Crevette's POV
Hindi pa nagising si Ruthy .. gabi na 9pm .. ayoko naman silang iwan .. so nagpahatid ako sa driver ko nang damit .. pagdating nang driver ko hindi lang damit dala niya .. may dala din siyang isang bag na hindi ko alam kung anong laman ..
"What's that?" Tanong ko ..
"Pinapadala po ni Madam .." sabi niya ..
"Mom?" Gulat kong tanong ..
"Opo .. " sabi nung driver ko at umalis na .. tinignan ko agad yung laman nung bag .. puro lutong bahay .. tapos may nakita akong note ..
Crevette,
Sabi nung driver mo nandun ka daw sa kaibigan mo .. pinadalahan ko kayo nang pagkain .. para sa kaibigan mo yan anak .. I love you!- Mom
Napailing nalang ako .. I guess akala ni mom sila Steve, Carlo at Sam ang kasama ko ..
Biglang nagring phone ko .. It's mom ..
"Hi mom .." sabi ko ..
"Natanggap mo yung mga pagkain nak? Sabihin mo kila Steve na sinarapan ko luto para sakanil---"
"Mom wala po ako kila Steve, Carlo nor Sam .." sabi ko ..
"Then nakanino ka? Sabi nung driver mo nasa bahay ka nang kaibigan .." sabi ni Mom ..
"Yes mom .. you'll meet her soon .. but for now kakain muna ako kasi nagutom ako .." sabi ko tapos pinatay ko yung tawag at nilagay ko sa kusina yung pagkain ..
"Luisa tara let's eat .. nagpadala si mom nang food para may makain tayo .." sabi ko ..
"Wow! Can I call her Tita? Kasi wala akong kilalang tita ko eh .." sabi niya ..
"Oo naman .." sabi ko tapos kumain na kami bukas na kasi pasok ni Luisa ..
"Ang sarap po magluto nang mama mo kuya .." sabi niya
"Talaga? I'll tell her about that .." sabi ko ..
"Next time po ulit .." sabi ni Luisa ..
"Osige .." sabi ko ..
After we eat .. ako na naghugas nang pinagkainan namin .. pinapasok ko na si Luisa sa kwarto niya para magpahinga .. after kong naghugas nilagay ko yung natirang pagkain sa ref .. andami pala kasing nailuto ni mom ..
Sinilip ko muna si Luisa sa kwarto niya .. naabutan ko siya sa harap nang salamin niya tinititigan niya sarili niya ..
"Kuya .." bigla niyang sinabi ..
"Yes?" Tanong ko tapos pumasok ako sa loob nang kwarto niya ..
"Napanuod ko sa TV na pag pangit ang isang tao .. iniiwan nang iba .." sabi niya .. lumingon siya sakin ..
"Pangit po ba ako?" Tanong niya ..
"Bakit mo naitanong?" Tanong ko
"Kasi lagi nalang kami iniiwan ni Ate .. lalo na si Ate .. lagi nalang siya iniiwan .. maganda naman ate ko .. kaya pakiramdam ko ako yung pangit .." sabi niya ..
"Hindi ka pangit .. maganda ka .. " sabi ko .. "bata ka pa Luisa .. pero pag laki mo parang sa ate mo madaming lalaki ang magkakandarapa sayo .. sige na matulog ka na firstday bukas diba?" sabi ko .. tumango siya tapos ngumiti at natulog na ..