CHAPTER 66

1K 29 6
                                    

Ashmiya Michaella


Pagkatapos naming magquiz, maaga kaming pinalabas ng professor namin kaya nandito kaming dalawa ngayon ni Calyx sa mall. Napakainit ngayon kaya tambay muna kami dito, tutal naman 10 am pa lang, ang next subject pa naman ay mamayang 2 pm pa.


"Love, cookies and cream?" inangat ko yung ulo ko para tanguan si Calyx.


"Got it. Wait here, love." At tumayo na rin siya para umorder sa may counter.


Nangalumbaba ako, naaalala ko yung mga sinabi ni Kuya Vin sakin kanina bago ako umalis. Sana naman hindi magkakatotoo yung naiisip ko, diba?


He promised to me that he will never leave my side no matter what.


"Love?"


Napapikit ako at pinukpok ko ang ulo ko gamit ang mga kamay ko. Kailangan matigil 'tong pag-iisip ko ng mga bagay na walang kakwenta-kwenta. Walang magandang madudulot kapag inisip ko pa 'yon. I need to trust Kuya Vin. He loves me, hindi niya ko iiwan, hindi niya hahayaan na maging mag-isa na lang ako.


"Love!" napakurap ako nang pumitik ang kamay ni Calyx sa harapan ko. "Mukhang malalim ata ang iniisip mo ah? May problema ka ba, love?" tanong niya at pagkatapos ay sumubo siya ng isang scoop ng ice cream niya.


I smiled bago ko hawakan yung spoon ng ice cream ko. "Ah, wala 'to. Don't worry about me. I'm fine." Pagsisinungaling ko.


Iniwas ko ang tingin ko dahil parang ayaw maniwala ni Calyx sa sinasabi ko. Alam ba niyang nagsisinungaling ako ngayon?


"Ashmiya."


Napatingin ako sakanya. "Hmm?"


"You are hiding something. Ano 'yun?"


Nawala ang ngiti sa labi ko. He really knows me.


"I'm just worried. Parang adik kasi si Kuya Vin kanina, kung anu-ano sinasabi. Ang tindi magdrama. Parang iiwan niya ko." Malungkot kong sabi.


Hinawakan niya yung kaliwang kamay ko at hinalikan ang ibabaw nito. "Ashmiya, don't think like that. Hinding hindi ka iiwan ng kuya mo. We all know how much he loves you."


I nod my head to say that i agreed with him.


Naglibot-libot lang kami saglit ni Calyx sa mall, gusto pa nga niya kong bilhan ng kwintas but i said no. I'm already satisfied with the two rings in my hand right now. Di ko na kailangan ng iba pa. Even without this, as long as my loved ones are here labis na kong nagpapasalamat nun. How i wished that they'll be by my side forever.


Pagkabalik namin sa school, nagulat kami nang makita naming nag-aaway si Shailyn at Layner. Whoa, may bago pa ba? Para silang aso't pusa lalo na ngayong pumapasok muna sila Paris, Natasha, Daphne at Nathan dito sa D.H.U.

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon