CHAPTER 8

1.9K 42 0
                                    

8th Chapter

Ashmiya Michaella

"Bakit tayo nandito?" tanong ko.

Nandito kami sa isang condo unit. Hindi ko alam kung bakit dito niya ko dinala. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa kokote ko at sumama ako sa kanya dito.

"Bakit ayaw mo umupo?"

"Hindi na kailangan. Ano bang sasabihin mo? Bakit kailangang dito pa tayo mag-usap?" seryoso kong sabi.

Nakita ko siyang umalis sa pagkakaupo sa sofa niya at lumapit sakin. Tinitigan niya ako ng limang segundo at saka lumapit ng refrigerator. Kumuha siya ng dalawang can ng beer, inalok niya ko pero tumanggi ako.

"Hoy, manyak. Bilisan mo, gabi na kaya. Ano ba kasing sasabihin mo?"

"Manyak? Ako? Eh ikaw nga huma-''

"SHUT UP! Oo na! Wag mo na ulitin!" I glared at him. Papaalala niya na naman kasi yung nakakahiyang ginawa ko! Ugh!

"Haha, chillax. Maupo ka nga kasi muna."

Sinunod ko na lang ang gusto niya. Gusto ko nang umuwi. Kanina pa ko tinatawagan ni Kuya Vin. Nangako kasi ako na uuwi ako ng maaga. Pagluluto niya raw ako ng favorite kong carbonara. Ang sweet ng kuya ko 'no?

"Spill it."

"Oo na, eto na," nakangiti niyang sabi.

Ilang minuto ng katahimikan ang naghari, nainip ako sa kahihintay sa sasabihin niya kaya nilibot ko ang tingin ko sa paligid. May nakita akong mga picture frames, may nakita akong isang pamilyar na mukha pero di ko alam kung saan ko yun nakita. Binalik ko yung tingin ko kay manyak--bigla akong nakaramdam ng kaba. Wala na yung ngiti niya kanina.

Nakakatakot ang itsura ng mukha niya ngayon.

"H-hoy, bakit seryoso ka na?"

Napalunok ako nang tumingin siya sakin. "This is the real me."

Oo nga pala. Bakit hindi ko naisip na nagpapanggap lang siya kanina? Muntik na nga niya kong patayin, diba?

"Ahh, g-ganun ba?"

"Ako ang pumatay sa lalake na 'yon three months ago." Tumayo siya mula sa pagkakaupo at dahan-dahang lumapit sakin. Mas lalo akong kinabahan.

"At nakita mo ang ginawa ko." Sabi niya pagkalapit niya sa harapan ko.

Ano bang gusto niyang sabihin?

"Dahil nakita mo ang ginawa ko..." itinaas niya ang ilalim ng baba ko gamit ang isang daliri niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko "...hindi ka na pwedeng mabuhay."

Awtomatiko ko siyang naitulak at tumayo ako at lumayo sakanya. Papatayin na ba niya ko?

Palapit siya sakin habang nakapamulsa. Todo atras naman ako. Bakit ba ko sumama sakanya dito?! Stupid, Ella! Bakit di mo naisip na dito ka niya papatayin?!

"W-wag kang lalapit," nauutal kong sabi. Seryoso, malapit na kong maiyak. Kayang kaya niya kong patayin at alam kong gagawin niya talaga 'yon. "H-hindi naman kita isusumbong."

Ngumisi siya. "Kabisado ko na 'yan. Ganyan lagi sinasabi ng mga taong takot mamatay."

"H-hindi talaga! M-maniwala ka naman sakin."

"Alam mo kung di mo lang nakita yung ginawa ko nung gabi na 'yon di naman kita papatayin," nakita ko siyang lumapit sa may cabinet may kinuha siya na kung ano doon. Tatlong kutsilyo-katulad nung nakita ko nung gabi na 'yon.

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon