyang naririnig iyon. Mahilig si Amira sa mga pusa, pero hindi naman kasama ang mga alaga nito sa tuwing aalis sila. Safe din ang mga iyon sa loob ng mansiyon. Marahil ay ganoon talaga kahalaga ang mga pusa para kay Amira.
"Sir, dito po tayo," saad ng isang bodyguard kay Charlie pagsara nito sa pintuan ng sasakyan ni Amira.
Tahimik siyang sumunod sa bodyguard at magkahiwalay silang nag-byahe ni Amira patungo sa lunch meeting nito. Nakasanayan na niya ang ganoong set up nila ng asawa. Kahit sa pagtulog ay magkahiwalay rin sila. Sa papel lang talaga sila mag-asawa at kahit apelyido niya ay hindi nito dinadala. Maging ang ibang tao na naka-paligid dito ay hindi siya tinuturing bilang asawa ng bilyonarya.
Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa La Gran Resto. Isang eksklusibong restaurant kung saan magaganap ang lunch meeting ni Amira. Magkasabay silang pumasok sa loob at naiwan naman sa labas ang mga bodyguard. Kaagad naman silang inasikaso ng staff nang magpakilala si Amira. Dinala dila nito sa VIP room sa loob ng restaurant. Naroon na si Rick Samson pagdating nila. Ito ang ka-meeting ni Amira.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
Short StoryTunghayan ang mga istoryang maghahatid ng kilig at saya sa inyong mga puso. Mga kwentong puno ng pag-ibig, pagtitiwala, at mga pagsubok. Mga kwentong magpapakita sa inyo na ang pag-ibig ay hindi lamang isang damdamin, kundi isang desisyon na may kaa...
