CHAPTER 12

1.8K 40 0
                                    

12th Chapter

Ashmiya Michaella


Monday na ngayon.


Nandito ako sa may cafeteria at kumakain dahil di ako nakapag-almusal sa bahay coz out of stock na ang mga pagkaen dun. Di pa ko nakakapag-grocery. Sabi ko naman kasi kay kuya, maghire na siya ng katulong para may nag-aasikaso nang mga bagay na 'yon eh.


"There she is!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Fudge, sila Shai.


"Hi. Hehe." Bati ko nang tignan ko sila na umupo sa upuan na katapat ko.


"Good morning, Ella." Nakangiting sabi ni Myka. Nakakahawa talaga yung ngiti ng babaeng 'to. Ngumiti rin ako "good morning, Myka."


"Maya na kayo magbatian! May kailangan kang ipaliwanag, Ella." Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi ni Shai.


"Oo nga, Ella. Ano yung nabalitaan namin na magkasama kayo ni Finnley nung isang gabi?" Myka


Patuloy lang ako sa pagsubo nang kinakain ko habang nakatingin kunwari sa may tv dito sa cafeteria. Flat screen tv by the way.


"Kayo na ba?"


"Kailan pa?"


"So, joke mo lang na hindi mo siya type? Na wala kang interes sakanya?"


"Kala ko ba kaibigan mo kami, bakit-'' tinaas ko ang hintuturo ko sabay tapat sa may bibig ko kaya tumahimik yung dalawa. May flash report kasi. And may kutob ako kung ano 'to.


"Natagpuang patay ang kilalang corrupt na businessman na si Mr. Escadro Heralco sa isang bakanteng lote kaninang madaling araw. Nabaril si Mr. Escadro sa tapat mismo ng kanyang puso at may kutsilyong nakita sa kanyang noo na nakatarak..."


Pakiramdam ko bigla akong kinilabutan sa narinig ko. Naalala ko yung krimen na nasaksihan ko dati. Ang tagal na pero parang bago lang sakin ang lahat.


Isang tao lang ang pumasok sa isip ko dahil sa narinig ko. Si Finnley.


Siya kaya ang may gawa 'non?


"Ella, ano na naman iniisip mo?" Napatingin na ko this time kila Shai na nakakunot na ang mga noo habang nakatitig sakin.


"Ahaha, wala naman. Ano nga ulit ang pinag-uusapan natin?"


Sabay silang nagbuntong hininga at napahawak sa may mukha nila habang umiiling iling.


"Wala tayong mapapala dito, Myka. Tara na." Tumayo silang dalawa. "Teka, saan kayo pupunta? Kala ko may sasabihin kayo?" sabi ko.


"Next time na. Nawala na ko sa mood. Kita kits sa classroom."


Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon