Ruth's POV
It's been two weeks since natapos yung kasal namin and I am 1month and two weeks pregnant .. nasa pilipinas na kami .. actually si Mama ang pumilit samin na umuwi na kami ..
Nasa mall ako kasama ko si Mama at Luisa .. were having girl bonding ..
"Alam mo ang ganda nang pagpapalaki mo kay Luisa .. she's a smart, talented, beautiful and a polite girl .. just like you .." sabi ni Mama .. umiling ako .. nakaupo kami sa labas nang arcade house .. habang si Luisa naglalaro sa loob tinitignan namin siya ..
"She's way more beautiful than me .. " sabi ko ..
"Kung nabubuhay lang sana ang anak ko at ang Papa ni Crevette .." sabi ni Mama .. I hold her hand ..
"Don't worry ma .. I know masaya na sila katulad ni Tatay .. nandito naman kami ni Luisa .." sabi ko ..
"Salamat anak .." sabi ni mama ..
"Teka gutom ka na ba? Baka nagugutom na kayo nang apo ko ah?" Sabi ni mama ..
"Hindi pa naman po .." sabi ko .. tapos napatingin ako kung nasaan si Luisa .. pero hindi ko siya makita .. agad kong hinawakan si mama ..
"Mama .. si Luisa nakita mo?" Tanong ko ..
"Ha? Diba nasa loob lang siya kanin---- oh my God nasaan na siya?" Tanong ni mama .. agad akong tumayo ..
"Mama hanapin natin siya .." sabi ko ..
"Sige pero hindi tayo pwedeng maghiwalay .. baka mapaano ka .. " sabi ni Mama ..
"Mama please hindi alam ni Luisa kung paano umuwi .. hanapin natin siya please ma .." sabi ko .. kulang nalang umiyak ako makita lang si Luisa .. pumayag din si mama na maghiwalay kami nang paghahanap .. inabot nang 30mins wala parin akong nakikitang Luisa ..
Hanggang sa magkita kami ni mama wala parin si Luisa ..
"Ipapage na kaya natin?" Tanong ni mama ..
"Sige baka napa---" naputol yung sasabihin ko nang makita ko si Luisa ..
"LUISA!" Sigaw ko .. lumingon siya at ngumiti .. tumakbo siya palapit sakin ..
"Oh my God! Saan ka ba nagpunta?! Nakakainis ka! Mababaliw ako kakahanap sayo!" Sigaw ko ..
"Sorry ate .. kasama ko naman si Ate Jas .." sabi ni Luisa .. tapos lumingon siya .. "Nasan na yun?" Bigla niyang sabi ..
Lumapit si mama samin ..
"Luisa pinag-alala mo kami .. akala namin nawawala ka na .." sabi ni Mama ..
"Wag mo nang gagawin yun sa susunod ah?" Dagdag pa ni mama .. nag-OPO nalang si Luisa tapos umuwi na kami .. hinatid namin si Luisa sa penthouse tapos nagpunta kami ni Mama sa bahay nila .. dun ako nakatira ngayon .. si Mama ang nagsuggest gusto daw niya akong bantayan nang maigi para safe ako at yung apo niya .. minsan nga naiinis si Crevette kasi gusto ni mama siya lagi kasama ko .. ayaw ni Crevette gusto niya siya daw kasama ko kasi siya asawa ko .. tinatawanan ko nalang sila ..
"Saan kayo galing?" Tanong ni Crevette pagpasok namin sa bahay .. hinalikan niya si mama sa pisngi tapos hinalikan niya ako sa lips ..
"Nag mall kami .." sabi ko .. habang kinukuha niya yung paper bags na hawak ko .. tinignan niya ako mula ulo hanggang paa ..
Im wearing a simple blue with white dress above the knee pero hindi gaanong maiksi .. tapos black sandals na walang heels naka ponytail din buhok ko ..
"Why?" Tanong ko ..
"Just making sure na hindi ka nakaheels .." sabi niya .. tapos tumingin siya kay mama ..
"Anak hindi maiiwasan kung may lalaking mapapatingin sa asawa mo .. alam mo naman kung gaano kaganda ang asawa mo .. " sabi ni mama ..
"So kaya pala ganyan ka makatingin .. I see .. don't worry hanggang tingin lang sila .. " sabi ko ..
"See I told you not to bother .." sabi ni Mama .. tapos nagpunta siya sa kusina ..
Umakyat kami ni Crevette sa taas ..
"Muntik nang mawala si Luisa .." sabi ko ..
"What? Where's she?" Tanong ni Crevette ..
"She's with manang sa penthouse .." sabi ko ..
"Buti naman .." sabi ni Crevette ..
"Are you hungry? Tara kain tayo?" Sabi ni Crevette ..
"Im tired .. I just want to sleep .." sabi ko .. he kiss my forehead ..
"Sige .. tawagin mo ako pag nagugutom ka na .." sabi niya and I sleep ..
PLEASE VOTE AND COMMENT! THANKS.
