EPILOGUE

2.2K 37 1
                                    

Author's Note: Last chapter of Her First and Last Love na po 'to. Thank you very much sa lahat nang nagbasa! Sorry sa mga pagkakamali sa story na 'to. Hehe. Thanky again, guyseu!~


PS. Shoutout sa HFALL Family ko na squad goals talaga. I love you, guys!!! Salamat sa pagsuporta nito!! :) You are the best for meeee!! <3 #HFALLSquadGoals


—-


Calyx Finnley


Bago ko paandarin ang kotse, tinawagan ko muna si Earl pero hindi ko siya makontak. Pati si Layner, di ko rin makontak. Nasaan kaya yung dalawa na 'yon?


Kailangan kong bumalik sa condo unit namin para kunin ang mga gamit ko. Wala akong balak na sumugod doon na walang dalang armas. Ayoko pang mamatay. Ayokong iwan si Ashmiya. Papakasalan ko pa siya.


Pinaandar ko na ang kotse ko papunta sa condo naming tatlo. Nagsend rin ako ng text message kay Earl para sabihing kailangan naming mag-usap na tatlo sa unit namin. I need to tell them what will I do. Kung may mangyari man na masama sakin, sila lang ang pwedeng mag-alaga kay Ashmiya.


After 10 minutes, nakarating na ko. Pagka-park ko ng kotse, bumaba ako agad at tumakbo papunta sa unit namin. Pagkapasok ko, nakita ko na yung dalawa na nasa loob. Si Earl nakaupo sa may sofa habang si Layner nakasandal sa pader at nakatingin sa may labas.


Lumapit ako sa kinaroroonan ni Earl at inangat niya ang mukha niya sakin. Hindi nakangiti ngayon si Earl na palagi niyang ginagawa. Napangiti ako, maybe he saw what i'm planning?


"Calyx, hindi maganda 'tong gagawin mo. Baka ikamatay mo yan, pre." Nag-aalalang sabi sakin ni Earl.


Umupo ako sa tabi niya saka ko tinignan si Layner na samin na ngayon nakatingin. Sinandal ko ang ulo ko at pumikit. Sa tingin ba nila, may pagpipilian pa ba ko?


"Oy, Layner. Pigilan mo 'tong gago na 'to." Inis na sabi ni Earl. "Sayo lang naman 'yan nakikinig. Tsk." At tumayo siya at lumabas ng veranda.


"Desidido ka na ba sa gagawin mo?" tanong sakin ni Layner.


Tumingin ako sakanya. "I'm sure of it, Layner. Sino pa bang gagawa nito kung hindi ako lang naman, diba? My father need to be stop. Marami na siyang kinuhang buhay. I can't tolerate him anymore, baka mamaya si Ashmiya na ang patayin niya. Uunahan ko na siya."


"Papatayin mo ang sarili mong ama?"


Iniwas ko ang tingin ko. Ikinuyom ko ang mga kamay ko at pumikit sandali bago muling idilat.


"Mas matatahimik ako kung ako ang tatapos sa buhay niya. Gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pamilya ni Ashmiya. Sigurado akong ang ama ko rin ang nagpapatay sa kuya niya. That's why I will kim with my own two hands rather than Ashmiya will kill him."


"Hah. Ayaw mong matulad si Ashmiya sayo?" Nakangising tanong ni Layner.


Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon