CHAPTER 15

1.8K 47 0
                                    

15th Chapter

Ashmiya Michaella

Nagkaroon kami ng long weekend dahil may araw na magkasunod na holidays. Wala pa kaming pasok tuwing Saturday, bale Saturday-Sunday-Monday-Tuesday, tengga lang kami sa mga bahay namin!

Pero di ko masasabing nag-enjoy ako nung mga araw na 'yon. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil naalala ko na naman yung Skype session namin ni Finnley nung Saturday evening. Hindi na nga ako nakasimba dahil alas-kwatro na kami ng madaling araw natapos mag-Skype.

Nandito ako sa bus papuntang D.H.U. Hanggang dito di ko pa rin makalimutan yung mga sinabi sakin ni Finnley, sinabi niya sakin yung reasons kung bakit siya naging assassin.

Nagsasoundtrip ako dahil ayokong mabored sa biyahe. Huminto yung bus, siguro may sumakay.

Okay, balik tayo sa usapan namin ni Finnley last time. Sinabi niya rin sakin na wala daw siyang choice kundi takutin ako at gamitin sil Kuya Vin, Shai at Myka para daw hindi ako magsumbong at magsabi sa iba ng nalalaman ko. Ayaw pa raw niyang mahuli dahil hindi pa niya nagagawa ang gusto niya. Hindi pa niya nakikita ang pumatay sa pamilya niya. Yung pinatay pala niya nung gabi na nakita ko siya ay yun yung natira sa mga nakatakas na murderer sa family ni Manang Doray which is yung malapit niyang kaibigan na isang dahilan rin para gawin niya ang mga bagay na 'yon.

And...he confessed to me. Shet, hindi ko maiwasang mapangiti pag naalala ko yung mga sinabi niya that time. The feeling I felt that time is so...unexplainable. May kung ano ngang malikot sa tiyan ko non eh.

"Ashmiya, ngayong nalaman mo na kung bakit ko nagawa ang mga bagay na 'yon. Sana mapatawad mo 'ko."

"May isang bagay pa kong gustong sabihin sayo. Hindi ako nagpunta sa D.H.U para lang bantayan ka dahil natatakot ako na sabihin mo sa iba ang nalalaman mo. Lumipat ako ng university dahil...gusto kitang makita at makasama."

"Nung nakita kita nung gabi na 'yon, hindi ko ma-explain ang pakiramdam ko. Masyado akong natakot dahil ikaw pa lang ang kauna-unahang babaeng nakakita sa ginawa ko na hindi hinimatay or what. Nagawa mo pang ayain ako na sumuko at magbago, I find it...cool."

"Hinintay ko talaga na may umaresto sakin na pulis sa loob nung tatlong buwan na hindi tayo nagkita, hinintay kong mabalita na pinaghahanap na nila ko pero nagtaka ako dahil wala akong napanood o narinig na kahit ano man. At dun mas lalo kitang nagustuhan. Naisip ko na may isang tao rin palang makakaintindi sa ginagawa ko."

"Lalo na nung nalaman kong you like assassins. Napa-yes ako that time, ahh, sa isip nga lang. Ang bakla naman kasi kung magsisigaw ako dahil nalaman ko na may isang characteristics ako na gusto mo. That way, medyo umasa akong magugustuhan mo rin ako."

"Pero nung inumpisahan mo kong di pansinin, nung iniiwasan mo na ko, di ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Para bang may tumutusok na karayom sa dibdib ko everytime na di mo ko pinapansin at nilalayuan mo ko. Ang sakit pala ng feeling na 'yon."

"Dun naman sa part na kung bakit kamuntik-muntikan na kitang patayin noong nasa condo unit kita, I'm so sorry. Sorry rin dahil ginamit ko pang panakot at pinagbantaan ko pa ang buhay ng kuya mo at mga kaibigan mo. Nadala lang ako ng...selos. Selos dahil sila ang mga taong importante sayo. Hiniling ko rin na sana maging importanteng tao rin ako sayo balang araw."

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon