Crevette's POV
Nasa Restaurant na kami at tama nga si Ruth kumpleto na sila .. pagdating namin nagsimula na kaming kumain ..
"Krizelle nasan si Kris?" Tanong ni Drix .. I saw Camille smirk ..
"Aba himala bakit hinahanap mo si Kris?" Tanong ni Camille .. nagulat nalang kami nang sinubuan ni Ruth si Camille nang kimchi ..
"Masarap no?" Sabi ni Ruth tapos pinandilatan niya nang mata si Camille ..
"Gelo .. subuan mo naman girlfriend mo .. kulang ata sa kain kaya kung ano ano sinasabi eh .." sabi ni Ruth kay Gelo ..
"Sobra sa kain yan kagabi .." mapaglarong sabi ni Gelo na ikinapula ni Camille ..
"Nasaan si Carlo?" Biglang tanong ni Ruthy sakin
"Carlo?" Tanong ko ..
"Oo si Carlo yung secretary mo! Don't tell me kinalimutan mo na agad si Carlo .." sabi niya sakin ..
"Ahh .. nasa opisina .. bakit mo natanong?" Tanong ko ..
"Usually kasama mo siya ehh .. nagtaka lang ako bakit ngayon hindi .." sabi niya ..
"I have a life too .. pinuntahan ko naman yung buhay ko .. " sabi ko ..
"Edi may dinaanan ka muna bago ka nagpunta sa office?" Tanong niya .. napatingin sila Camille, Krizelle, Andie, Gelo at Luisa kay Ruth ..
"Wala .. after ko sa office dumiretso ako sayo .." sagot ko ..
"Sinong dinaanan mo bago sa office ko?" Inosenteng tanong ni Ruth ..
"Utang na loob Reauth Lesley Ysabelle napaka slow mo .." sabi ni Camille .. napa 'huh?' naman si Ruth ..
"Ate ang slow mo po .." sabi ko .. tapos umiling si Luisa .. Tumawa nalang si Gelo ..
"Why are you laughing like that?!" Sabi ni Ruth ..
"Like what?" Sabi ni Gelo ..
"Ugh! I hate you all .." sabi ni Ruth .. napatingin ako sa pumasok sa loob nang resto ..
"Art Bro!" Sabi ni Steve .. napatingin si Ruth sa tinawag ni Steve .. I even hear Camille cursed ..
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Steve .. tapos napansin kong napatingin si Art kay Ruth .. tapos sa iba ..
"May bibilhin lang .." sabi niya ..
"Wait ipapakilala kita sa mga kasama ko .. " sabi ni Steve ..
"Art this is Andie and Krizelle .." sabi ni Steve .. nakita ko namang ngumiti si Andie kay Art .. nag 'hi' lang si Krizelle ..
"This is Camille kilala mo naman siguro siya diba? Artista yan .. and his boyfriend Gelo .. " sabi ni Steve .. hindi naman nag-abalang tignan ni Camille si Art ..
"This is Drix .. their manager .. " hindi lumingon si Drix .. nag nod lang siya ..
"This little cute girl is Luisa .." sabi ni Steve .. "say hi to kuya Art Luisa .." sabi ni Steve .. akala ko ngingitian ni Luisa si Art .. kasi Luisa is a very cute and kind girl kaso nagulat ako nang nagsalita si Luisa ..
"I hate him .." biglang sabi niya .. napansin kong nagulat si Krizelle .. agad niyang tinakpan bibig ni Luisa ..
"Hehe .. gutom kasi siya kaya ganun nasabi .. ako na magsosorry .." sabi niya ..
"It's okay .." sabi ni Art ..
"And kilala mo naman na siguro si Crevette diba? " sabi ni Steve .. nginitian ko lang siya ..
"Oo naman .." sagot ni Art ..
"Last .. she is Ruth Real .. I know she looks familiar kasi artista siya .. and a bachelorette .. beautiful isn't she?" Tanong ni Steve ..
"Yes .. beautiful .." sabi ni Art tapos tinignan niya nang mabuti si Ruth .. I don't like the way he look at Ruth .. kung hindi ko siya kaibigan baka sinapak ko siya .. he's literally checking out my girl! Damn it!
"I know .. I know .." sabi ni Ruth sabay smirk .. ngayon ko lang siya nakitang magsmirk ..
"Anyway! Guys this is Art .. " sabi ni Steve .. narinig ko na nagsalita si Gelo ..
"I know .. we know .." makahulugang sabi niya ..
"Kilala mo si Art? Paano?" Tanong ni Steve ..
"He's a well-known young man na nagpakasal sa isang mayaman na babae .." sagot ni Gelo .. "Napanood ko sa TV kaya kilala ko .." dagdag niya pa ..
''Oh I see .." sabi ni Steve .. pero hanggang ngayon tinitignan parin ni Art si Ruth na busy sa pagkain .. lahat kasi kami tumigil sa pagkain pwera lang si Luisa at Ruth parang wala silang kasama .. kain lang sila nang kain .. bumalik tingin ko kay Art ..
"Dude that's my girl .." sabi ko .. napatingin naman si Art sakin .. naiinis ako .. bakit ganun makatingin si Art kay Ruth .. Tss ..
"S-sorry .." sabi ni Art ..
"Why don't you join us?" Biglang sabi ni Camille .. "Siguro naman hindi magagalit ang ASAWA mo Art .." sabi pa niya .. tapos nag smirk siya .. Emphasizing the word ASAWA
"Wag na nakakahi----"
"Maupo ka na .. " sabi ni Steve .. tapos hinila ni Steve si Art sa bakanteng upuan sa harap ni Ruthy .. kumain nalang kami .. bigla kasing tumahimik walang nagsasalita .. kukuha na sana si Ruth nang Cabbage kaso biglang nagsalita si Art ..
"Diba allergic ka sa Cabbage? Wag mong kainin yan .." sabi ni Art .. napatingin kami kay Art ..
"How sure are you? People change dear .." sabi ni Ruthy .. nakita ko nanaman yung cold side niya .. may hindi talaga ako alam dito eh ..
"Pe-per----"
"Kuya Crevette .. pwede mo ba akong bilhan nang IceCream mamaya? I have a star .." sabi ni Luisa sakin sabay pakita nang star sa kamay ..
"Luisa! No .. " saway ni Ruthy
"Okay lang .." sabi ko .. "Gusto mo after we eat punta tayong mall?" Tanong ko ..
"Yes! Kaso hindi po ata papayag si ate .." sabi ni Luisa .. tinignan ko siya ..
"Please babe? Sama ka na din .." sabi ko ..
"Babe?" Sabay na tanong ni Art ..
"Are you?" tanong niya ulit
"Yes sila .." sagot ni Gelo .. "Why? Ikaw lang ba pwedeng magkaroon nang relasyon?" Magaspang na tanong ni Gelo ..
"Tara na .." sabi ni Ruth tapos tumayo siya at kinuha yung flowers .. "Sabi niyo mall diba? Let's Go .." sabi niya .. tumayo agad ako tapos kinarga ko si Luisa ..
"Ingatan mo yang si Ruth ahh .." sabi ni Camille .. "Wag mong hahayaan na malapitan nang mga taong MANLOLOKO at WALANG KWENTA .." dagdag pa niya .. napatingin sila kay Camille ..
"What? Bakit? May natamaan ba? Nagsasabi lang ako nang totoo .. kalat na manloloko sa mundo malay mo kasabay mo na kumain diba? .." sabi ni Camille .. "Go ahead magmall na kayo .. takecare .." dagdag ni Camille .. umalis na kami tapos sumakay sa kotse ..
