CHAPTER 57

965 19 1
                                    

Ashmiya Michaella


Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong sabihin kay Shai ang lahat. Ang inaalala ko lang, baka sabihin niya kay Calyx yung sinabi ko. Hindi pwedeng malaman ni Calyx na si Kuya Vin ang may gusto na magkahiwalay kami.


Nandito ako sa may dressing room ng D.H.U. Dito muna daw ako maglagi sabi ni Shai dahil kailangan kong magpahinga para sa Grand Ball mamaya. Napatingin ako sa may gown dito sa may gilid. Napakaganda talaga nito. I can imagine myself wearing this, para siguro akong ikakasal. Ang problema nga lang, hindi si Calyx ang groom ko. Kundi si Kevin.


Nawala ang ngiti sa labi ko.


Bakit nga ba tinanggihan ko na si Calyx ang maging kapartner ko mamaya? Bakit nga ba hindi ako maging totoo sa sarili ko? Hindi ba sapat naman na yung ginawa ko?


Gusto kong saktan si Calyx pero nagbaback-fire sakin ang ginagawa ko dahil ako ang nasasaktan. Nasasaktan ako pag sinasaktan ko siya. Kapag nakikita ko yung sakit sa mga mata niya dahil sa kagagawan ko.


Kung matatanggap lang sana ni Kuya Vin ang lahat.


Hindi ko naman siya masisisi dahil matagal rin niyang hinanap ang pumatay sa magulang at kapatid namin. Ang nakapagtataka lang, paano niya nalaman na ang ama ni Calyx ang mastermind sa nangyari na 'yon? May nababanggit siya palagi sakin na pangalan eh, William? Yeah, that's the name ng taong tumutulong daw sakanya para mahanap ang may kagagawan sa nangyaring pagpatay sa pamilya namin. Pero may iba akong pakiramdam sa William na 'yon.


Kuya Vin was so engrossed about it. He can't let it go. He wants to avenge our family. He wants Calyx's dad dead. Mata sa mata; buhay sa buhay. Hindi niya kayang magpatawad. Kaya nga, ginawa niya ang lahat para layuan ko si Calyx eh kahit na alam niyang hindi ako sasaya doon at masasaktan rin ako, ako na sarili niyang kapatid.


Ako lang naman kasi 'tong napakadaling mag-let go. Paano nangyari? Syempre dahil... dumating sa buhay ko si Calyx. Calyx changed my whole life. He even changed my perspective about things. Hindi ko rin alam kung ano ba nangyayari sakin dahil ang tamang gawin ay pumunta ako sa pulis ngayon at magsumbong lalo na inamin na rin naman ni Mr. Sinco ang kasalanan niya nung nagkita kami. Pero heto ako at walang ginagawa. Nagbubulag-bulagan.


'Too much love can make us stupid.'


Nang magkausap kami ni Mr. Sinco hindi siya nagpakita nang kahit ni katiting na paghingi ng tawad o pagsisisi sa ginawa niyang kademonyohan sa pamilya namin. He even warned me about Calyx too. He even made me chose between Calyx and the justice for the death of my loved ones. He is a devil, a devil wearing a mask of a person. Pero i'm the stupidest among the people in this world dahil mali ang naging desisyon ko pero hindi ko 'yon pinagsisisihan. I can sacrifice everything for Calyx.


Pero hindi magtatagal matatapos na rin ang kawalanghiyaan ni Mr. Sinco, hindi siya mananalo dahil gumagawa na ng paraan si Kuya Vin para pagbayaran niya ang napakalaki niyang kasalanan.


Sana lang magtagumpay ang kuya ko. Sana nga lang hindi siya mapahamak sa gagawin niya.


Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon