CHAPTER 26

1.2K 25 0
                                    

26th Chapter

 

Ashmiya Michaella

Lunch break na namin.

Papunta na ko sa may student lounge para makipagkita kay Pier. Mag-iingat na lang ako ng doble. Hindi na lang ako maniniwala agad sa mga sasabihin niya. Yun ang gusto ni Calyx, eh.

"Hi, Michaella."

Napakurap na lang ako nang makita ko siya sa harapan ko. Ang bilis naman niya ata makarating dito? Eh mas malayo ang building niya kesa samin.

"Ahh, hi. Tara na?"

Sumabay siya sa paglalakad ko. Sa bawat dinaanan namin, sinabi ko sakanya kung ano ang mga tawag sa lugar na 'yon. Mukhang di naman siya nakikinig kasi sakin siya lagi nakatingin. May gusto ba sakin 'tong lalake na 'to? Sinayang ko lang ata ang oras ko sa pagsama sakanya.

Nandito na kami ngayon sa mga bleachers sa may soccer field. Tapos na kaming mag-ikot. Napagod ako kakadaldal, ah. Kainis lang kasi parang wala namang pakialam 'tong kasama ko sa mga sinasabi ko sakanya. Tss.

 

"Michaella," napaikot ako ng mata dahil sa tinawag niya sakin.

Ngumiti lang ako ng pilit sakanya. "Natandaan mo ba yung mga lugar na pinuntahan natin, Pier?"

Tumango lang siya at nakatingin pa rin siya ng diretso sakin. Iniwas ko na lang ang tingin ko. Di ko feel ang way ng pagtingin niya sakin.

Napatingin ako sa wrist watch ko. May thiry minutes pa kong free. Kumain na kaya si Calyx? Galit pa rin kaya siya sakin?

Tumayo ako. "Ahh, Pier. Alam mo naman na siguro ang pabalik sa building niyo noh?" tingin ko kasi niloloko lang ako ng lalake na 'to. Bakit naman ako nagpaloko? Imposibleng hindi niya pa alam ang mga lugar dito, dahil nakapunta nga siya sa classroom namin which is ang lugar na pinakamahirap hanapin.

"No, I don't. May lakad ka ba?" Nahalata naman pala niya.

"Ahehe, oo, eh. Pupuntahan ko si Calyx."

Naramdaman kong hinawakan niya ang kanang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.

"Hindi ba pwedeng sakin muna ang oras mo? Kahit hanggang 12 lang?" Nagmamaka-awa niyang sabi.

Umupo ulit ako. Sheesh! Bakit ako nagpadala sa paawa effect niya? Grr! Lesson learned: Wag na wag titingin sa mata ni Pier Andrei Sinco dahil nanghihypnotize ito!

"Ahh, Pier, may itatanong ka pa ba? Kasi naturo ko na lahat ng mga lugar na dapat mong matandaan dito sa D.H.U. Kaya lang naman kita sinamahan dahil bago ka lang dito. Sinamahan kita kahit na magagalit sakin si Ca—''

"Magkapatid kami."

Pakiramdam  ko biglang tumigil ang oras sa sinabi niya. Magkapatid sila? Nino?

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon