Chapter 46

1.3K 42 0
                                    

Ruth's POV

Binisita ko si Tatay sa puntod niya ..

"Tay! Kamusta ka naman?" Tanong ko ..

"Buntis na po ako .. magkaka-apo ka na po .." sabi ko pa ..

"Aalagaan ko po ang magiging anak ko katulad nang pag-aalaga niyo .. " sabi ko ..

"Miss na miss na kita tatay .. happy birthday .." sabi ko pa .. hinawakan ko yung lapida niya ..

"Sorry po hindi ko mapatawad si nanay .. ang sakit po kasi eh .." sabi ko .. pinunasan ko yung luha ko ..

"Pero wag po kayong mag-alala tay .. masaya na po ako ngayon .. kasi nandyan na si Crevette at ang magiging anak namin .. " sabi ko ..

Nagstay lang ako hanggang sa maghapon na .. tinignan ko phone ko ..

379 missed calls and 927 messages ..

SERIOUSLY?! What the f---

Binuksan ko yung message and I saw it's Camille ..

From Camille

Dumiretso ka sa Manila Hotel. A.S.A.P

Tumayo na ako at sumakay nang taxi papuntang Manila hotel .. naalala ko photoshoot na nga pala ngayon .. 2:30pm na nang makarating ako sa hotel .. pinaligo nila ako tapos inayusan na .. may nakita din akong nagvivideo ..

"Saan ka nagpunta?" Tanong ni Camille ..

"Kay tatay .. kinamusta ko lang .." sabi ko

"Akala ko kung napano ka na .. " sabi ni Camille ..

Inayusan lang ako ni Beyonce .. ewan ko parang bigla akong kinabahan .. like duh? Photoshoot lang naman gagawin ko sa isang wedding magazine ..

Tinignan ko yung ayos nang buhok ko .. nakataas siya then kinurl lang ni Beyonce .. sinuot ko yung silver earings ko at necklace na regalo ni tatay sakin dati .. suot ko din yung engagement ring ko inabot sakin yung gown ..

Eto yung dream wedding gown ko .. ang ganda .. tube siya na super white tapos may mga kumikintab na parang diamonds .. pa balloon yung gown and may mahabang trail .. sinuot sakin ni Beyonce yung tiara kasama yung belo ..

"Kung makapag-ayos kayo sakin akala niyo totoong kasal .." sabi ko .. I saw Camille smile ..

"Tara na?" Sabi ni Camille .. umoo nalang ako .. tapos bumaba kami sakay nang elevator .. naka dress na yellow si Camille at may green na flowercrown ..

"Mukha kang maid of honor eh .." sabi ko ..

"Hahahaha .. oo nga eh .." sabi ni Camille ..

Sumakay kami sa white na may flower sa unahan .. wow! Galing makatotohanan ah ..

Katabi ko si Camille ..

"I know you'll be a good wife to Crevette .." sabi ni Camille ..

"Kung makapagsalita ka naman akala mo ikakasal na ako .. huy may photoshoot lang ako .. kaloka ka .." sabi ko .. nakita kong nagpunas nang luha si Camille ..

"Basta gusto ko be happy .." sabi niya .. "Pag may problema ka sabihan mo lang kami ah? Nandito kami for you .." dagdag pa niya ..

"Why do I have this feeling na totoong kasal ko ngayon .." natatawang sabi ko .. kaso imposible kasi dapat alam ko na kasal ko ngayon diba?

4:30 nang tumigil ang sasakyan sa tapat nang simbahan .. ANO DAW?! SIMBAHAN?!

Tinulungan ako ni Camille makababa .. sarado yung pintuan nang simbahan ..

The Innocent Temptation1: ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon