SIMULA
"Team, focus on our goal. Iligtas ang mga foreign missionaries at dalhin sila sa pinaka-malapit na dalampasigan. Naghihintay roon ang mga sasakyang pandagat na maghahatid sa kanila sa syudad. Priority natin ang kanilang kaligtasan. Are we clear?" seryoso at malakas na sabi ni Military Captain Wilder Becken, ang lider ng Ace team. Siya rin ang mission in command ng grupo na may pitong miyembro. Kasalukuyan silang nasa misyon upang iligtas ang grupo ng mga missionary na dinukot at dinala sa Mt. Taglibas, kapalit ng pera at mga armas. Ang bundok na iyon ang pinamumugaran ng mga rebeldeng sibilyan at teroristang grupo.
"Yes, Captain!" alerto at determinadong sagot ng mga sundalong kasama ni Wilder.
"On my queue, prepare to drop off!" muling sabi ni Wilder.
Nang bumukas ang pintuan ng sinasakyan nilang military aircraft, nagbigay ng hudyat si Wilder.
"Now!"
Magkakasunod silang tumalon sa himpapawid at ginamit ang military parachute para lumanding nang maayos sa Mt. Taglibas. Iyon lang ang mabilis na paraan para makapasok sila sa bundok kahit pwedeng maaalerto ang mga kalaban sa tunog ng aircraft. Isa na rin iyon sa plano ng apat na grupo sa misyong iyon. Ang grupo niya ang magsisilbing pain para kunin ang atensyon ng mga kalaban habang ang tatlong grupo naman ay kikilos sa ibang bahagi ng kabundukan. Nakatalaga sila sa pagliligtas habang sa combat naman ang ibang grupo. Kapag sigurado na silang ligtas na ang mga hostage, aalis na rin ang lahat sa kabundukan.
Habang nasa himpapawid, hindi inaasahan ni Wilder ang biglang pagbabago ng direksyon ng hangin.
"Oh, sh*t!" bulalas niya nang tangayin siya nito sa kakahuyan. Sumabit ang kaniyang parachute sa sanga ng punong kahoy. Wala siyang nagawa kundi tumulay sa puno para bumaba. Nang makarating sa ibaba, agad niyang tinawagan ang mga kasama gamit ang kaniyang radyo.
"Team, are you on position? Over!" tanong niya bago bitiwan ang button ng radyo para marinig naman ang sagot ng mga kasama.
"Yes, captain. Over!" magkakasunod na sagot ng mga ito.
"Good. Now, do the plan A. Hanapin ang lugar na kinalalagyan ng mga hostage."
Pagkatapos magbigay ng hudyat ni Wilder, nagtungo na rin siya sa silangan~ ang nakatalagang pwesto para sa kaniyang grupo. Habang patungo roon, narinig niya ang pagsabog sa kanluran. Marahil kagagawan iyon ng grupong naka-pwesto sa lugar na iyon. Naririnig na rin niya ang palitan ng mga putok sa iba't-ibang direksyon. Alam niyang hindi maiiwasan ang laban, dahil armado rin ang mga kalaban.
Maya-maya, muling narinig ni Wilder ang boses ng kasama sa kaniyang radyo.
"Captain Becken, over! Captain Becken?"
Kinuha ni Wilder ang radyo at sinagot ang tawag nito.
"Captain Becken speaking, over!"
"Sir, natagpuan ko na ang kinaroroonan ng mga missionaries. Nakakulong sila sa gitna ng kapatagan. Sa tingin ko, mga injured din po sila, over!"
Umigting ang panga ni Wilder. Inaasahan na niya iyon nang makuha niya ang report ng mga naunang grupo na sumabak sa parehong misyon. Sa kabila nang malawak na kagubatan, may parte pa rin na patag sa bundok. Walang puno sa paligid niyon at may nakatanim na land mine, kaya mahihirapan ang sinuman na i-rescue ang mga hostage kapag doon ilalagay. Marahil iyon din ang dahilan kaya nabigo ang mga unang sumabak sa misyon na buwagin ang grupo ng mga rebelde.
"Ilan ang mga nakakulong? Over," muli niyang tanong.
"Kumpleto ang mga hostage, sir. Apat na foreigner at isang pinoy. Over!"
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
Short StoryTunghayan ang mga istoryang maghahatid ng kilig at saya sa inyong mga puso. Mga kwentong puno ng pag-ibig, pagtitiwala, at mga pagsubok. Mga kwentong magpapakita sa inyo na ang pag-ibig ay hindi lamang isang damdamin, kundi isang desisyon na may kaa...
