SIMULA
"Good morning, Mom, Dad!" masiglang bati ni Sofia sa mga magulang. Nakita niya ang mga ito sa salas nang bumaba siya mula sa silid niya. Humalik siya sa pisngi ng dalawa bago lagpasan ang mga ito.
"Sofia, bumalik ka muna rito. Kailangan nating mag-usap," saad ni Anton—ang daddy ni Sofia.
Muling bumaling si Sofia sa direks'yon ng mga magulang niya. "I'm sorry, Dad. P'wede ba later na lang? Late na kasi ako sa get together namin ng mga friend ko. Dadaan pa ako sa mall to buy my swimsuit. It's not yet decided what color I wear, so, I need to go there right away. Later na lang tayo mag-usap, okay?" nagpapacute niyang pakiusap. Wala naman itong tinatanggihan sa mga gusto niya kaya alam niyang papayag ito.
"No. Mag-uusap tayo ngayon din. Umupo ka rito," seryosong sabi ni Anton.
"Sumunod ka muna sa daddy mo, Sofia," nakikiusap na sabi ni Ashanti—ang mommy ni Sofia.
Nakanguso at nagdadabog na sumunod si Sofia sa mga magulang. Pabagsak siyang umupo sa couch sa harapan ng mga ito.
"Make it fast, dad. Magagalit ang mga friend ko kapag super late na ako." Nag-krus legs siya at nagpakita ng kawalan ng interes sa gustong sabihin ng daddy niya.
"Simula bukas ay sisimulan mo na ang trabaho sa isang branch ng bangko natin sa Parañaque," pahayag ni Anton kay Sofia.
"What? No, Dad! Marami naman tayong empleyado sa bank. Ibigay niyo na lang sa kanila ang trabaho. I'm super fine going to the salon, shopping, and jamming with my friends every day. I don't need to work. It's not appealing. Besides, we're super rich. I can buy and do everything I want without doing any job."
"My decision is final. You will be working tomorrow."
"I said, no! Hindi ako magwo-work, dad! Never in my dead body!"
"Sofia, don't say that," saway ni Ashanti sa anak.
"Mom, pagsabihan mo si Daddy. Bakit kailangan ko pang mag-work kung mabubuhay naman ako ng hindi ginagawa iyon? Para saan ang perang pinaghihirapan niyo kung gusto niyo rin mag-trabaho ang kaisa-isang anak niyo? Hindi niyo ba kayang ibigay ang mga pangangailangan ko? Sana hindi niyo na lang ako isinilang kung hindi niyo kaya ang responsibilidad sa 'kin."
"Sofia, we're doing this for your own good. Ikaw ang magmamana sa mga negosyo natin kaya nararapat lang na pag-aralan mo iyon. Hindi habang buhay ay kasama mo kami."
"Then hire someone to work for me. You can do it, right?"
"Sofia—"
"No, Mom! Don't make my life miserable," putol niya sa sasabihin nito.
"Twenty-seven ka na, Sofia. Kailangan mong kumilos ayon sa edad mo. Simula ngayon, paghihirapan mo ang lahat ng bagay na gusto mong makuha. Ipapa-cut ko ang card mo at hindi kita bibigyan ng allowance," banta naman ni Anton, pero matigas ang ulo ni Sofia kaya hindi ito nagpatinag sa banta ng ama.
"Do it, Dad! Kapag ginawa mo iyon, lalayas ako sa bahay na ito at kailanman ay hindi niyo na ako makikita pa!" sigaw ni Sofia.
Tinalikuran ni Sofia ang kaniyang mga magulang at tumakbo patungo sa labas ng bahay. Kinuha niya ang kotse at umalis. Nagmaneho siya patungo sa mall at bumili ng swimsuit tulad ng una niyang plano. Hindi lang isang swimsuit ang binili niya dahil mabilis siyang magsawa sa isang kulay. Nagpapalit pa rin siya ng swimsuit kahit isang araw lang ang swimming nila.
"Here's my card," saad ni Sofia sa cashier nang matapos siya sa pamimili. Ibinigay niya rito ang card niya na tinanggap naman ng babae. Kinuha niya rin ang phone para magsend ng mensahe sa mga kaibigan niya, pero tinawag ng cashier ang pansin niya.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
NouvellesTunghayan ang mga istoryang maghahatid ng kilig at saya sa inyong mga puso. Mga kwentong puno ng pag-ibig, pagtitiwala, at mga pagsubok. Mga kwentong magpapakita sa inyo na ang pag-ibig ay hindi lamang isang damdamin, kundi isang desisyon na may kaa...
