CHAPTER 46

992 20 0
                                    

Kris on the multimedia.


46TH CHAPTER

 

Shailyn Erika

 

Uwian na. Di ko alam bakit nakakaramdam ako ng lungkot. Dati rati kasi, hindi ako umuuwing mag-isa. This is the first time, lagi kasi akong hinihintay ni Kris kapag uwian tapos nung nagbreak kaming dalawa si Myka na ang madalas kong kasama kasi si Ella biglang nag-iba, hindi ko alam kung anong nangyari sa babaitang 'yon. Parang hindi siya. Parang ibang tao siya ngayon. Ano kaya nangyari? Nakaalis na ngayon si Myka for sure. Sana mag-enjoy si bessy sa Japan.

Ano pa bang magagawa ko? Kailangan umuwi na ko. Sino pa bang hihintayin ko, diba?

Nginitian ko si Manong guard nang mapadaan ako sa may gate. Pagkatapos nagbuntong hininga ako. Sa sobrang lalim, dinaig pa ang dagat. Bakit ba kanina pa ko nagbubuntong hininga? Parang kay bigat bigat ng dinadala ko ah?

"BABE!"

Hindi ko alam bakit ako napahinto sa paglalakad. Humigpit rin ang hawak ko sa shoulder bag ko. Shailyn Erika Mendez, bakit ka huminto ha? Ah ewan! Maglalakad na lang ako ulit, ayoko siya makausap. Ayoko siyang makita. Di ko pa nakakalimutan yung kahihiyan na dinanas ko sa bar dahil sakanilang dalawa ni Layner.

Speaking of the taong yelo, papunta siya palapit dito. Isa pa 'to sa iniiwasan kong makita eh!

Pero what to do? Saan ako dadaan? Nasa harapan ko si Layner tapos nasa likod ko naman si Kris.

Papalapit na sa kinatatayuan ko si Layner, kaya bigla akong lumingon sa likod ko at napanganga ako nang makita kong papalapit na rin si Kris. Shit, shit, ano nang gagawin ko?!

"Babe/Erika!" sabay nilang sabi.

Di sila pwedeng magpang-abot. Baka mamaya matuluyan na yung suntukan nilang dalawa.

Pero sino uunahin ko? Sino sasabihan ko na umalis na?

Ahhhhhhhhhhhh damn it ang hirap maging maganda!

Tumalikod ako para lapitan si Kris.

"Babe." Yayakapin niya sana ako pero di ko siya hinayaan, umiwas ako kaagad.

"Umalis ka na." Sabi ko.

"Ha? Bakit mo ko pinapaalis? I want us to talk, babe. Please." Nagmamaka-awa niyang sabi.

I bit my lower lip at tumingala ako. Wag niya sana akong umpisahan.

"Babe," hinawakan niya yung kanang kamay ko. "Di mo na ba ko mapapatawad? Please, give me another chance."

Napatingin ako sakanya. Di ko alam kung bakit parang apektado ako sa itsura ng mukha niya ngayon. Parang gustong gusto niya talagang magkabalikan kami.

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon