Ruth's POV
"Edi midwife ka?" Tanong ko ..
Nasa carinderya kami nila Gelay .. ako, si Crevette, si Andie, si Camille, si Sam at si Paul ..
"Oo registered midwife na ako .. " sabi niya ..
"Nasubukan mo nang magpaanak?" Tanong ko ..
"Oo madaming beses na .. pero hindi ko na ulit sinubukan .. nakakakaba kasi .." sabi niya ..
"Edi ano nang trabaho mo ngayon?" Tanong ko ..
"Nagtatrabaho ako sa isang healthcare .." sabi niya .. "Nursing graduate din kasi ako registered nurse narin ako .." dagdag pa niya ..
"That's nice .. gusto mong pumasok sa RGC? Pwede kang nurse doon .. isang doctor palang ang meron ako at dalawang nurse .. pwede pa para sa isa .." sabi ko ..
"Talaga?" Tanong niya ..
"Oo naman .. tsaka diba close naman na tayo .. so why not? .." sabi ko .. then I smile at her .. napatingin ako kay Sam at Camille .. wow simula nung kasal namin ni Crevette naging close na sila .. hmmm .. atleast hindi na si Kylie ang gusto ni Sam at atleast kay Sam may tiwala ako kaysa kay Gelo .. -______- yung lalaking yun hindi na nagpapakita sakin simula nung inilibing si Luisa .. babatukan ko yun pagnagkita kami ..
Nasa hiwalay kasi kaming table ni Gelay .. si Sam, Camille, Andie, Crevette at Paul nasa isang table din
"Bukas agahan mo .. punta ka sa office ko sa pinakanataas na floor .." sabi ko ..
"Salamat ah .." she said ..
"Wala yun .. pero dalhan mo din ako nang lomi .. dyan ata ako naglilihi eh .." sabi ko ..
"Lihi? You mean buntis ka?" Tanong niya .. I just nod ..
"Omg! Ilang months na?" Tanong niya ..
"Wala pang buwan .." sabi ko ..
"Kaya pala tuwing madaling araw ka nagpupunta dito para sa Lomi .. sige bukas pagdadala kita nang lomi .." sabi niya ..
"Ano palang number mo?" Tanong ko .. idedectate na niya sana kaso napatingin siya kay Paul ..
"Ah pwede ako nalang magtype?" Tanong niya ..
"Oo naman .."sabi ko tapos inabot ko sakanya yung phone ko ..
"Salamat .." sabi niya .. "Ah Ruth pwedeng favor? Wag mo sanang ibigay kay Paul number ko .. " dagdag pa niya .. naiintriga ako sa lalaking 'to at kay Gelay ..
"Can I ask?" Sabi ko .. "oh I mean is can I ask you oh well I already ask you a question what I mean is I will ask you well I already as----" naputol yung sinasabi ko nang narinig ko siyang tumawa ..
"Ano yun?" Tanong niya ..
"Anong meron sainyo ni Paul?" Tanong ko ..
"Ex ko siya .. " sagot niya ..
"Bakit kayo nagbreak?" Tanong ko ..
"Kasi minsan may mga tao talagang ayaw satin .. " sabi niya ..
"Ayaw? Bakit inayawan ka ni Paul?" Tanong ko ..
"Oo ay hindi ay ewan .." sabi niya ..
"Gulo mo .." sabi ko ..
"Kasi magulo talaga ang relationship namin .." sabi ni Gelay ..
