CHAPTER 36

1K 22 0
                                    

36th Chapter

Ashmiya Michaella

Three months na ang nakakalipas matapos dumating ang isang malakas na bagyo na sumubok sa pagmamahalan namin ni Calyx. Mas lalo kaming tumibay na dalawa. And, we're celebrating our 5th monthsary today.

"Ella, una na kami, ah? May date pa kayo ni Finnley, diba?" pang-aasar ni Shai samin.

Nakangiti akong tumango. "Ingat kayo pag-uwi."

Kumaway lang sila sakin ni Myka bago lumabas ng classroom. Inayos ko yung mga gamit ko sa loob ng bag ko. Hinihintay ko pa si Calyx na bumalik galing sa Dean's office. Pinatawag kasi siya ni Sir Carpio pagkatapos ng klase.

Biglang nagring ang cellphone ko.

"Kuya Vin? Bakit?"

"Ella. Umuwi ka ng maaga. May sasabihin ako sayo," bakit ang seryoso masyado ng boses ni Kuya Vin?

"Ahh, sige. Uuwi ako agad after namin manood ni Calyx ng sine."

Hindi na sumagot si Kuya Vin, nakita ko na lang na wala na yung tawag niya.

"Ashmiya? Let's go?"

Nakita ko si Calyx na kakapasok lang. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at sinukbit ang school bag ko at lumapit ako sakanya. Niyakap ko siya sabay bulong "happy 5th monthsary, Calyx. I love you."

"Mas mahal kita, Ashmiya," pagkatapos niyang humiwalay sa yakap namin-binigyan niya ako nang isang matamis na halik sa labi na nakapagpangiti sakin.

Thank you sa hindi pagbitaw, Calyx.

∞ © ∞ © ∞ © ∞ © ∞

Hinatid ako kaagad ni Calyx sa bahay pagkatapos naming manuod ng sine. Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay namin.

"Ano bang ibibigay mo, Mr. Jones? Bilisan mo, mukhang nasa menopausal mode si Kuya Vin, eh."

Binuksan niya ang box sa gitna ng kotse.

"Ashmiya, hindi Jones ang totoong surname ko. Kung papakasalan kita, magiging si Mrs. Sinco ka. Handa mo bang tanggapin ang kaparehas na apelido ng taong pumatay sa magulang at kapatid mo?"

Ramdam ko ang lungkot at takot sa boses ni Calyx.

Hinawakan ko ang isang kamay niya. "Kahit ano pang apelido yan, Calyx. I will accept it as long as it's your surname."

"Ashmiya," napapikit ako nang yakapin niya ko nang mahigpit.

Ganun kita kamahal, Calyx. Handa akong kalimutan ang mabigat na kasalanan ng ama mo sa pamilya ko. Handa kong kalimutan na siya ang dahilan kung bakit namatay ang magulang at kapatid ko.

"Oh, nasaan na yung bibigay mo?" tanong ko nang humiwalay na siya sa yakapan namin.

Nakita kong may kinuha siyang isang maliit na black box, binuksan niya ito at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko-ang isang singsing.

Napatakip ako sa bibig ko.

"Calyx, inaaya mo na ba kong magpakasal?" mangiyak-ngiyak kong sabi.

Ngumiti siya-tama ba ako?

Nilalapit niya ang mukha niya sakin-hahalikan niya ba ko? Pumikit ako at napa-ouch ako nang pitikin niya ko sa noo.

"Hoy! Ang sakit nun, ah! Ba't mo ko pinitik sa noo?" I said while glaring at him.

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon