CHAPTER 39

1K 18 0
                                    

Jack Stephen on the multimedia.


39th Chapter

 

Calyx Finnley

Maaga akong gumising para maaga rin akong makapunta sa D.H.U. Pagkakain ko, naligo ako pagkatapos at gumayak na para lumabas. Namimiss ko na si Ashmiya, ano bang ginawa sakin nung babae na 'yon at kakakita pa lang namin kagabi pero gusto ko na siya ulit makita at mayakap ngayon. Putek, tinamaan ako nang matindi sakanya.

Sinuot ko na yung sapatos ko at lalabas na sana ako nang biglang may nagdoorbell. Hindi na ko nag-abala pang silipin kung sino 'yon binuksan ko na lang agad yung pinto. Biglang nagbago mood ko. Umagang-umaga nababadtrip ako. Tangina.

"Calyx." Niyakap niya ko kaagad, pilit kong inaalis yung braso niya nakayakap sakin. "Calyx, I'm so sorry. Wag mo naman gawin sakin 'to, please."

Naialis ko na yung pagkakayakap niya sakin.

"Paris, diba nag-usap na tayo? Diba sinabi ko na ayaw ko na sayo? Hindi ko kayang saktan si Ashmiya. I don't care kung galit si dad ngayon. I can do everything to fight for us. Ipaglalaban ko si Ashmiya hanggang sa huli."

Natulala siya sa sinabi ko. Nakita kong may tumulong luha galing sa kaliwa niyang mata. Napa-tsk ako nang mahina, tangina makakakita ko na naman ba siya na umiiyak? Sabi sa Psychology, kapag sa kaliwang mata unang tumulo yung luha ibig sabihin that person feels grief and sadness. Paris is hurt right now.

Pero, what can I do? Hindi ko na siya mahal. Hindi na siya ang babaeng nagpapatibok ng puso ko kundi si Ashmiya.

"You love her that much, Calyx?" nakayuko niyang sabi. "Pero hindi kayo pwede! Hindi kayo pwede kaya please give me another chance! Hindi na kita iiwan. Hindi na ko aalis. Mahal kita, Calyx! Mahal na mahal! Please come back to me!"

Biglang kumulo ang dugo ko. "Anong sabi mo?" lumapit ako sakanya na may galit sa mga mata. "Walang makakapagsabi kung pwede kami o hindi ni Ashmiya! Only the two of us will decide that! Hindi ako susuko! Wala akong pakialam kung hindi kami pwede, I can do anything kahit na ang pumatay ng taong hahadlang sa pagmamahalan naming dalawa!"

Kitang kita ko ang gulat sa mga mata ni Paris.

"Calyx, n-nagbago ka na. Hindi ka naman ganyan dati."

Napangisi ako. "Hindi ako nagbago. Eto ang totoong ako, Paris. Handa akong pumatay para samin ni Ashmiya."

At naglakad na ko palayo sakanya. Totoo ang sinabi ko kay Paris, gagawin ko ang lahat kahit na ang pumatay para sa amin ni Ashmiya. Walang makakahadlang samin. Kahit ang sarili kong ama.

—-

Ang tagal naman ni Ashmiya pumasok. Kanina pa ko dito nakatambay. Kanina pa nga nagpapacute sakin 'tong mga babae na 'to, eh. Kung hindi lang dito bumababa si Ashmiya—hindi ko pagtitiyagaan ang mga malalagkit na titig nila sakin.

I want to see her and hug her tight, gusto kong magcelebrate kami mamaya dahil nagawa ko na ang gusto ko. Napatay ko na ang mga taong pumatay kila Krey at Hannah at sakanilang Mama at Papa—ang pamilya na umampon sakin at nagpamalas sakin kung paano ang pagmamahal ng isang pamilya.

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon