CHAPTER 61

942 21 0
                                    

61TH CHAPTER


Ashmiya Michaella


Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Why did Kevin do that?! Bakit niya ko hinalikan sa harap ni Calyx?!


"Tangina mong hayop ka!"


Napakurap ako nang makita ko si Kevin na napahiga. Lumingon ako kay Calyx at humarang ako.


"Ashmiya, tumabi ka!"


Umiling iling ako.


"Putangina, Ashmiya! Tumabi ka! Tuturuan ko ng leksyon ang gagong 'yan!"


"NO!" Malakas kong sigaw.


Napatigil si Calyx. Huminga ako nang malalim at sinusubukan kong pigilan ang sarili ko na humagulgol.


"Calyx, umalis ka na..." mahina kong sabi habang nakayuko.


"Ano?"


Ikinuyom ko ang kamao ko. Pinipigilan ko ang sarili ko sa gusto kong sabihin.


"Pinoprotektahan mo 'yang gago na yan?"


Hindi ako sumagot.


"Bakit, Ashmiya? Mahal mo na ba siya?"


Inangat ko agad ang ulo ko. "No! No! No! I'm begging you, Calyx. Stop asking, kalimutan mo na ko! Tapos na tayo!"


Hindi ko na napigilan pang mapahagulgol. Natatakot ako. Natatakot ako para bukas. Baka magsumbong si Kevin sa kuya ko at pagdilat ng mga mata ko bukas malalaman ko na lang na wala na si Calyx na hindi ko na siya makikita. Ayokong mangyari 'yon!


"Tangina."


Napapikit ako nang madiin. Alam kong nasasaktan si Calyx ngayon pero ayoko siyang mapahamak. Hindi ko kayang mapahamak siya. Hindi ko kayang makita siya sa bilangguan.


"Ashmiya, huling tanong. Ginagawa mo ba ang lahat ng 'to dahil utos ng kuya mo?"


Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paano niya nalaman? Sino nagsabi sakanya? Oh my god! No!


"No! H-hindi! Labas si kuya dito! No!" nauutal utal kong sabi.


"Sabi na nga ba eh."


Bigla akong nagpanic nang makita ko siyang tumalikod. Nilingon ko si Kevin na nakahiga pa rin at walang malay. Shit, sinong uunahin ko?!


Bahala na! Sinundan ko si Calyx at sinubukan ko siyang tawagin. Huminto siya sa paglalakad nang nasa tapat na siya ng motorsiklo niya.

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon