CHAPTER 13

1.6K 43 0
                                    

13th Chapter

Ashmiya Michaella

"Ahh, hindi mo naman kailangang sagutin kung ayaw mo," sabi ko. Nakita ko kasi na parang may mabigat siyang dahilan kung bakit niya ginagawa ang bagay na 'yon. Kung bakit siya naging assassin.

Nagulat ako nang lumapit siya sakin at hinawakan ako sa kamay.

"Sumama ka sakin."

"H-ha?"

Hindi na ko nakapalag dahil tumakbo siya bigla, awtomatikong napatakbo rin ako dahil ayoko namang makaladkad na lang. I need to take care of my skin, kahit part time model lang ako, malaki pa ring factor 'to sa pag-m-model 'ko.

∞ © ∞ © ∞ © ∞ © ∞

Napahawak ako sa buhok ko. Ang hangin kasi dito sa pinuntahan namin. Sa rooftop niya ko dinala. Nakaupo na siya habang ako nakatayo at nilalasap ang malamig na simoy ng hangin dito.

"Bakit mo ko dinala dito?" tanong ko. Nakatayo pa rin ako at nakatingin sa mga itaas ng bahay at buildings na matatanaw dito sa rooftop.

"I will tell you my reasons for being assassin."

Dahil sa sinabi ni Finnley, umupo ako sa tabi niya. Seryoso, sasabihin niya sakin?

"You know, hindi mo kailangang sabihin sakin kung ayaw mo, Finnley."

"Ayos lang, Ashmiya. Gusto ko ring malaman mo. Gusto ko ring ibalik ang magandang tingin mo sa mga assassins."

Napakurap ako at tumingin sakanya. "What do you mean?"

"I saw you last time, sinunog mo lahat ng books and dvds mo about assassins."

Napanganga ako. Nakita niya 'yon?

"Napadaan kasi ako sa may inyo. Nakita ko na madami kang dala at napansin ko rin na all about assassins yun, books, posters, dvds. Hindi mo dapat ginawa 'yon. Sorry for making assassins bad to your point of view," hindi ko maialis ang tingin ko sakanya. Kitang kita ko na sincere siya sa mga sinasabi niya.

"No worries, Finnley. Ayos lang ako. For the part of my interest about assassins...err, pwedeng wag muna nating pag-usapan? Medyo di pa kasi ako nakaka-move on about them, eh."

Nginitian niya ako at nagulat ako nang tinap niya ang ibabaw ng ulo ko.

"Sorry. Let me explain to you why I became assassins at kung bakit ko nagawa ang bagay na 'yon sayo."

Hindi na ko sumagot, tinignan ko lang siya nang ilang segundo at tumingin na ko sa harapan ko at ngumiti.

"Anong gusto mong unahin ko, kung bakit ako naging assassins o yung dahilan kung bakit ko nagawang takutin ka?"

Tumingin ako sakanya. "Ahh, yung una na lang." Di pa ko ready malaman kung bakit niya ko tinakot ng ganon.

"Sige. I only have three reasons kaya ako naging assassins. Una, dahil gusto kong maghiganti sa mga taong pumatay kila Mama, Papa, Krey at Hannah."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ohmayghad! Hindi ko sadya na ungkatin pa ang masamang alaala na 'yon.

"Second-''

"STOP!"

Tumaas ang kilay niya dahil sa ginawa kong pagsigaw.

"Ahh, ehh, w-wag mo nang ituloy. A-ayoko nang marinig. Sorry for making you remember that nightmare."

"It's okay. I want you to te-'' tinakpan ko ng kanang palad ko yung bibig niya.

"Stop, Finnley. I don't want to hear it anymore." Ayoko, hindi ko na ata kaya. Naaalala ko lang yung nangyari kila Mommy. Parehas kami ni Finnley, wala na kaming magulang.

Inalis niya yung pagkakatakip ko sa bibig niya. Hindi niya binitawan ang kamay ko, inintertwined pa niya ang right hand ko at left hand niya. Fudge, umaabnormal ang heartbeat ko.

Iniwas ko kaagad ang tingin ko sakanya. Kasi any minute from now-any second pala baka matunaw na ko. Feeling ko kasi tagusan ang tingin niya sakin ngayon, eh.

"Gusto kong malaman mo ang mga dahilan ko, Ashmiya. Hindi lang ako basta bastang assassin." Parang nagsusumamo yung mata niya sakin.

"Ahh, ehh, s-sige na. I-Ipagpatuloy mo na." Shet, bakit ako nauutal?!

I heard him chuckle. Pinagtatawanan niya siguro ako. Asar!

"Walang nakakatawa." Naka-pout kong sabi at inalis ko yung pagkaka-intertwined ng mga kamay namin.

"Cute mo. Haha!"

"Aish, tuloy mo na!"

"Oo na po, eto na." Tapos ginulo pa niya ang buhok ko kaya inayos ko pa tuloy. Lakas talaga mambwisit nito. Psh.

"My second reason is, gusto kong makatulong sa mga namatay at naiwan nilang mga mahal sa buhay na humihingi ng hustisya. Napansin kong hindi kayang ibigay ng mga pulis o mga tao sa gobyerno ang kahilingan nila kaya hindi ako nagdalawang isip na pasukin ang trabaho na 'to."

Pinapakinggan ko lang mabuti ang sinasabi niya.

"Ang pamilya nila Krey at Hannah, sila ang nagpalaki sakin. Pero nang dahil nga sa nangyari sakanila, naulila ako agad. May lalakeng kumupkop sakin at nagpakilalang siya ang tunay ko daw na ama. Ilang beses akong sumubok magpakamatay pero parang ayaw pa ni kamatayan sakin kaya ilang beses rin akong bumabalik sa buhay."

"Nagsuicide ka dati?!" Sigaw ko.

"Oo, here." Hinubad niya yung black na bracelet niya at pinakita niya sakin ang mga marka na naglaslas nga siya dati. Napayuko ako. "Mukhang hindi naging madali sayo ang lahat. Sorry for judging you."

"Okay lang. Talaga namang masama ang tingin sa mga assassins, diba? Normal lang na maging masama ang tingin mo sakin lalo na at nakita mo pa kung pano ako pumatay at tinakot pa kita." Tatawa-tawa niyang sabi.

"No!" Napatingin siya sakin. "Hindi. Hindi ganun 'yon. Hindi lahat ng assassins masama. Tulad mo. Hindi ka masama."

"Ashmiya..."

"Hindi ka lang naman basta basta pumapatay eh. Diba? May mga dahilan ka kung bakit mo yun ginagawa. Gusto mong makatulong kahit na alam mong di mo na mababalik ang buhay ng mga namatay pero kapag ikaw ang nagbigay ng kaparusahan sa mga walang pusong mamatay tao na hinuhuli mo, kahit hindi yung mga namatay kahit yung pamilya lang na naiwan nila mapapasaya mo na sila kahit papano. Mabibigay mo ang hustisya at katahimikan na inaasam-asam nila. You are the kind of assassin who is good, who is killing someone for the sake of others who need your help. That others na hindi kayang makuha ang hustisya na hinahangad nila."

"Ashmiya." Niyakap niya ko. "You don't need to cry for me."

Ngayon ko lang naramdaman na nababasa na pala ng luha ko ang pisngi ko. Na umiiyak na pala ako.

"Hindi naman ako umiiyak dahil sayo eh." Inangat ko ang kamay ko papunta sa likod niya at niyakap ko rin siya.

"Eh bakit ka umiiyak?"

Pumikit ako at ngumiti. "Because my wish came true. I found an assassin who can help me find the person who killed my parents and Euka. You will find him and kill him for me, right?"

Humigpit ang yakap niya sakin. "I will, Ashmiya. I will."

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napaayos kaming dalawa ni Finnley.

"What?" sabi ko sa kabilang linya sabay punas ng pisngi ko.

[ Wala pa kayong balak pumunta sa classroom? Matatapos na po ang lunch break. ]

Napatingin tuloy ako sa wrist watch ko. Shet, oo nga!

"Sino 'yon?" tanong ni Finnley.

"Si Shai. Tara na. Malapit na ulit magklase."

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon