CHAPTER 70

1.4K 26 0
                                    

70TH CHAPTER


AUTHOR'S POV


Kanina pa nakatingin si Myka at Shailyn sa bestfriend nilang si Ashmiya na nakatulala at nakatingin sa labas ng bintana ng kwarto ng ospital na kinaroroonan nila.


Hindi nagpunta si Ashmiya sa burol o sa libing ng kuya niya dahil hindi niya pa rin tanggap hanggang ngayon na wala na ito. Na hindi na niya 'to muling makakasama.


"Bessy, ano bang gagawin natin? Kailangan niyang kumain kahit nitong soup lang na binili ko sa Jollibee. Baka magkasakit na ng tuluyan si Ella," bulong ni Shailyn kay Myka.


"Hayaan muna natin siya. Ilagay mo na lang 'yan sa may lamesa doon," sagot ni Myka sabay turo sa lamesa na nasa gilid ng kama ni Ashmiya. "Kailangan niyang mapag-isa. Umalis muna tayo. Wala ka pa ring tulog, diba?" dagdag pa ni Myka.


Ayaw man umalis ni Shailyn at iwan ang kaibigan ay sinunod niya ang sinabi ni Myka. Nilagay niya sa may lamesa malapit sa kama ni Ashmiya ang binili niyang soup para dito pati na rin ang mga tinapay na dala naman ni Myka. Sabay silang lumabas na kwarto na dalawa.


—-


"Calyx? Pre, bakit ngayon ka lang nagpakita?" bungad na tanong ni Earl nang makita niya ang kaibigan na pumasok sa condo unit nila. Kasalukuyang nag-aalmusal si Earl at Layner ngayon habang katext sila Myka at Shailyn.


Sinundan lang ng tingin ni Layner si Calyx na hindi man lang nag-abalang sagutin ang tanong sakanya ni Earl. Umakyat ito papunta sa kwarto niya at nagbihis. Pagkababa niya, umupo siya sa katapat na upuan ni Layner at sumubo ng tinapay na nasa lamesa.


"Ashmiya is in the hospital. It's been three days since na naconfine siya. Hindi mo ba yun alam?" sabi ni Layner.


Napatigil sa pagnguya si Calyx at tumingin sa dalawa niyang kaibigan na kanina pa naghihintay ng eksplanasyon sakanya.


"I know. I know everything. I know that Ashmiya's kuya is dead. And it's my fucking fault!" Hindi na napigilan pa ni Calyx ang sarili niya at tumayo siya para suntukin ang pader ng unit nila nang paulit-ulit. "Tangina, nahuli ako! Ano pang mukha ang ihaharap ko kay Ashmiya ngayon?! Hindi ko man lang nailigtas ang kuya niya!"


Nagkatinginan si Earl at Layner dahil sa inaakto ni Calyx. Tumayo si Earl at lumapit sa kaibigan. "Pre, kumalma ka. Wala ka nang magagawa kundi puntahan si Ashmiya, kailangan ka ng girlfriend mo. Hindi siya kumakain at magpaka-hanggang ngayon hindi niya pa rin matanggap na wala na ang kuya niya."


Tumigil sa pagsuntok si Calyx sa pader at napasabunot sa sarili niyang buhok. Huminga siya nang malalim bago humarap kay Earl. "Nailibing na ba si kuya Vin?" tanong nito. "Oo, kahapon pa. Pero ni hindi lumabas si Ashmiya sa kwarto niya sa ospital kahit alam niya na ililibing na ang kuya niya. Pre, you need to make her accept that her kuya is already dead. Delikado pag hindi kinaya ni Ashmiya ang lahat. Baka kung anong gawin niya."


Tila natauhan si Calyx dahil sa sinabi ni Earl. Mabilis siyang lumabas ng unit nila at sumakay sa kotse niya. Sakto namang may tumatawag sa cellphone niya. Nakita ni Calyx ang pangalan ni Paris na nakalagay. Bago niya inistart ang makina ng kotse, sinagot niya muna 'to.

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon