CHAPTER 29

1.2K 25 0
                                    

 

29th Chapter

Ashmiya Michaella

 

Natuloy ngayon yung project na sinasabi ni Sir Rick samin. Pumayag si Calyx na maging model rin pero ngayong nagsushoot na feeling ko magkakaproblema. Ang sama kasi ng tingin ni Calyx kay Jack, si Jack kasi ang kapartner ko ngayon.

"Ash, put your hands around Jack's neck." Sabi nung photographer namin.

"WHAT?!"

Napatingin kaming lahat kay Calyx dahil sa pagsigaw niya.

Tinry ko siyang kausapin gamit ang mata ko. I tried my best para kumalma siya, inirapan ba naman ako.

I sighed. "Pasensya na po kayo kay Calyx." Sabay yuko ko.

"No problem, Ash. Normal lang na maging ganun ang reaksyon ng boyfriend mo. Masasanay rin yon. Haha!"

"Thanks po." Nakangiti kong sagot kay Mr. Luke, photographer namin.

"Sorry din, Jack." Sabi ko kay Jack. Pinaikot ko na rin yung braso ko sa may leeg niya. Pinagpatuloy naman na ni Mr. Luke yung pagkuha ng litrato.

"No worries, Ash. Di mo naman sinabing ganon ang type mo. Haha."

Kumapit naman ako this time sa braso niya at sinandal ko ang ulo ko. "What do you mean?"

"Wala, brokenhearted ako. May boyfriend ka na eh."

Pabiro ko siyang kinurot. "Drama mo. Haha."

"By the way, alam mo na yung usap-usapan?"

Pinagdikit namin yung mga kamay namin habang nakatingin sa isa't isa. "Di ko alam. Ano meron?"

"May project tayo with an international model. Balita ko, pinaghahandaan talaga ng mga staffs ng Orion ang pagdating niya next week."

"Uhm, okay. Sana mabait siya para makasundo ko."

"Sana di siya tulad mo na choosy." Bulong ni Jack.

"What did you say?" nakataas ang isang kilay kong sabi.

"Haha, joke lang!"

Inirapan ko lang siya. After 30 minutes, natapos rin ang photoshoot.

Nagjacket ako dahil naka-sando shirt lang ako saka shorts. For Summer kasi ang theme ng photoshoots namin ngayon.

Kanina ko pa tinatawagan si Calyx, di naman sumasagot. Saan kaya nagpunta 'yon?

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon