CHAPTER 3

2.7K 49 0
                                    

3rd Chapter

Ashmiya Michaella

"Yes, yes, papunta na ko. Sige, see you," inend ko agad yung tawag ni Manager Qyu. Sumasakit ang ulo ko. Kung hindi ko lang kailangan ng extra money, hindi ko tatanggapin ang mga photoshoots na 'to.

Ilang sandali lang, nakarating na ko agad sa venue ng photoshoot namin. Iniwan ko sa isang tabi yung school bag at cellphone ko. Lumapit sakin si Manager Qyu at pinapasok ako sa dressing room at pinaayusan na. In ten minutes, mag-iistart na daw yung shoot.

"Manager, sino kapartner ko this time?" tanong ko habang nakatingin sakanya na kita sa salamin sa harapan ko. Inalis niya yung tingin niya sa tablet niya at tumingin sakin. Bigla siyang tumayo at lumapit sakin, inabot niya sakin yung tablet. Napangiwi naman ako nang makita ko kung sino. The arrogant Jack Stephen.

"Bakit siya pa? I don't like him. Kung anu-ano sinasabi niya sakin while the shoot is ongoing last time," binalik ko sakanya yung tablet.

"We can't do anything about it, Ash. Yun ang gusto ng head ng Orion magazine. He also said na bagay kayo para sa theme this month."

Tumayo ako para maisuot sakin yung sweater na kita ang tiyan ko. "That's not true. Siya lang ang bagay sa theme na 'to. Bagay na bagay dahil sinisigaw ng mukha niya ang pagiging gangster."

Napatingin kami sa pintuan nung may kumatok. "Manager Qyu, okay na po ba si Ash? Magsstart na daw po."

"Yeah, susunod na siya." I rolled my eyes dahil sa sinabi ni Manager Qyu. She looked at me and mouthed the words 'be a good girl' at saka niya ko kinindatan.

Be a good girl my foot. That arrogant jerk don't deserve to be treated well.

Someone

"Oo, he's heading that way, Knight. Kill him, that's your mission for tonight."

Itinago ko na ang cellphone ko at isinuot ang black coat. Sinuot ko na rin ang white mask bago ako umakyat sa building na nasa harapan ko. Sabi ni Ner, dito daw ang daan nung lalakeng 'yon. Siya na nga ba kaya ang hinahanap namin? For sure, he's one of the most wanted killers in this town. He should be killed for killing those young lives of five children and their parents. Ang pamilya ni Manang Doray.

Hindi ko rin 'to gusto pero wala akong magagawa. Masyado nang bukas ang isipan ko sa mga bagay na 'to, sa mga bagay na hindi nabibigyang hustisya.

I don't have a choice also, binuksan niya ang isipan ko sa paraang ito. Sinabi niya sakin na ito lang ang paraan para makamit ko ang hustisyang inaasam ko. Itinuro niya sakin ang paraan niya.

My phone vibrated once again. Oxel is calling. One of my comrades.

"Xel, what's wrong?" I asked him. Inaayos ko na ang mga gagamitin ko para mamaya. Ilang minuto na lang at papunta na rito ang target namin.

"Knight. Do your best. Remember, you've been waiting for this day. Gusto mo ng katarungan para sa lahat, diba? At kailangan mong sumunod sa utos niya." I closed my eyes, thinking the things that I really want and his command.

I have three reasons kung bakit ko 'to ginagawa. Kung bakit ako pumapatay ng tao.

First, I want justice for what happened in my Ma, Pa, Krey and Hannah. The family who adopted me.

Second, Manang Doray's family was murdered and I also want to have a revenge for it. Naging malapit siya sakin, sa sobrang lungkot at hinagpis sa nangyari sa pamilya niya she killed herself.

And third, because it's the command of my real father.

"Knight?"

"Ah, yes. I'm here. Don't worry, Xel. I'll be fine. I've been doing this for 3 years, remember? Please tell Ner that he doesn't need to worry about me."

"Okay. Call us when you need help. And don't let others see it," Xel said. I said my good bye before ending the call.

I glanced at my wrist watch. 6:20 pm, he'll be here in a few minutes.

Ashmiya Michaella

I'm on my way home. Di na ko nagpahatid kay Manager Qyu samin kasi dumaan pa ko sa convenience store para bumili ng favorite Double Dutch ice cream ko. Nagtext sakin si Kuya Vin, hindi daw siya makakauwi dahil may photoshoot sila hanggang mamayang madaling araw. Ayos naman para sakin dahil di niya ko mahahatian sa ice cream ko. Yey!

"WAG KANG LALAPIT!"

Napahinto ako sa paglalakad. What was that? Lumingon-lingon ako sa paligid. Nakakarinig ako nang nagtatakbuhan. Tinignan ko kung nasaan pero wala naman akong makitang tao. Ako lang ang nandito. I glanced at my wrist watch, 9:30 PM na pala. Normal na wala nang katao-tao pero hindi ko lang hallucinations yung narinig ko diba? May sumigaw talaga.

*boooooooooooogsh!

Mabilis akong tumakbo kung saan nanggaling yung tunog. May bumagsak na hindi ko alam kung ano. Nung makarating ako sa pinanggalingan ng tunog, wala akong makita. Masyadong madilim at tanging kaunting liwanag lang ng buwan ang makikita lalo na nasa loob ako ng eskinita. Ang tapang ko para pumunta pa ko dito. Siguro ito rin ang nakuha ko sa panonood ng assassin na movies. Natuto akong maging matapang.

Tatalikod na sana ako at aalis na nang biglang may humawak sa kaliwang paa ko.

I felt myself being numb as I was looking at the one who was holding my right foot. Nagkaroon nang kaunting liwanag dahil sa buwan. Sobrang nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig sakanya. He is looking at me, like asking for my help, may dugo siya sa ulo niya na tumutulo pababa sa may mukha niya.

I don't know what to do. Hindi ko maigalaw ang kahit anong parte ng katawan ko. Plus, nakahawak pa siya sa kaliwang paa ko. I can't avert my gaze at him, parang may magnet ang mga tingin niya sakin. Unti-unti ko nang nararamdaman ang kaba at takot.

"T-tulungan mo ako..." he said. Mahinang-mahina siya. I want to help him pero gaya nga ng sabi ko kanina, hindi ko magalaw ang katawan ko. Huminga ako ng malalim. I really want to help him, he needs my help that's for sure. Pinilit kong igalaw ang kanang kamay ko, aabutin ko na sana ang kamay niya nang biglang may isang kumikinang na bagay ang biglang bumagsak mula sa itaas at tumusok sa noo niya. Lalong nanlaki ang mga mata ko. W-what is that? A silver knife?!

Dahan-dahan kong inalis ang tingin ko sa lalakeng humihingi sakin ng tulong kanina na ngayon ay alam kong patay na. He's dead, he's already dead. Wala na siya, nakasara na ang mga mata niya at hindi na gumagalaw ang dibdib niya, hindi na siya humihinga. I just witnessed a crime. Nang maproseso na ng isip ko ang nangyari, bigla na lang akong napaupo sa takot at gulat. Hindi ko alam saan ako nakakuha ng lakas na iangat ang ulo para tignan kung may tao sa itaas.. there I saw a guy with a white mask na naka-all black with knives in his hands.

I felt like my breath being taken away. Dali-dali kong iniwas ang tingin ko sakanya at saka ako dahan dahan tumayo at umatras mula sa bangkay na nasa may paanan ko. Mabilis na ang nagiging paghinga ko, I need to get out from here. He saw me! The killer saw me! Nakita niya na nakita ko ang lalake kanina. Nakita niya na nakita ko kung paano ito binawian ng buhay. Nakita niya na nakita ko siya na may hawak ng kutsilyo. HE WILL DEFINITELY KILL ME!

I continue to walk backwards, not looking away from the direction of the man in black na nakatayo lang at parang pinapanood ang bawat mga kilos ko.

I need to get away from here; I don't want to be killed. Hindi ko ginusto ang nakita ko. Hindi ko naman sadya!

Tumakbo ako palabas ng eskinita. Damn! Ang hirap tumakbo lalo na at naka-boots pa ako with three inches heels. I hope hindi niya ko masundan! Ayoko pa talagang mamatay!

Kung saan-saan na ko dumaan. Kailangan ko siyang mailigaw. Kailangan mawala ako sa paningin niya dahil kung hindi, ito na ang katapusan ng buhay ko.

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon