Crevette's POV
Kausap namin si Atty .. tatlong araw pagkatapos mailibing ni Luisa .. hindi masyadong nagsasalita si Ruth .. hindi rin siya nakain hindi ko na alam kung anong gagawin ko
"Pwede siyang makulong temporarily pero hindi ko maipapangakong maipapakulong natin siya nang matagal .. wala tayong ibedensya .. " sabi ni Atty
"Atty siya mismo nagsabi sakin na siya ang sumagasa samin .. hindi pa ba sapat yun?" Tanong ni Ruth ..
"Mrs. West hindi sapat na ebidensya yun .. lalo na't dalawa lang kayo nang kaibigan mo ang nakarinig .." sabi ni Atty ..
"I don't care kung maubos ang pera ko .. gawin mo ang lahat makulong lang ang kriminal na yun .." sabi ni Ruth tapos lumabas na siya sa office ni Atty
"Atty please do everything .. " sabi ko ..
"I will Mr. West .." sabi ni Atty .. tumayo na ako
"And condolence .." sabi niya I just nod .. lumabas narin ako .. naabutan ko si Ruth sa labas nakaupo ..
"Gusto mo kumain?" Tanong ko .. umiling lang siya at naunang maglakad ..
"Gusto ko nang umuwi .." sabi ni Ruth .. so sumakay na ako sa sasakyan at umuwi na kami .. tahimik lang ang naging byahe namin ..
"Love .." sabi ko .. tumingin siya sakin ..
"I miss you .." sabi ko .. nakita kong nagulat siya sa sinabi ko tinignan lang niya ako .. nakita kong umiwas siya nang tingin ..
I just sigh ..
"Papasok na ako bukas .. " sabi niya ..
"Are you sure?" Tanong ko ..
"Yes .." sagot niya ..
Tapos tumahimik na ulit kami hanggang sa nakarating kami sa bahay .. umakyat agad siya sa kwarto namin .. lumapit sakin si Manang ..
"Kamusta na siya?" Tanong niya .. umiling ako ..
"Hindi niya ako kinakausap nang maayos .. ni hindi rin siya kumakain nang maayos .. tapos tuwing gabi naririnig ko siyang umiiyak .. pag tulog siya naririnig kong tinatawag niya ang anak namin at si Luisa .. Manang ang hirap .. hirap na hirap na ako .." sabi ko ..
"Hayaan mo nalang muna si Ruth .. buhay niya si Luisa .. isa siyang ina at kapatid .. malalagpasan din niya yun .." sabi ni Manang ..
"Sana .." sabi ko ..
"Sige na umakyat ka na sa kwarto niyo .." sabi ni Manang .. umakyat na ako at pagpasok ko sa kwarto narinig kong naiyak si Ruth habang hawak ang litrato ni Luisa ..
"Ang daya-daya mo naman eh .. sabi mo ako magsasabit nang medal mo .. sabi mo hindi mo ako iiwan .." sabi ni Ruth .. tapos nakita kong pinunasan niya luha niya ..
"Sabi mo iiwan na ako nang lahat pero ikaw never mo akong iiwan .. you promised me pero anong nangyari? Iniwan mo din ako .. una si Nanay tapos si Tatay sumunod si Art tapos si Mama ang anak ko tapos ngayon ikaw din .. sayo ako humugot nang lakas nang loob para mabuhay .. para magsumikap .. lahat nang yun ginawa ko para sayo .. "
"Mahal na mahal ka ni Ate .. ikamusta mo ako kay Tatay ha? Sabihin mo na mahal na mahal ko siya .. "
Lumabas ako sa kwarto pero pinapakinggan ko parin si Ruth ..
"Ang daya daya niyo naman ni Tatay eh .. iniwan niyo ako .. lagi nalang ba akong iiwan nang mga mahal ko? Lagi nalang ba akong masasaktan? "